Hinila ko naman agad si Jaira, at sinabihang daldalin ako. Takte kinabahan talaga ako. Bakit naman kasi ganun? Nambabanta agad? Pag ako naihi dito ha.
"Craig mey transferee pele" si Jaira
"oh ano naman, bat para kang natatae?" sagot ko habang tinitignan siya
"Ang gwepekeshee, " sagot niya na parang kinikilig.
"Umayos ka nga, isusubo ko sayo tong pencil na to pag di ka umayos" sagot ka sabay kuha ng pencil sa bag ko.
"Hindi na!, tignan mo kasi, ang gwapo kaya" sagot niya sabay paling ng ulo ko
Pagtingin ko, patay! Si mokong yun ah!. Gwapo pala siya, hindi ko man lang napansin kanina. Kaya lang bat parang naggigigil si mokong. Pinagmamasdan ko siya ng bigla siyang lumingon sa direksyon namin. Ang sama ng tingin niya sa akin, then yung kamao niya parang pinapaputok niya (baka paputok?) . Grabe naiistress na ako, kasi naman e.
Dumating na yung adviser namin, at nalaman din naming na siya ang magiging teacher naming sa Filipino subject naming. So dahil nga first day, mawawala ba naman ang introduce yourself (syempre hindi). Well, dahil isa lang naman ang transferee, e siya na lang ang nagging kahintay-hintay para sa mga babae naming classmates. Pumunta sa harap si mokong, at aba nakangiti si mokong at ang aliwalas ng mukha.Pero nung pumuta yung tingin niya sa akin, bigla siyang nagevil smile. Bakit kasi nananakot siya? Pwede naman akong magsorry e.
"Hi everyone I am Justine DelaFuente, 18 years old from Golden Gate Montessori. I love to play basketball,billiards, soccer and I am also a blackbelter in karate (sabay tingin sa akin)."
"ok class lets, welcome Justine, and I hope na maging Masaya ang first day of class mo dito sa school." Sabi ni miss
"For sure it's going to be fun" sabi niya, sabay lakad sa upuan niya
Pagkatapos ng dalawang subjects ay nag-bell na, which means recess na. Pinauna ko na mga classmates ko palabas ng room dahil di ko feel makipagsiksikan. Ganun naman talaga kami ni Jaira, pahuli na kaming lumalabas para unti na ling din ang tao sa canteen. Nang mapansin kong wala na masyadong tao, niligpit ko na agad yung gamit ko sabay tayo.
"Jaira tara na!" sabi ko sabay lingon sa upuan niya
The hell! (ingleshero, sorry ka) Nasaan si Jaira, akala ko pa naman nagets niya na yung routine naming nung third year. Bakit ngayon pa to, nawala?. Dahil gutom na din naman ako, e pumunta na lang ako sa canteen. Habang papunta sa canteen, ay may bigla na lang nanghila sa akin at dinala ako sa isang vacant room kung saan iniistock ang mga sirang upuan.
"Shocks! Justine, wag mo naman akong suntukin, di pa ako nasusuntok, wag naman ganito, kakaumpisa pa lang ng klase ,wag ka naman manuntok, sorry na kasi kanina, please naman, wag ka mununtok, napaka violent mo naman, " tuloy na tuloy na sabi ko habang nakapikit.
"di ba maayos kitang ,tinanong kanina?" sabi niya habang nakataas pa rin yung kamao niya
"Maayos bay un? Hoy tawag mo sa akin" pangangatwiran ko
"Sumasagot ka ha?, Gusto mo ba talaga masapak?" sabi niya habang umaarteng susuntukin ako.
"Hindi na,sorry na" sabi ko para kumalma naman si mokong
"Bakit mo ko ginago kanina?" sabi niya habang deretsong nakatingin sa mata ko
"Bakit mo ko ginago kanina?" paguulit niya ng sinabi niya
"Bat ba ayaw mo sumagot?" sabi niya habang sumisigaw
"Badtrip ka naman,Justine e, pag di sumagot nagagalit, pag sumagot naman ako manununtok ka? Anong gagawin ko play dead na lang? "Sabi ko habang pinipigilan yung kamao niya
"Ah sige, pinipilosopo mo ako ha? " sabi niya habang binibitawan ako. Aba nakangiti si mokong
"Sit" sabi niya na nanguutos
Jusko mabait naman pala, so umupo ako sa isa sa mga sirang arm chair doon. Nakakangalay din kayang tumayo.
"Sit!!" sabi niya, pero pasigaw na
"Nakaupo na naman Justine e, parang timang" sabi ko habang nagmamaktol
"Sit ,like a dog!" sabi niya. Wait seryoso ba siya
"Ano ka......" di ko pa tinatapos sasabihin ko ng sumigaw si mokong
"Gagawin mo o susuntukin kita?" sabi niya habang deretsong nakatingin sa akin
"Oo na, saglit. nagmamadali? atat na ata?" sabi ko habang pumupwestong nakaupo na parang aso, bakit kasi sinabi ko pa yung play dead kanina e.
"Naku Justine isusumbong talaga kita sa mommy ko, lapastangan ka. Di ka naman inaano e. ikaw kaya umupo dito na parang aso. Hindi ka makatarungan ha. naku ha!" sabi ko habang nakasimangot. Mukha akong tanga dito
" nasaan ba mommy mo? " sabi niya
"sa office" sabi ko
"Paano mo ako masusumbong?" sabi ni mokong
" sa bahay malamang, duhh ..."ay s**t "joke lang Justine. "Justine malapit na matapos recess, nagugutom na ako. Sorry na kasi e" sabi ko kay mokong
"Go" agad na sabi ni mokong
" yun!, salamat hahaha" sabi ko sabay tayo agad. Pero palabas pa lang ako ng magsalita si mokong
"but keep this in your mind, from now on you're my dog!" sabi niya na walang bahid ng pagbibiro, may paturo-turo pang nalalaman.
"KAPAL MO!!!!, IN YOUR DREAMS, MANIGAS KA DIYAN!! "Sigaw ko sa kanya sabay takbo pabalik ng classroom namin.