Anonymous' POV
Angel Aly Darzon Reomoto! Isang pangalan na hindi ko makalilimutan. Inalagaan ko siya sa puso ko simula noong teenager pa lamang ako. Ang isang pagmamahal ng kapatid ay nauwi sa isang pag-ibig na ang hirap bitawan.
My family was quite hesitant nang sinabi ko sa kanila na lihim kong minamahal ang isa sa mga heiress ng Reomoto. They knew that the woman I love has a bad image in the society.
Hindi ako mahilig uminom ngunit nagagawi ako palagi sa bar para lang pagmasdan mula sa malayo ang babaeng itinitibok ng puso ko. Gumamit na rin ako ng iba't-ibang prosthetic para lang malapitan ko si Aly nang hindi siya nagdududa. Magaling din ako sa pagpapalit-palit ng boses because I was trained for that.
The sadness in her eyes broke my heart. Sa mahabang panahon na nakabuntot ako palagi sa kan'ya ay dama ko ang paghahanap niya ng makakausap. She's longing for love, attention and care. I wanted to give it all to her pero natatakot ako. Hindi ko alam kung paano ako magpapakilala sa kan'ya.
Pinatos ko na ang pagiging taxi driver, food delivery driver, gardener at kung ano-ano pa upang malapitan ko lang si Aly. I was using different names para hindi n'ya ako mahalata. My love for her becomes stronger as the days pass by.
"Palagi ka na lang nakabantay diyan sa babaeng iyan. Baka masira ang buhay mo dahil sa kan'ya. Wala siyang magandang reputation. She always acts in a coquettish manner. Ayoko sa babaeng gan'yan," my mom said.
"She is a good woman, mom. Kilala ko siya dahil palagi akong nakabuntot sa kaniya. Don't judge her dahil sa nakikita o naririnig mo. She's extraordinary, very priceless and one of a kind."
"Malaki na ang anak mo Teresa. Let him decide for himself. Besides, siya naman ang makakasama ng anak mo hanggang sa pagtanda n'ya," sabad ni daddy.
"He's our only son. Kapag nasira ang buhay n'ya ay baka tuluyan nang hindi niya na kayanin. Hindi normal ang ginagawa ng anak mo. Nagmumukha na siyang stalker niyan," giit ni mommy.
"Matagal nang sira ang buhay ko," malungkot kong sabi.
My parents were both silent for a moment. Alam ko ang nararamdaman nila. At alam din nila ang kahulugan ng bawat salitang binitawan ko.
I tried to tell my mom how nice Aly is. Nang minsang ipahiya siya ng stepmom niya sa Reomoto Hotel, my mom witnessed it all. Since then, nawala ang pagtutol ni mommy sa paglapit-lapit ko sa heredera ng Reomoto. Hindi na niya ako kinokontra kapag nagpapaalam ako para lang makasama ang babaeng mahal ko.
Nagmimistula akong anino sa bawat galaw ni Aly. Kung nasaan siya ay naroon ako, kung ano'ng ginagawa n'ya ay nakabantay ako at kung ano ang nararamdaman niya ay nadarama ko.
There was a time na nagpanggap akong empleyado ng Reomoto Hotel. Bilang taga-map ng sahig ay narating ko lahat ng areas ng hotel. I heard Lurica planning something bad for my Aly. Gusto niyang i-frame up ang babaeng mahal ko at palabasain na may kasama itong lalaki sa silid nito sa 35th floor.
I volunteered myself para maging kasangkapan nila. Ngunit hindi lang iyon ang ginawa ko. I also sent a man to Lurica's room on the 40th floor. At instead na sa silid ni Aly pumunta ang daddy at mommy nila ay gumawa ako ng paraan para sa room ni Lurica sila tumuloy.
Bingo! Nahuli nila si Lurica na natutulog katabi ang isang lalaki pero they tried to keep it secret. Pinalampas lang ng mag-asawang Reomoto ang nakita nila. Iba kapag si Aly ang may kasalanan or should I say walang kasalanan pero napagbibintangan. Sinisira nila ang image ni Aly sa friends and relatives nila.
From then on, nagpursige akong laging bantayan si Aly. Sa mga panahon na she's down and helpless, I was always at her side with different names and faces. Dahil sa pera at sa makabagong technology, nagagawa kong magpapalit-palit ng mukha using the prosthetic.
