Once

1698 Words
Chazia's pov "Nakita ko siya na kahalikan si Justin sa likod ng building," rinig kong sumbong ni Ate Janica kay Mommy. Kakauwi ko lang galing school at pupuntahan ko sana si Mommy pero nadatnan ko ito na kausap si Ate. "Kahalikan? Wala akong matandaan na nangyari 'yan Ate," singit ko kaya napatingin sila parehas sakin. Mula nang sinabi ni Ate Janica na isa ako sa sinisisi niya naging sumbungera na ito. Lagi itong gumagawa ng kwento tungkol sakin kaya lagi akong napapagalitan ni Mommy. "Sinasabi mo bang sinungaling ako?" Tanong nito. "Oo, sinungaling ka dahil wala ka ng ginawa kundi ang siraan ako kay Mommy. Lahat ng sumbong mo ay puro kasinungalingan," sigaw ko. "Chazia tama na 'yan, hindi ganyan ang tamang pakikipag-usap sa Ate mo. Nakakatanda siya sayo," awat ni Mommy. Akala ko magbabago na ang pakikitungo ni Mommy sakin pero grabe ang paniniwala nito kay Ate. Lahat na lang ng sumbong ay pinapaniwalaan niya kahit anong paliwanag ko ay parang wala lang sakanya. "Ganyan 'yan Mommy kahit sa school, grabe niya ako kung sagut-sagutin sa harap ng mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung ano ang problema niya sakin," pagsisinungaling nito. " Wala na siyang galang sa nakakatanda sa kanya." "What the hell!" Gulat na sabi ko dahil sa mga sinasabi niya. "Napakasinungaling mo-" "Enough!" Mariing sabi ni Mommy kaya natigil ako. "Janica lumabas ka muna at kakausapin ko ang kapatid mo." Napakuyom ako ng kamao dahil sa galit na nararamdaman ko. "F-U!" Bulong ko pagkatapat sakin ni Ate Janica. Isang ngisi ang pinakita nito sakin bago lumabas. Sobra na ang selos at inggit na nararamdaman ko sa tuwing nakikita silang masaya at nagbobonding habang ako ay nanunuod lang pero hindi ko 'yun pinansin. Ngayon na gumagawa pa si Ate Janica ng paraan para magalit sa akin si Mommy, ito ang hindi ko matatanggap. Sobra na ang pag-iintindi na binibigay ko sakanila pero ang siraan ako ay hindi ko na kayang hayaan na lang. "Chazia," tawag sakin ni Mommy. "Mom, hindi totoo na-" "Sinabihan na kita na pag-aaral muna bago ang lalaki. Hahayaan naman kita na maranasan ang mga ganyang bagay kung inaayos mo lang ang pag-aaral mo pero wala eh ang baba ng grades mo," sermon ni Mommy sakin. "Hindi rin maganda ang pinapakita mong ugali, may problema ka ba sa Ate mo? Bakit hindi mo siya ginagalang? Sinigawan mo pa siya dahil lang sinumbong niya ang nakita niya." "Mommy, nagsisinungaling lang siya. Hindi kami naghalikan ni Justin, hindi ko alam bakit gumagawa siya ng storya. Maniwala ka naman sakin," paki-usap ko. "Lagi mo na lang pinapaniwalaan lahat ng sumbong ni Ate kahit hindi naman totoo." "Walang dahilan ang Ate mo para magsinungaling," mariing sabi nito. "Ayusin mo ang pag-aaral mo kung ayaw mong ibigay kita sa Lola mo." "Mom-" "No boyfriend, Chazia. Ayusin mo rin ang pakikitungo mo sa Ate mo," mariing sabi ni Mommy. Wala na akong magawa para maniwala siya sakin kaya lumabas na ako ng kwarto. Nadatnan ko si Ate sa labas ng kwarto ko. "Happy?" Tanong ko. "Not yet," nakakalokong sabi nito bago umalis. Magpakasaya ka rito sa bahay pero pagdating natin sa school ako ang masusunod. Hindi ko mapigilang umiyak habang nasa kwarto ako, ang tagal kong hinintay na mahalin ako ni Momy tulad ng pagmamahal niya kay Ate Janica. Ang tagal kong nagtiis