Kring-Kring's POV Buwan ng Marso at matapos ang isang taon, isa-isa kaming umakyat sa entablado upang kunin ang aming mga diploma. Bagamat, masaya kaming apat nila Hello, Sampagita at Kundiman na nakapagtapos, hindi naman maikakaila sa akin na kulang kami dahil sa pangyayaring iyon. Ang kuwento sa akin ni Kundiman ay nawalan ako ng malay at agad nila akong binuhat patungo sa dalampasigan at doon ay nakita nila ang isang bangkang de motor. Isinakay nila ako at agad daw naming nilisan ang Isla Kawa. Nang tanungin ko naman sina Hello at Sampagita tungkol sa Isla Kawa ay wala silang natatandaan. Kapag tinatanong ko naman kung may naalala sila tungkol sa mga kaibigan naming sumama sa islang iyon, umiiling-iling sila. Pagsabihan ba naman akong baliw? Ang sabi ni Hello, apat lang talaga kami a
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


