HEIRESS CHAPTER 2

1416 Words
ALY'S POV Pagkatapos i-park ni Roldan ang sasakyan ay mabilis akong bumaba. Naramdaman ko ang malamig na hanging dumampi sa aking napakakinis na balat. Ang malawak na playground sa harap ng grandstand ay para bang inaanyayahan akong muling tumakbo at maglaro roon katulad ng dati. "Aly, saglit lang tayo rito, ha," narinig kong sabi ni Mica habang inaalalayan ako. Ang mga taong nakakasalubong namin habang naglalakad ay pinagtitinginan ako. Sa height ko kasing 5'6 plus 2 inches heels ng suot kong sandals ay daig ko pa ang modelong naglalakad sa gitna ng park. "Ang sexy n'ya. Artista ba siya?" narinig kong sabi ng isang lalaki. I smiled at him kaya kitang-kita ko ng siniko siya ng kasama niyang babae. Hanggang sa bigla kong naramdaman na may naglagay ng jacket sa balikat ko. "Suotin mo iyan, baka magkasakit ka." Seryoso si Roldan habang sinasabi iyon. Nasa tatlumpung taon na siya at binata pa rin. Dama ko ang pag-aalaga niya pero hindi lang sa akin kun'di maging kay Mica. Nagdududa na nga ako sa namamagitan sa kanilang dalawa pero ayaw kong magtanong. It's their personal life and I will support them kung sakaling magustuhan nila ang isa't-isa. "Bilisan mo, isuot mo na iyan. Ikaw, bente-uno ka na, dapat mag seryoso ka na sa buhay," sabi naman ni Mica. Inabutan niya rin ako ng tsinelas para hindi raw ako mahirapang maglakad dahil sa taas ng suot kong sandals. They treated me like a princess. Isang bagay na hindi na magawa ng daddy ko sa akin. Honestly, ang gusto ko lang naman pagkatapos ni mommy mamatay ay yakapin akong muli ni daddy at maramdaman kong may karamay pa ako. Kaya lang hindi iyon nangyari. Pagkalibing ni mommy ay ako lang ang nagluksa dahil iniuwi na agad ni daddy ang mag-ina niya kahit wala pang bente kwatro oras paghatid namin kay mommy sa huling hantungan. Kung sana buhay pa si mommy, kung sana hindi naganap ang aksidenteng iyon, sana masaya kaming namumuhay na magkakasama. Unti-unting lumambot ang mukha ko habang ang isip ko ay bumalik sa nakaraan. "Mom, ang dami kong gifts na natanggap," wika ko habang masaya kami sa loob ng sasakyan. Eleven years old pa lang ako noon at galing kami sa isang party. Mabagal lang ang patakbo ni mommy dahil kasama niya ako. She's a professional driver. Magaling sa negosyo at hinahangaan ng lahat. Sabi nga nila kaya lang daw yumaman ang Reomoto ay dahil sa talinong taglay ni mommy. Walang client o business partners ang kayang tanggihan ang isang Angeline Reomoto. Kapag nagbigay siya ng proposal ay talagang almost perfect iyon sa mata ng mga kasosyo niya. Iyon ang dahilan kaya minahal siya ng sobra ng mga biyenan niya. "My Angel, huwag kang maging materialistic," sabi ni mommy. May nakita akong lungkot sa mga mata niya pero hindi ko iyon pinansin. Inisip kong baka dahil lang iyon sa business problem. Mayaman din ang pamilya ni mommy. Nag-iisang tagapagmana siya ng lolo at lola ko. "Yes, mommy. I'll be a good girl palagi." Nanumpa pa ako para ipakita kay mommy na totoo ang sinasabi ko. "Good! Mommy loves you so much." She kissed me so tenderly. Habang nasa byahe kami ay masaya kaming dalawa na nagkakantahan. Hanggang sa hindi inaasahang pangyayari. "Why mommy? Is something wrong? I asked anxiously. Nakita ko kasi ang pagkunot ng noo ng mommy ko maging ang kakaibang bilis ng car namin. "Nothing, baby, just calm down." Ngunit kahit bata pa ako ay alam kong may mali. Nagpapa-ekis-ekis na ang takbo ng sasakyan namin. Kahit patag ang kalsada ay hindi makontrol ni mommy ang manibela. At mula sa kung saan ay may dumating na isang pulang racing car. Mabilis rin ang takbo noon at babanggain kami ni mommy. Sa sobrang takot ay napapikit na lang ako at namalayan ko na lang ang malakas na kalabog na nagpatilapon sa amin ni mommy sa kabilang side ng kalsada. My mom died in that car accident pero nabuhay ako. Until the end prinotektahan niya ako. Nakita kasi ako ng mga rescuers na duguan habang yakap ng wala ng buhay na mommy ko. Hindi ako umiyak kahit noong ihatid na siya sa huling hantungan. Manhid ako, walang pakiramdam ang batang puso't-isip ko. Kinagabihan ay dumating sa