Mokong's POV: Martes ngayon at hindi ko pa rin macontact si Craig kung ano na ang nangyari kahapon. Maging ako nagulat sa inasta ni kuya Carlo dahil halos kapatid na ang turing niya sa akin pero nang makita niya ako kahapon, parang kaaway niya akong tignan at sigaw-sigawan. Hindi ko naman masisisi si kuya Carlo e, sinaktan ko ang kapatid niya pero kung alam niya lang ang totoong dahilan ko sa pag-iwan kay Craig. Natatakot ako sa mga pwedeng gawin ni Craig, lalo nat mas may kakayahan na si kuya Carlo ngayon dahil maganda na ang estado ng buhay niya sa ibang bansa ngayon. " Papa Justine , bat riding solo ka dito? Where's my sizzum?" ang bungad sa akin ni Jaira. Nandito ako ngayon sa isa sa mga bench sa tapat ng building naming dahil napagpasyahan kong wag muna umuwi. Iniisip ko kasi si Cr

