Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay tinanong nila mama, kung sino daw ang nagdoorbell. Ang sinabi ko na lang ay isang delivery man na nagtatanong ng address. Hindi ko naman pwedeng sabihin na si Rainier,dahil naibigay ko na ang ulam sa mokong na iyun. Habang papunta na ako s aking upuan ay may nagdoorbell na naman. "Craig umupo ka na, ako na ang magbubukas" sabi ni kuya Maya maya pa pumasok si kuya kasama si mokong, (hay naku, timing din to si kuya e) "Craig si bayaw pala to e" sabi ni kuya habang naka-akbay kay mokong Hindi ko na lang sila pinansin dahil nabadtrip at nasaktan ako sa sinabi ni mokong. Lakas din ng loob magpakita pa dito e, eh kung isumbong ko kaya siya kay kuya? "Oh, iho tara na at sumabay ka sa aming mag-almusal , naku at nagdala ka pa talaga ng ulam ha" sabi ni mama.

