Chazia's pov Wala si Justin ngayon dahil may practice game sila. Iniisip ko na mali ang desiyon ko na lumipat ng section dahil kahit ayokong mag-aral ay nagagawa kong magpuyat para magbasa sa iba't ibang subject ko para lang hindi magmukhang bobo sa mata ng lahat. Pero kahit anong gawin ko ay nahihirapan pa rin akong makipagsabayan sa mga narito. "Pakopya," rinig kong bulong ni Mara na katabi si Mark. May quiz kami ngayon at hindi ko alam kung ano ang mga question dahil hindi naman namin pinag-aralan. Tumingin ako kay Jian na tahimik nagsasagot, hindi man lang nito naisip na kailangan ko ng tulong niya sa mga ganitong pagkakataon. Tumingin ako kay Ma'am na busy sa ginagawa nito kaya marahan kong kinalabit si Jian. Nakakunot noong tumingin ito sakin. "Kopya ako," sabi ko na walang

