"Oh narito na pala ang kuya mo Hanz," saad ng mama niya kaya agad kaming napalingon doon sa tinutukoy niya. Nanlalaki naman ang aking mga mata nang makita ang lalaki sa manggahan. Nakadamit na ito at hindi na naka-topless. "Magandang hapon, mukhang may bisita tayo, mommy ah!" masiglang saad nito sa magulang at kaagad na nagmano. "Oo anak, kasama iyan ng kapatid mo," masayang sagot naman ng kaniyang ina. Kaagad naman itong umupo sa bakanteng upuan. Medyo nailang lang ako dahil magkatapat pa kaming dalawa. "B.F.F., hindi ba siya ang lalaking nakita natin kanina, O.M.G.! Ang hot pala niya sa malapitan," bulong sa akin ni Liza sapat lang na marinig ko iyon. "Oh, Hanz ipakilala mo naman ako sa naggagandahang mga kasama mo," saad ng lalaki. Napatikhim si Hanz at tiningnan kami ni Liz

