Chapter 2
Iminulat nya ang mga mata medyo
nasilaw pa sya sa liwanag sa paligid
Kaya naman ipinikit nya muna ang mata
bago nagmulat muli. Puting kisame ang
namulatan nya. At may nakakabit ng
aparato at suwero sa kanya Nasa
ganoon syang ayos ng biglang bumukas
ang pinto at iniluwa doon ang isang
lalaki.
"Hi your awake how's your feeling?
nakangiting tanong sa kanya ang binata
pinagmasdan nya ito natatandaan na
nya. ito ang tumulong sa kanya hindi nya
tuloy maiwasang mamangha sa kaharap
napakaguwapo neto at napakatangkad.
matangos din ang ilong, mapupula ang
mga labi at ang mga mata nitong kulay
abo, nakakaakit pagmasdan parang
laging tunatawa ang mga mata neto.
sobrang puti din
"Ehem! Don't look at me like that baby!
biro ng lalaki habang nakangiti lumabas
tuloy ang mapuputi at pantay pantay na
ngipin hindi tuloy nya maiwasan mapa
lunok at mapakagat labi.
"Are you okay Miss? tanong ulit nya ng
hindi pa rin sumasagot ang babae.
"Ah? a-ano p-po yun? h-hindi ko po
maintindihan ang sinasabi nyo!
nahihiyang saad nya. napangiti naman
si Bryan
"Sabi ko okay ka na ba? kumain ka muna
baka wala pang laman ang tyan mo!
para gumaling ka agad! malamyos na
wika nya
"S-salamat po! salamat din po sa
pagliligtas mo sa akin utang ko sa inyo
ang buhay ko.kung hindi dahil sayo ay
malamang nasa kasa na ako ngayon.
maraming salamat talaga.hindi ko alam
kung pano ako makakabayad sa inyo!
mahaba nyang usal
"Ano ba kasi ang nangyari at bakit ka
hinahabol ng mga lalaking yun? usisa
nya sa dalaga. napayuko naman ang
dalaga at bigla nalang umiyak ito.
Nabahala naman si Bryan kaya agad
nyang nilapitan at hinaplos ang likod
para kumalma.
" It's okay sa ngayon magpagaling ka
muna, Saan ka ba nakatira? O saan kita
ihahatid? sa halip ay tanong nya umiling
ang dalaga
"Hindi ko po alam naglayas po ako sa
amin! sagot nya habang humihikbi
"Wala ka bang kamag anak dito o
kaibigan na matutuluyan? umiling ulit
ang dalaga. napamura nalang sya ng
lihim
"Wala po kaming kamag anak dito taga
leyte po kami at nakapangasawa lang po
ang nanay ko dito sa Cagayan.! turana
nya habang nakayuko
"p-pwede p-po bang makituloy muna
sa i-inyo pansamantala? k-kahit mag
trabaho po ako ng walang bayad okay
lang po basta may matutuluyan lang
ako ngayon gabi! nahihiya man ngunit
kinapalan nalang nya ang mukha. Lubos
lubusin na nya para lang may matuluyan
sya kahit ilang araw lang.
"Sa apartment lang ako nakatira, saka
iisa lang ang kama, Pero kung wala ka
talagang matuluyan pwede ka naman
doon sa salas! sa wakas ay pagpayag
ni Bryan
"T-talaga po maraming salamat po!
ang lawak ng ngiti nya. Tumango naman
sya at tinungo na ang table na pinag
lagyan nya ng pagkain na binili nya
kanina at saka nagsalin na sa plato ng
pagkain sabay abot neto sa dalaga.
"Eat well, sabi netong nakangiti
"Salamat madami na akong utang sayo
hindi ko alam kung paano ako makaka
bayad pa! pero kahit gawin mo akong
katulong okay lang basta mabayaran
lang kita sa abot ng aking mamakaya!
mahaba nyan wika habang nakayuko
hinawakan naman ni Bryan ang baba ng
dalaga at nginitian ito.
"it's okay, basta magpagaling ka lang
ay sapat na sa akin iyon, pwede ka na
ba magkuwento kung ano ba talaga ang
tunay nangyari sayo bakit ka nila
hinahabol? tanong ni Bryan napayuko
ulit ang dalaga upang itago ang
nagbabadyang luha pumatak kinagat
nya ang pang ibabang labi upang
mapigilan ang mga luha.
"Okay sige kung hindi ka pa handa, hindi
kita pipilitin" turan nya habang nakangiti
"Nay tama na po masakit na po!
parang awa nyo na! aray ko nay!
"Lintik kang bata ka pinapalamon kita
pagbebenta lang ng kakanin hindi mo pa
magawa anong kakainin natin ngayon!
galit na wika ng ina habang walang
humpay ang paghampas ng dos por dos
bawat latay sa kanyang katawan ay
napapaigik sya sa sobrang hapdi at kirot
heto na ang naging buhay ni Sydney
simula ng mamatay kanyang tatay.
Naglalako ng kakanin at mga gulay sa
ilalim ng tirik na araw ay nilalako nya
iyon kahit lima o sampong kilometro pa
ang layo nilalakad nya araw araw basta
may maiuwi lang syang pera. Dahil wala
syang maiuwing pera ay bugbog ang
abutin nya kung minsan ay inuumpog
pa sya ng kanyang ina sa dingding nilang
kahoy. Hindi na sya nakapag aral
hanggang grade 6 lang ang inabot nya
dahil hindi na sya pinag aral ng kanyang
ina. gastos lang daw tumulong nalang
daw syang magbukid. araw araw bugbog
ang inaabot nya sa ina lagi rin syang
ginugutom kung wala syang perang
maiaabot sa nanay nya.hindi sya
tinitirhan ng pagkain nya kaya madalas
ay matutulog nalang syang kumakalam
ang sikmura. Ilang beses na rin syang
muntik nang pagsamantalahan ng
kanyang tiyuhin na bagong asawa
ngayon ng nanay nya. Ilang beses syang
nagsumbong sa ina ngunit sabunot at
tadyak lang ang napapala nya.
"Malandi ka kasi inaakit mo ang tiyuhin
mo tapos pagbibintangan mong
minamanyak ka, wala kang utang na
loob sa tiyuhin mo pagkatapos ka nyang
ituring na tunay na anak at palamunin.
yan pa ang igaganti mo sa kanya wala ka
na ngang pakinabang ay sisirain mo pa
ang asawa ko". Galit na wika ng ina
habang sinasampal sya at
sinasabunutan.
"Ano ba yan Melba bakit mo na naman
sinasaktang ang anak mo maawa ka naman"
kunwaring awat sa kanyang ina ng manyak nyang tiyuhin.
"Nako Alfonso ang malanding babaeng
ito sinisiraan ka minamanyak mo daw
alam ko naman na hindi mo magagawa
yan Kay Sydney dahil itinuring mo na
syang parang tunay na anak.sumbong
ng ina
"Oo naman Melba bakit ko naman
gagawin yun kay Sydney" nakangising
saad ng tiyuhin habang nakatingin sa
kanya na nanlilisik ang kanyang mga
mata. Walang nagawa si Sydney kundi
umiyak nalang ng umiyak wala syang
kakampi wala syang mahingan ng tulong
wala man lang syang kaibigan dahil
pinagbabawalan sya ng kanyang inang
makipagkaibigan Lahat kasi ng
nagtangkang kausapin sya ay tinataboy
ng kanyang ina. Wala daw maidudulot na
maganda ang pakikipagbarkada imbis na
makipagbarkada ay maghanap buhay
nalang daw sya, ito ang buhay nya araw
araw.paglalabada at paglalako kung
minsan ay sumasama sya sa
pagtatanim ng mais banat na banat ang
katawan nya sa trabaho sa bukid. Pero
kinakaya nya para mabuhay marami pa
syang pangarap.