Ilang araw na ang nakalipas mula nang pumunta kami sa Sorsogon. Masasabi kong sulit naman ang aming pamamasyal dahil iyon ang time na sinagot namin ni Liza sina Hanz at Max. Masayng masaya kami dahil doon, halos araw-araw ay nag-do-double date kami sa Mall.Minsan nga ay pinagtitinginan kami ng mga tao sa restaurant dahil siguro ang popogi ng aming kasama at syempre maganda rin kami. Ni wala akong naririnig na negative opinion sa amin. Puro lahat positive kesyo bagay daw kami, maganda raw ang mga lahi namin kapag nagka-anak kami. Medyo naiilang na rin ako dahil sa mga pinagsasabi nila ngunit ang dalawa naming kasamang lalaki ang halos mapunit na ang bibig kakangiti. Ngayon ay kasalukuyan kaming kumakain sa isang Korean restaurant malapit sa shop ni Liza. Kanina pa rin kami pinagtitingin

