[Pangpitong Tabas - 6] "Bakit naman dito pa?" Matigas kong pagtatanong. Napatingin silang dalawa sa akin. Umupo na si Irene sa couch. Naka-widely open ang magkabilang kamay nya na nakapatong sa ibabaw ng sandalan ng couch. Naka-de-cuatro sya. Si Roberto naman ay nakatayo sa kaliwang bahagi ng couch. Nakatayo ako, nakaharap sa kanilang dalawa. "Are you afraid?" Pagtatanong ni Roberto. "Oo! Natatakot ako na baka may makakita sa gagawin natin!" Sabi ko. Naiirita talaga ako kay Roberto. "Wala kang dapat ikatakot babes. Para namang hindi ka tao rito sa bahay. Tulog na ang lahat ng tao rito ng ganitong oras. At walang katulong ang maglalakas loob na pumasok dito kung sakaling magising man sila. Kaya wala kang dapat ikatakot babes." Mahinang sabi ni Irene. "...so wants to do it first?" Napaku