at inintindi si Mommy pero pagod na ako. Ayoko ng maghintay dahil sa tingin ko naman ay hindi na mababago ang turing ni Mommy sakin. Kinagabihan ay pinatawag ako ni Daddy para sumabay kumain. Tahimik lang ako habang nag-uusap sila. "Anong ang kukunin mo sa college Anak?" Tanong ni Mommy hindi na ako tumingin dahil alam ko naman na hindi ako ang tinatanong niya. "Med po kasi gusto kong maging katulad ni Daddy," sagot nito. "Susuportahan ka namin ng Daddy mo dahil alam ko naman na kakayanin mo," rinig kong sbai ni Mommy. "Anak, anong kukunin mo sa college?" Tanong ni Daddy kaya napaharap ako sa kanya. "Hindi ko pa alam-" "'Yan ang sinasabi ko sayo Chazia. Inuuna mo ang lovelife kesa sa pag-aaral mo kaya hanggang ngayon hindi mo pa alam ang gusto mong kunin sa college," sermon ni Mommy na hindi man lang ako pinatapos. Yumuko ako para ikalma ko ang sarili ko. Ayokong sagutin pabalang si Mommy dahil may respeto pa rin ako sakanya. "Emma, maaga pa naman kaya 'wag mong madaliin ang bunso natin-" "Nakikipaghalikan siya sa likod ng building," sabi ni Mommy. "It's not true that Justin and I kissed, why do you find it hard to believe me, Mommy?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya. Gusto kong sumbatan si Mommy pero alam ko na ako lang ang magiging mali sa huli. "Hindi magsisinungaling ang Ate mo," sagot nito kaya natawa ako. "At ako kaya kong magsinungaling? Ganun ba 'yun Mommy? Sobra mo naman ako kakilala ang galing," mahinang saad ko. "Chazia-" "Naniniwala ka rin, daddy?" Tanong ko at hinarap siya. "No," sagot agad ni daddy kaya napangiti ako. "Thank you," nakangiti kong sabi bago tumayo. "Inaantok na ako kaya mauuna na ako, Dad. Good night, I love you." Nagpaalam ako kay Daddy at hindi sa dalawa. Kahit papaano ay nabawasan ang galit na nararamdaman ko dahil naniniwala sakin si Daddy. "Hey, Chazia. Why did you call, baby?" Sabi ni Justin na kausap ko sa phone. "Sunduin mo ako bukas," sabi ko. "Sure-" Hindi ko na siya pinatapos at agad na pinatay ang tawag. Total inaakusahan naman ako kaya gagawin ko na lang. Ipapakita ko mismo sa harap nila para naman hindi ko na kailangang mag-explain. Maaga akong nagising para samahan si Yaya na maghanda ng pagkain. "Chazia, that's why I can't see you in your room because you're already here. Why did you wake up early?" Tanong ni Daddy. "Isasabay ako ni Justin papasok kaya naisipan ko na dito na rin siya mag-almusal. Pwede ba, Daddy?" Tanong ko. Kilala na ni Daddy si Justin dahil dumalaw na siya rito sa bahay ng ilang beses kaya naipakilala ko na siya kina Mommy at Daddy. "Dalaga na talaga ang Anak ko," biro ni Daddy kaya natawa ako. "Magandang dalaga," sabi ko at sabay kaming tumawa. Pinaupo ko na si Daddy at tinimplahan ko na rin ng kape. "Tinawagan ko na pala ang ninang mo para gumawa ng gown na isusuot mo sa event," sabi ni Daddy sakin. Kailangan ko pang mag-gown dahil isa ako sa napiling host sa gabing 'yun at syempre parang Miss Universe may last walk ako bago ipasa ang corona. "Thank you, Dad. The best ka talaga," sabi ko at yumakap pa sa kanya. Tamang tama naman na dumating si Mommy at Ate. Hindi ko sila pinansin at dumeretcho sa labas para duon na hintayin si Justin. Narinig ko pa ang pagtawag ni Mommy sakin pero binaliwala ko siya. Paglabas ko ay nakita ko si Justin na kakababa