bahay ang sinasabing kapatid at bagong mommy ko raw. Nakita kong ngumiti si daddy at hinalikan ang batang babae samantalang ako ay nasa isang tabi, pinapanood ang masayang reunion nila. Nang mga sumunod na araw ay naglabasan ang mga balita at sinabing ang nagmamaneho ng pulang sasakyan ay nagngangalang Ford Xues. Anak ng pinakamayamang tao sa buong Asya. Gusto kong makita ang itsura ng taong pumatay sa mommy ko ngunit walang lumabas na kahit isang larawan niya dahil daw sa menor de edad pa ito. Hindi rin nagawang magsampa ng kaso ni daddy. Kahit ang Reomoto ang pinakamayaman sa buong Pilipinas at takot naman ang daddy ko sa mga posibleng maging kalabasan kapag kinalaban niya ang mga Xues. Alam kong hindi lang iyon ang dahilan kaya ayaw ni daday na makuha ang katarungan sa pagkamatay ni mommy. Makakalkal kasi ng media ang love affair niya sa bestfriend ni mommy. Siya si Tita Karla, ang ninang ko. Maging ang itinuturong ko ring kaibigan ay kapatid ko pala kaya walang naganap na imbestigasyon sa dahilan ng pagkamatay ng isang Angeline Reomoto. "Ang lalim naman ng iniisip ng alaga namin." Tapik ni Mica sa balikat ko ang nagbalik ng aking isip sa kasalukuyan. Nanonood pala kami ng dancing fountain at hindi ko na namalayan kung gaano na ako katagal na nakatunganga lang. "Aly, lasing ka yata. Umuwi na tayo," sabi ni Roldan. "Pagagalitan ka na naman ni Tita Karla mo." "Naku, tiyak iyon! Tumakas nga lang kami ni Roldan sa kaniya," sabi ni Mica. "I don't care. She's not my mom at never na mapapalitan niya si mommy," inis kong sabi. Naglakad ako palayo sa fountain. Gusto kong libutin ang Luneta Park para alalahanin ang masayang kabataan ko sa lugar na iyon. Marami akong nakikitang mga taong natutulog lang sa latag kaya nagpahanap ako kay Roldan ng pwedeng mabilihan ng ganoong sapin din. "Diyos ko po, Angel Aly, anong kabaliwan na naman ang naisip mo?" halos malaglag ang panga ni Mica habang tinatanong ako. "Hindi pwede iyan. Kung lasing ka na, umuwi na tayo!" matigas na sabi ni Roldan. Alam kong galit ang driver ko. Ako ang amo nila pero kung pagsalitaan nila ako ay parang anak o kapatid lang nila. Nasanay sila sa gano'n because I let them be. Gusto ko kasing maramdamang may nagpapahalaga pa sa akin kaya sa loob ng maraming taon ay hindi na nag-aalangan sina Roldan at Mica na pagalitan ako. "Okay, okay, I surrender. Saglit lang naman sana," hirit ko pa. "Ang ikli ng damit mo tapos hihilata ka rito," sabi ni Mica. "Aly, ipapabuhat na kita kay Roldan papasok ng sasakyan." Napatawa ako. Ilang beses na bang binuhat at parang sinampay na isinampa ako ni Roldan sa balikat niya sa tuwing nagwawala ako dahil sa kalasingan? Ah, hindi ko na mabilang. Napilitan akong sumunod sa dalawa. Nagsimula na akong humakbang pabalik sa parking lot. Si Mica ay nakaalalay sa braso ko habang si Roldan ay nasa likuran lang namin. "Ma'am, ang ganda n'yo po pwedeng pakuha ng picture?" sabi ng isang babaeng lumapit sa akin habang naglalakad kami. "Hindi po ako artista o model," I replied. " Pero kung gusto n'yo po talaga, walang problema sa akin." Malapad na ngiti ang ibinigay ng babae. Umakbay pa ako sa kan'ya upang ipakita sa larawan na close kami at hindi iyon ang una naming pagtatagpo. Pagkatapos ng picture taking ay hindi ko na nga nakumbinsi pa sina Roldan at Mica na mamalagi pa sa park kaya nagdesisyon kaming umuwi na. Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan, inihahanda ang sarili sa isang delubyong parating. "Aly, wake up." Inalog ni Mica sa balikat ko pero dahil sa sobrang pagod at epekto na rin ng alak na nainom ko ay hindi ako halos makabangon. "Grabe ang puyat niya," sabi ni Roldan. Naririnig ko iyon pero hindi ko talaga maimulat ang mata ko. "Buhatin mo na lang siya, Roldan," utos ni Mica. Ngunit sa inaantok kong diwa ay narinig ko ang boses ni Tita Karla. Alam kong nasa malapit lang siya at tiyak na may pa-welcome na naman siya sa akin. "Akin na ang hose ng tubig at gigisingin ko siya,” sabi nito. Agad kong iminulat ang mga mata ko at sa isang iglap ay sumanib sa akin ang espiritu ng kasamaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD