Rose
I prepare all my things and leave my condo. I rode a taxi and went to the airport. I choose a place where the beach is nearby. I love beach and it makes me calm.
Hapon na nang makarating ako sa Bicol. I was too exhausted at may jetlag pa ako. Hindi ko na muna inasikaso ang aking gamit bukas nalang siguro, for now, I’ll sleep muna.
Nagising ako sa lamig ng ihip ng hangin na nagmula sa aking bintana. The sea is beautiful and serene. I really love the view, and it makes me calm. I went outside at binati ang landlord na si Aling Nerisa.
“Goodafternoon po Aling Nerisa,” bati ko sa kaniya.
“Magandang hapon din iha. Pasaan ka pala?”
“Doon po sa tabing dagat, aabangan ko po ang paglubog ng araw at maliligo na rin,” tugon sa kaniya.
“O siya iha, magiingat ka at ako’y magsasaing pa,”
Naglakad ako papuntang dalampasigan, dala-dala ko ang isang picnic box at ang aking camera. I am wearing a crop top and a short inside of it is a red bikini. Red is my favorite color, napakadazzling kasi at naeenhance din nito ang kulay ko.
I was busy capturing the sunsets nang mapagpasyahan ko nang maligo. Naglipat ako ng pwesto at doon sa gilid ng puno maghubad. I ran to the sea and swim there like a child.
Naalala ko ang lahat ng pag-bonding namin ng mga magulang ko. Hindi kami nagkasama ng matagal ngunit naguumapaw naman ang saya at memories na aming ginawa noon.
Lumangoy ako ng lumangoy hanggang sa napagod ako. Humiga ako sa buhangin at napangiti ng matamis. Pumikit ako ng mariin at ninamnam ang sariwang hangin na dumadampi sa aking balat.
Matagal-tagal na rin mula noong nawala sila at miss na miss ko na sila. Kung sana nabubuhay sila ay baka doon ako pumunta at nagsumbong sa kanila. Ngayon, hayaan ko na lamang ang aking sarili na magsumbong at ilabas ang aking nararamdaman sa dagat.
Doon lang ako kakalma. Huminga ako ng malalim at pumatak ang isang butil ng luha sa aking pisngi. Kung sana, kung sana narito pa sila...
Mabilis kong pinunasan ang aking luha at napailing. Gumawa ako ng malakas na paghinga at ngumiti ng malawak.
Hindi dapat ako nagddrama ngayon, I am here to build a new life and find my purpose. Dapat ay kalimutan na ang lahat ng nangyari noon. I have to move on! Iyan dapat ang lagi kong isipin!
Max
I saw a woman swimming in the sea, I thought she was drowning but I was amazed by her skills, napakagaling niyang lumangoy. Ngayon ko lang siya nakita maybe bagong lipat siya sa bayan.
“Bro, anong plano natin mamayang gabi? Kakain ba tayo sa labas?” tanong ng aking kaibigan na si Hanz.
Police officer din siya katulad ko. Busy ako sa kakapanuod sa babae, she looks very familiar. Sana tama ang naiisip ko. Pumunta ako malapit sa tabing dagat para makita ko ng maagi ang mukha niya.
“Bro! Hoy! Kinakausap kita.” Hingal na sagot ni Hanz. Sinundan niya pala ako.
“She’s back,” bulong ko sa aking sarili at napangiti.
“Kilala mo siya Bro?” turo niya sa babaeng naglalangoy.
“Yes. She’s my hero,” proud kong sagot sa kaniya.
“Tara na, magcecelebrate pa tayo mamaya.” Inakbayan ko siya at bumalik na sa aming headquarters.
“Pero bro paano mo naging hero iyon? Balita ko bagong lipat lang iyon sa bayan e.”
“Hmm. Basta.Napakachismoso mo naman.” Tawa kong sagot sa kaniya.
Umiiling-iling na lang siya sa akin na para bang hindi ako ma-gets nito.
Rose
Bumalik na ako sa aking apartment para magluto ng aking dinner. Isang noodles lang naman ang niluto ko. Super nakaka-enjoy dito grabe, ikumpara sa Manila ang puno ng usok ng sasakyan at maiingay na tao pero dito sobrang tahimik. Wala kang naririnig na ingay kundi ang mga huni ng insekto. Iyon lang.
Kakain na sana ako nang biglang mag ring ang aking cellphone. Tiningnan ko ito at si Tita Erin pala kapatid ni Mommy.
“Hello Rose? Nakarating ka na ba sa Bicol?” bungad na tanong ni Tita Erin.
“Yes po tita.”
“Kumain ka na ba anak?” tanong niya ulit sa akin.
“Opo, nagluto po ako. “
“Sige anak kapag kailangan mong tulong tawagan mo lang si Tita , okay? Mag-enjoy ka diyan at magiingat ka. Bye,” tugon niya sa akin.
“Opo tita. Salamat and bye."
I sighed. Madami na rin ang naitulong sa akin ni Tita Erin. Siya ang nagpalaki at nagpa-aral sa akin matapos na mawala sina Mommy at Daddy. Hanggang ngayon ay wala pa siyang pamilya. After ko maggraduate sa kolehiyo ay naglipat na ako sa isang apartment. Ayoko na rin kasing maging isturbo sa kaniya. Ayaw niya sa una pero nakumbinsi ko naman siya.
Hindi kami masyadong ni Tita, noong bata pa ako ay siya na ang tinuring kong Mommy. Sobrang close kami noon ngunit nawala iyon noong mag-college ako. Hindi ko alam kung bakit nawala na lang bigla ang closeness naming dalawa. I just don't feel it na para bang ang tingin pa rin niya sa akin ay bata.
Naging masaya naman ako sa tiyahin ko, hindi ko na nga sinabing nagkahiwalay kami nitong si Andrei dahil alam kong mag-aalala ito, marami na siyang naitulong sa akin noon, ni hindi na nga siya nakapag-anak sahil sa akin kaya sobrang nagui-guilty ako. Halos ako lang kasi ang inaasikaso niya't iniiwasan niya ang manliligaw noon. Ewan ko ba kay Tita, masyado siyang nag-focus sa akin kaya tingnan mo ngayon, hindi na siya nakapag-asawa. Isa sa mga rason kung bakit hindi na ako minsan lumalapit at nagsasabi ng mga problema sa kaniya. Feeling ko nasira ko ang love life na deserve niya.
Matapos akong kumain ay nagpahinga na ako. Kailangan ko nang magpahinga dahil bukas ay mag-aayos pa ako ng gamit ko rito sa apartment.