"Bakit hindi ka pa nakabihis?" Kunot-noo akong tumingin sa kaniya. "Napagpasiyahan kong dito na ako magbibihis." Pinakita niya sa akin ang hawak-hawak niyang plastic bag kaya napangiwi ako. "Seryoso? Pumunta ka lang dito para magbihis?" ngiwing tanong ko sa kaniya. "Bakit? Bawal? Papasukin mo na ako para ma-kiss na kita. Miss na miss na kita eh," nakangusong saad niya sa akin. Tumawa naman ako roon dahil ngumuso pa ito. "Gago, ang clingy namang ng honey ko," asar kong saad sa kaniya ngunit hindi man lang ito napikon. Binuksan ko ang malawak ang pintuan at ngumiti sa kaniya. "Pasok po kayo kamahalan," magalang na saad ko sa kaniya. Ngumiti ito ng malawak at agad akong sinunggaban ng yakap. Mabilis ko namang sinarhan ang pintuan habang nakayakap siya sa akin. "Masiyado mo na

