(Avianna's POV) Galit na galit ako! Ang landi-landi ni Leyla! Alam ko nakasunod lang ang mga kaibigan ni Primo sa likod ko. "Avianna, room 006!" Narinig kong sambit ni Atty. Philip, kaya kaagad akong lumiko sa kaliwang hallway ng ikatlong palapag ng Starry hub kung nasaan ang mga kwartong pwedeng tuluyan ng mga gusto magpahinga. Napapahawi na lang ang mga nakakasalubong namin. Meron pa nga kaming nakasalubong na nakatapis lang ang lalaki habang hinahabol ng asawa niya ata. Tss. Siguro nahuling may kerida sa isa sa mga kwarto rito. Narating namin ang pinto na may nakasulat na Room 006. "Kakatok ka ba, Ms. Celebrity?" tanong ng kapatid ni Ciarra. Dahil nakatayo lang ako sa harapan ng kwarto. Lumingon ako sa kanila, tinignan sila isa-isa, at nagulat ako dahil may iniabot si Syd sa akin