"Don't you dare touch my girl!" I shouted.
Nasa loob ako ng Diamond Bar at itinulak ang isang lalaki na gustong halikan si Aly. Kilala ko ang lalaking iyon. Siya rin ang lalaking bumastos noon kay Aly.
Mapungay ang mga matang tiningnan ako ni Aly. Nagulat pa ako nang sabihin n'ya na kung gusto ko siya ay ilabas ko raw siya roon. It was the first time I saw my girl na ganoon kalasing. May problema siya at aalamamin ko iyon sa mga susunod na araw.
Niyaya ko si Aly na lumabas ng bar. Mabilis siyang tumayo ngunit nabuwal siya dahil sa kalasingan. I decided to wrap my arms in her body pero hindi n'ya talaga kayang lumakad. Binuhat ko siya at inilabas sa bar na iyon kung saan madalas ko siyang binabantayan mula sa malayo.
"Hey, who are you?" she asked. "You know what? I want to enjoy this night. I want to feel love and be loved. I needed someone to care for me. Can you do it?"
She looked at me with her two beautiful eyes. Natutukso akong hawakan ang mukha at ang manipis niyang labi. Ngunit napakuyom na lamang ako. Ganoon ko siya kamahal. Halos sambahin ko siya.
Nagsimula akong paandarin ang sasakyan. We were stocked in the traffic nang nagsimula na si Aly na ibaba ang damit niya mula sa balikat. At dahil nakabukas ang ilaw sa loob ng kotse ko kaya nakita ko ang makinis niyang balat.
"It's so hot. Gusto kong matulog ng nakahubad," she said lazily.
"Aly, don't do that," I whispered in her ears. Itinaas ko rin ulit mag damit niya. Ayaw kong samantalahin ang kahinaan niya.
Subalit bigla niya akong kinabig at hinalikan sa aking mga labi. I felt my manhood erected. I was about to touch her nang marinig ko ang busina ng mga sasakyan. Mabuti na lang at tinted ang salamain ng aking sasakyan.
"Am I not beautiful? I thought kaya mo ako inilabas sa bar kasi gusto mo ako," sabi ni Aly sa pagitan ng pagluha.
"Look, Aly, I love you. It is different sa gusto at lust lang ang…"
"You love me?" she asked surprisingly. "Sina Roldan at Mica lang ang mga taong alam kong nagmamahal sa akin."
"Akala mo lang iyon."
Pinahid ng mga palad n'ya ang luhang dumadaloy sa kan'yang maganda at makinis na mukha. Lasing na lasing siya ngunit hindi nabura ng alak ang sakit na nararamdaman niya. Naaawa ko siyang tiningnan sa gilid ng aking mga mata habang inaayos n'ya ulit ang kaniyang damit.
"Who are you?" tanong niya ulit.
"I am your friend, your guardian angel."
"Napasobra yata ang inom ko," sabi ni Aly sa inaantok na tinig. "I thought angels have wings. They are unknown creatures. Hindi isang lalaki na ano mang oras ay pwede akong pagsamantalahan."
Napatawa ako sa sinabi n'ya. Ngunit nakita ko ang pagsimangot ng maganda n'yang mukha.
"Hindi ako naniniwala na may angels dahil kung meron talaga akong guardian angel, he will protect my heart. I'm feeling so much pain. No one really loves me. Ikaw, alam kong kaya mo ako inilabas sa bar because you want me. You were aroused with a simple kiss. A typical man na gusto laging nananamantala ng kahinaan ng iba!"
I was shocked. I haven't seen Aly with a man. Paano n'yang nalaman that I was easily turned-on sa isang simpleng halik n'ya lang?"
Ipinarada ko ang aking sasakyan sa harap ng isang five star hotel. It's not Reomoto Hotel dahil hindi ko si Aly pwedeng iuwi roon. Tiyak na mapapahamak siya kapag nagkataon. Dahi nakatulog na siya agad sa sobrang kalasingan kaya binuhat ko na lamang siya. Walang nakakakilala sa akin sa lugar na iyon kaya I felt safe also.
Nang makakuha na ako ng isang private room ay agad kong ipinasok roon si Aly. Bahagya pang nalilis ang suot niyang dress kaya ilang beses din akong napalunok. Ang kabog ng aking dibdib ay hindi ko mawari.
