[ Aton & Yuki - Part 1/2 ] ...Nagsimula ang lahat ng makilala ko si Yuki Guevarra. Hindi naman talaga simula ... Masasabi kong, iyong kwento naming dalawa. Walang pasok noon kaya naman napag-pasyahan kong magpunta ng Mall. Mainit kasi sa bahay. Noong naglalakad ako. Napadaan ako sa Jolibee ata iyon o McDo? McDo ata. Nakita ko si kuya Amos na may kasamang bata. Maputi. Makinis. Mukhang mayaman. At isa pa sa kapansin-pansin sa kanya ay ang kaniyang singkit na mata. Sinigurado ko muna kung si Kuya Amos nga ang kasama ng bata. Kasi ang pagkakaalam ko noon nandoon siya sa pinagtatrabahuan nya sa Cavite City. At nang masigurado ko na talagang siya nga--lumapit na ako. Yun ang unang beses na nakausap at nakilala ko si Yuki. Doon ko rin nalaman na magkakompitensya kami sa National School Ches

