Rose Ilang araw na ang nakalipas nang pumunta rito si Andrei, gumaan ang loob ko at nakahinga ako ng maluwag nang hindi ko na ito makita sa amin. Minsan ay nakikita kong tinitingnan pa ni Max ang paligid para lang makasigurado na wala nang asungot na umaaligid sa akin. Nakakatawa nga siya minsan kaya napapailing na lang ako. Napangiti ako nang yumakap ito sa aking beywang at sumiksik sa aking leeg. Kasalukuyan kaming nasa kwarto, halos araw-araw kasi ay rito na siya natutulog. Hindi rin maiwasan na may mangyari sa aming dalawa, knowing Max, he can’t get enough of me. “Siya ba talaga o ikaw?” tanong ng aking isipan. Napailing ako at inalis ang aking naiisip. Talaga itong naiisip ko, napakabastos. Tulog na tulog pa si Max dahil rinig ko ang kaniyang mahihinang hilik. Tiningnan ko ang