I put her on the bed. Nang lalayo na ako sa kaniya ay bigla niyang hinawakan ang braso ko.
"Please make love to me. I don't know who you are but I want you right now," she begged.
Marahan kong inalis ang kamay niya sa braso ko. Napahilamos ako sa aking mukha. Natutukso kasi akong pagbigyan ang gusto n'ya.
"What is happening to you?" tanong ko habang hinahaplos ang maganda niyang mukha.
Umungol si Aly dahilan para uminit ang buo kong katawan. Kinuha ko ang remote ng air-condition at nilakasan iyon. Panay ang buga ko ng hangin para kontrolin ang pagnanasang nagsisimula nang lamunin ang buo kong pagkatao.
"Don't you like me?" tanong ni Aly sa namamaos na tono. "Gusto ko lang ibigay ang sarili ko sa isang taong gusto ko bago ako ipakasal ni daddy sa Jorge Belldon na iyon. Ah, pero hindi lang iyon, gusto kong makahanap ng pulubi para maging asawa ko. Kung sana… Kung sana may ibang tao lang bukod sa assistant at driver ko na nakikita ang halaga ko..."
Hinintay kong magsalita pa ulit si Aly ngunit tuluyan na siyang nakatulog. Kinuha ko ang kumot at ibinalot iyon sa kan'ya. Napaupo ako sa kama at masuyo kong hinaplos ang pisngi n'yang basa ng luha.
"You're mine and mine alone. You will not marry that f*cking Belldon."
Hindi ko na napigilan na dampian ng halik ang labi n'ya. Ginawa ko rin iyon noong nakulong ako sa silid n'ya sa Reomoto Hotel ng gusto siyang i-frame-up ni Lurica. Kissing her is like taking vitamins. Sumisigla ang buong katawan ko at lumilinaw ang isip ko.
Habang binabantayan ko siyang natutulog ay may tinawagan ako. Nanginginig ang boses ng nasa kabilang linya habang nagpapaliwanag sa akin.
"Bakit hindi ko kaagad nalaman ito? What the hell are you doing? I'm paying you thousands of money para masigurado ko ang kaligtasan ni Aly pero bakit nangyari ito?"
"I'm sorry, sir. Nakalimutan ko pong mag-report."
"What a f*cking reason is that? Nakalimutan mo akong i-informed? Ano'ng ibig sabihin na ikakasal siya sa Belldon na iyon?"
"Hindi ko po alam ang dahilan. Wala pa akong nakukuhang info. Pero marahil ay dahil sa negosyo or dahil gusto na nilang mawala si Aly sa pamilya nila."
"Damn it! Kung hindi ko lang alam kung gaano kamahal ni Aly ang Reomoto Hotel ay pinabagsk ko na iyan."
"Epekto rin po siguro ito nang panggigipit mo kay Victor Reomoto," sabi ng kausap ko sa kabilang linya.
Napamura ako ulit at pinatay ang tawag. Sa kagustuhan kong gumanti sa mga ginagawa ni Victor Reomoto sa anak n'ya kaya ang mga gusto n'yang makasosyo ay tinatakot ko. Ayoko na kasing mag-expand pa ang kapangyarihan at negosyo ni Victor Reomoto at ng pamilya niya dahil sa ginagawa nila kay Aly. Hindi ko inaasahan na ganito ang magiging resulta.
Tiningnan ko ang orasan. It's almost three in the morning. Aly was sleeping like a baby. She's so adorable. Kumulo ang dugo ko. Gusto kong pagbayarin ang mga taong nananakit sa kaniya ngunit mukhang lalo ko siyang pinahamak.
Tumingin ako sa aking cellphone. Gusto kong gipitin ang mga Belldon. Hindi ako papayag na ikasal si Aly kay Jorge. Siguradong magdurusa sa piling n'ya ang babaeng kay tagal ko nang itinatangi. Ngunit hindi pa ako pwedeng gumawa ng action lalo at alam kung isa rin sila sa mayamang pamilya sa bansa.
"Ah, what should I do? Mababaliw ako kapag kinasal ka sa lalaking iyon," tanong ko sa natutulog na si Aly.
Tumunog ang cellphone ko. Mommy was calling. Hindi n'ya kasi alam kung nasaan ako. Hindi ako nagpaalam bago umalis ng bahay dahil nasa office pa sila ni dad.
