Rose Nang matapos kaming magluto ni Max ay agad naming tinawag ang dalawa ngunit hindi namin makita ni anino nila sa ilog. "Wala sila, nasaan kaya ang dalawa?" tanong ko sa kaniya. "Mas mabuti pang bumaba tayo baka hindi lang natin nakita sila, tara?" tanong niya sa akin at inilahad ang kaniyang kamay sa harap ko. Kinuha ko naman iyon. Naka-holding hands kami habang naglalakad. Napangiti ako ng wala sa oras. Hindi talaga siya nabibigong pakiligin ako. Nang makababa kami ay napasimangot ako dahil wala naman talagang tao roon. Nakakainis din minsan ang walang paalam na aalis sila. "Mabuti pang tawagan na lang muna natin sila," saad ni Max sa akin. Agad ko namang tinawagan si Liza at sa kaniya naman ay si Hanz. Mayamaya ay agad na sinagot ito ni Liza. "Hello? Liza? Nasaan kayo? K

