[Pangpitong Tabas - 3] Nang makita ko si Irene na pasalubong sa akin. Napa-atras talaga ako. Tumaas ang kilay niya. Parang naiinis sa pag-atras ko. Nagsensya ako na may tao kasi sa sala. "Bakit parang nakakita ka ng multo pards?" Pagpuna ni Felix na napansin pala ang pagkabigla ko sa biglang pagsulpot ni Irene. Eh narinig ni Irene! "What? Sinong multo?" nagmamadaling lumapit si Irene tapos nakita na nga niyang pababa si Felix. Si Yuki napatingin kay Irene. "Oh Christina? Naligaw ka ata ulit?" Sabi ni Felix na may pagkasarkastiko. "This is our house. Uuwi ako kung kelan ko gustong umuwi. Ako nga itong nagtataka talaga kung bakit lagi kitang naabutan dito. Diba ikaw itong nagsabing hindi ka na uuwi rito? Bakit? Wala na bang tumatanggap sayo Felix? I mean, kuya Felix?" Mataray na pagkaka

