Hindi nga ako tinigilan ni Max doon sa kubo. Inabot nga kami ng hapon dahil naligo pa kami sa Ilog. In-enjoy nga talaga namin ang pagligo roon. Sobrang linaw ba naman kasi at ang fresh ng tubig. Nakangiting Liza at Hanz ang bumungad sa amin nang makapasok kami sa bahay nila Hanz. “Mukhang in-enjoy niyo ang pagliligo sa ilog ah at nahapunan kayo,” saad ni Liza sa amin na ikinangiwi ko. “Sinulit na namin ang pagliligo Saan ba kayo galing? Bakit hindi man lang kayo nagsabi sa amin na aalis kayo? Bigla lang kayong nawala,” inis na sagot ko kay Liza. “Sorry na B.F.F. may ginawa kasi kami and guess what? Nag-date kami ni Hanz kanina,” kinikilig na wika niya sa akin. Nawala naman ang inis ko at biglang kinilig. “Sabi ko na nga ba! Gumawa na ng move si Hanz eh! Congrats, kayo na ba?”