lang ng sasakyan nito. "Let's go inside," yaya ko. Sabay kaming pumasok sa loob at napatingin sila samin. Binati sila ni Justin, akala ko ay magagalit ito pero nanatili siyang tahimik. Nagpaalam na ako na aalis na kami ni Justin, hindi nagsalita si Mommy at nakatingin lang samin ni Justin. "May problema ba? Ang tahimik nila Tita kanina," tanong ni Justin habang nasa byahe kami. "Nagsumbong si Ate Janica at sinabi niya na nakita niya tayo na naghahalikan sa likod ng building," sabi ko. "What? We kissed?" Gulat na tanong nito. "Eyes on the road," paalala ko dahil nagmamaneho ito. Naiiling ito na binalik ang tingin sa daan. "Nahalikan na pala kita hindi ko pa alam. Lakas ng trip ni Janica," sabi nito. "Sa first kiss natin iimbitahan ko siya." "Baliw," sabi ko. Hinatid ako ni Justin hanggang sa room. "Thank you," sabi ko at hinalikan ito sa pisngi. Hiyawan naman ang mga classmate ko at tinutukso kaming dalawa kaya natawa ako. Si Justin naman ay nakatingin sakin at halata na nagulat siya. "Are you okay?" Tanong ko at hinawakan pa ang pisngi nito, hindi alintana ang tuksuan ng mga classmates ko. Niyakap niya ako. "Ano ba?" Bulong ko. "s**t, Chazia. Kinikilig ako," bulong nito at hinigpitan pa ang yakap sakin. "WOAH, SHIP! BESTFRIEND KO 'YAN!" Sigaw ni Jian. " ANG GWAPO NI CAPTAIN!" Sigaw naman ni Mara. "Bitaw na, masyado ka ng nag-eenjoy. Ang higpit mo yumakap," sabi ko. Bumitaw ito at mabilis akong hinalikan sa pisngi. "You made me happy, Chazia." Napangiti ako ng tumalikod ito. Hindi naman siguro masama kung bibigyan ko siya ng chance, Justin is a nice catch. Matagal na rin naman niyang sinasabi na may gusto siya sakin at hindi ko rin nabalitaan na nanligaw ito ng iba. "Miss Crustez, get inside. Para kang ewan na nakangiti dyan," sabi ni Sir kaya pumasok na ako at tumabi kay Jian. "Ahyieee, kinikilig ka. Ang sweet niyong dalawa," sabi ni Jian na may pakirot pa sa tagiliran ko. "Parang mas kinikilig ka," biro ko. "Kinikilig kasi ako sa inyong dalawa. Mamaya talaga sasagutin ko na si Brent para kiligin ako sa sarili kong love story," sabi nito. Loka talaga. Pinatawag ang mga sasama sa pageant habang nasa klase kami para magpractice. Pagkatapos ng klase ay pumunta ako sa auditorium para manuod. Nadatnan ko na rumarampa si Justin at Ate Janica. Napapakagat labi ako dahil paulit-ulit na natutumba si Ate dahil sa suot nitong high heels, gusto kong matawa sa itsura niya pero pinigilan ko lang. Natapos ang practice at agad na lumapit sakin si Justin. "You will be my girlfriend next week," sabi nito. "Sigurado ka na mananalo ka?" Tanong ko. "101% baby," sabi nito at umakbay pa sakin. Lumapit is Ate Janica samin na iika-ika. "Justin pwede mo ba akong alalayan papunta sa clinic? Ang sakit kasi ng legs ko," sabi ni Ate. Tumingin sa paligid si Justin na para bang may hinihanap. Maya-maya lang ay tinawag nito si Mark na isa sa teammate nito. "Bakit, Captain?" Tanong ni Mark. "Hatid mo sa clinic si Janica," utos nito bago hinarap si Ate. "Siya na lang ang aalalay sayo dahil ayokong magselos ang nililigawan ko." Masamang tumingin si Ate Janica sakin habang ako naman ay nakangiti at lumapit sa kanya. "Selosa kasi ako, Ate Janica. 'Wag ka masyadong dumikit kay Justin baka magdilim ang paningin ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD