Craig's POV: "ANONG GINAGAWA NG HAYOP NA YAN DITO!" malakas na sigaw ni kuya nang makita niyang kasama ko si mokong "Kuya, hayaan mo naman siyang magpaliwanag" natatakot kong sagot dito " bayaw..." paguumpisa ni mokong "GAGO KA BA HA!? ANG LAKAS NG LOOB MONG PUMUNTA DITO TAPOS TATAWAGIN MO PA AKONG BAYAW?" galit na pagsingit ni kuya "Anak tama na yan!" pagpigil dito ni mama " ANONG TAMA NA MA? HINDI MO BA NAKITA NOONG MGA PANAHONG INIWAN NG HAYOP NA YAN SI CRAIG MA? MA LAHAT TAYO APEKTADO, MUNTIK NA NGANG HINDI MAKATAPOS NG HIGHSCHOOL YAN DAHIL SA PANGGAGAGO NG HAYOP NA YAN" galit na pagpapaliwanag ni kuya kay mama Hindi ko na napigilan ang umiyak dahil sa mga naririnig ko mukhang walang pag-asang maayos ang galit ni kuya kay Justine. Ngayon ko lang siya nakitang galit nang ganyan.

