Kring-Kring's POV Hindi ko alam ang aking gagawin nang mga oras na ito. Parang ayaw gumana ng utak ko. Saksi ako. Saksi ako ngayon dito sa loob ng bahay na itong kung paano na-hipnotismo ang aking mga kaibigan. Tama. Hipnotismo nga ang tamang pagkaka-describe sa kanila. Parang napailalim sila sa kakaibang mahikang hindi ko alam. Habang nagtatago kami ni Kundiman sa isang sulok ng bahay na ito ay kitang-kita namin sa labas kung paano nagsisunuran sina Gumamela, Hello, Nara, Kawayan, Sampagita, at Beauty sa isang tinig. At nang aming tingnan ang labas mula sa isang butas na sakto lamang makita ng aming mga mata, doon ay nakita namin ang isang kubang nilalang na may suot na itim na balabal sa lilod, may sumbrerong hugis triyanggulo, at kulay itim din ang kasuotan na may bitbit na tungkod.