"Where are you?"
"In a hotel, mom. I'll be staying here until morning."
"Sino ang kasama mo?"
"I'm with Aly."
"Oh, my goodness! Bakit magkasama kayo sa hotel? Have you proposed to her?"
"Anong klase bang tanong iyan, mom? You know na I can't do that," malungkot kong sagot.
"Okay, just let me know if you're coming home tomorrow or susundan mo na naman kung saan pumunta ang soon to be manugang ko."
I heard my mom giggles. I knew she was teasing me. Madalas kasing ganoon ang ginagawa n'ya lalo at nasa bahay lang ako. Gumalaw ng kaunti si Aly. Medyo nataranta ako dahil baka magalit o magwala siya kapag nagising siyang kasama n'ya ako sa silid. Subalit muli siyang bumalik sa pagtulog.
Buong magdamag kong tinitigan lang ang babaeng mahal ko. Sometimes, I can't help but touch her face, lips, and eyebrows. Nang almost five in the morning na, lumipat na ako sa kabilang silid. Binayaran ko rin iyon so that I have some place to hide kapag malapit nang magising si Aly.
I ordered food for Aly's breakfast. Actually, meron namang free breakfast ang hotel but I want the best for the girl I love. I requested the hotel staff na ako na ang magde-deliver noon. I even borrowed one of their uniforms. Sinabi ko lang sa manager na I want to surprise my girl and bravo, he agreed.
It's almost six in the morning. Aly was still peacefully sleeping. Dahil kailangan ko siyang gisingin dahil baka nagwawala na ang daddy n'ya sa kahahanap sa kan'ya kaya inihatid ko na ang breakfast n'ya. As usual, ibang mukha ang taglay ko.
Ilang beses din akong kumatok sa pinto bago ko narinig ang tinatamad niyang boses. Binuksan n'ya ang pintuan at napangiti ako nang makita ko siyang bagong gising, magulo ang buhok ngunit napakaganda pa rin.
"Good morning, miss. Breakfast n'yo po."
"Why am I here? I mean, kilala mo ba ang kasama ko kagabi?" tanong n'ya sa naguguluhang tinig.
Lalong lumuwag ang pagkakangiti ko. Gusto kong sabihin sa kan'ya na ako ang kasama n'ya kagabi, ako ang lalaking hinalikan niya at ako ang lalaking gusto n'yang umangkin sa kan'ya ngunit hindi ko ginawa.
"Miss, inihatid ka rito ng isang lalaki pero umalis din siya kaagad. Nagbilin lang po siya na hatiran ka ng pagkain at 6:00 am."
"Really?"
Tiningnan n'ya ang maliit na brochure sa ibabaw ng table at binuksan ang malaking tv sa silid. Mula roon ay nakita n'ya ang pangalan ng hotel na pinagdalhan ko sa kan'ya.
"May problema po ba, miss?" tanong ko. Nakita ko kasi ang pagkalito sa mukha niya.
"Wala naman. Sige na, ilapag mo na ang pagkain ko riyan."
"Pinasasabi po pala ng manager na wala na po kayong dapat alalahanin pa. Lahat po ng expenses mo sa pag-stay sa hotel na ito ay bayad na pero nagbilin po ang naghatid sa inyo. Umuwi raw po kayo ng maaga dahil baka hinahanap raw po kayo sa inyo."
Nakita kong kumislap ang mga mata ni Aly. Isang ngiti ang gumuhit sa kan'yang labi.
"May meeting ako dapat ngayong araw sa pamilya ng lalaking mapapangasawa ko. Hanggang kailan ako pwedeng mag-stay rito?" tanong ni Aly sa akin.
"Hanggang gusto mo raw po, miss. Willing magbayad ang naghatid sa iyo rito ng lahat ng expenses mo pero sa isang kondisyon na hindi mo na raw po aalamin kung sino siya."
"Great! Dito muna ako at magkukulong ako ng ilang araw. Hahayaan kong mabaliw ang pamilya ko sa paghahanap sa akin. At habang nandito ako, ikaw lang ang pwedeng pumasok sa silid na ito at wala kang sasabihan tungkol sa akin."
Masaya akong lumabas sa hotel room na iyon. Bukod sa hindi matutuloy ang meeting ni Aly sa pamilya ni Jorge ay malalapitan ko pa siya ng ilang araw.