Cuatro

2341 Words
Chazia's pov Linggo ngayon at maaga akong nagising dahil excited akong makipag-usap kay Ate Janica. Pagbaba ko narinig ko sila sa kusina kaya duon ako dumeretcho. Nakita ko si Mommy na nagluluto habang si Ate ay nakaupo kaya tumabi ako sa kanya. Masaya ako dahil ramdam ko na babalik na ang masaya naming pagsasama dahil sa pagbabalik ni Ate Janica, babalik na rin ang dating pakikitungo sa akin ni Mommy. "Good morning, Ate and Mommy. Ang aga niyo po," sabi ko. Binati naman nila ako at ngumiti pa sakin si Ate Janica kaya napasandal ako sa kanya. "Masaya ako na nakabalik ka na samin, Ate. Completo na tayo," saad ko rito. "Masaya rin ako dahil nahanap ko na kayo. Sa hirap na dinanas ko sa buhay lagi kong pinagdarasal na makabalik na ako sa tunay kong pamilya," mahinang sabi nito. Lumapit si Mommy kay Ate Janica at niyakap ito. "I'm sorry, Anak. Kung hindi kami naging pabaya sana nakasama ka namin at naalagaan nuon," sabi ni Mommy. Naawa ako kay Ate Janica ng lumuha ito. "Kinupkop ako ng isang pamilya at ginawa akong katulong. Sa murang edad ko naranasan ko na masaktan pag hindi ko nasusunod ang gusto nila. Ilang beses kong sinubukang tumakas pero sakit sa katawan lang ang napapala ko. Sampal, bugbog at kung ano-ano pang pasakit ang naranasan ko," umiiyak na pagkkwento nito. Parehas kami ni Mommy na umiiyak habang nakikinig sa kwento ni Ate Janica. "Anak-" "Ang hirap, Mommy. N-nagtiis ako ng ilang taon bago ako nakatakas sa impyernong bahay na 'yun. N-namalimos ako para may makain, ang bata ko pa pero naranasan ko na ang hirap ng buhay kaya nuong may matandang kumopkup sa akin labis ang saya ko dahil may matutulugan na ako at makakasama. Mahirap ang buhay ni Aling Aning pero okay na rin dahil hindi niya ako sinasaktan, ang kailangan ko lang gawin ay ang tulungan siya sa karenderia. Pinag-aral niya rin ako kaya lubos ang pasalamat ko sa kanya. Ngayon na nakabalik na ako labis ang sayang nadarama ko," kwento ni Ate at yumakap kay Mommy. Tumayo ako para makiyakap pero umiwas si Mommy kaya umatras ako. Alam ko na masakit para kay Mommy na marinig ang mga pinagdaanan ni Ate kaya maiintindihan ko kung hindi pa ito okay sakin. Alam ko na hindi pa rin naalis ang paninisi niya sakin. Wala akong alam sa nangyari, ang bata ko pa nuon pero sakin binuhos ni Mommy ang sisi ng pagkawala ng panganay nitong anak. Mula ng mawala si Ate pinaramdam ni Mommy sakin na kasalanan ko ang nangyari. Sabay-sabay kaming kumain ng breakfast at walang ginawa si Mommy kundi asikasuhin si Ate Janica. Nakangiti lang ako habang pinapanuod sila, matagal ko ring hindi nakita ang ngiti ni Mommy. I'm happy na unti-unti na siyang bumabalik samin. "Are you okay?" Tanong ni Daddy sakin. "Of course, Daddy. I'm happy to see Mommy smiling," sagot ko kay Daddy habang nakatingin kay Mommy at Ate Janica na masayang nagkkwentuhan sa pool. "Bakit hindi ka lumapit sa kanila?" Tumingin ako kay Daddy. "Oras nilang dalawa 'yan. Alam ko na matagal na panahon ang hinintay ni Mommy para makasama si Ate. Gusto ko rin na magkaruon ng bonding time si Ate kay Mommy na sila lang," sagot ko. Sana magbonding din kami ni Mommy tulad ng ginagawa nila Ate ngayon dahil hindi ko 'yan naranasan. Matagal ko na ring gusto na maka-bonding si Mommy, hindi man ngayon dahil busy siya kay Ate Janica pero alam ko na darating ang araw na makakasama ko rin siya at mararamdaman ko rin ang pagmamahal niya. "Ang swerte ko talaga sayo kasi alam mong umintindi," sabi ni Daddy. "Maganda pa," sabi ko na ikinatawa ni Daddy. Pumunta ako sa room ko para magpahinga dahil nagkaruon ng emergency si daddy at kailangan niyang bumalik sa hospital. Gusto ko sanang sumama kina Mommy at Ate Janica para maki-bonding pero pinigilan ko ang sarili ko dahil ayokong sirain ang bonding nila. Tinawagan ko si Jian. "What?" BUngad nito sakin. "What are you doing now?" Bored na tanong ko. "Reading, why?" "Wala lang, na-miss lang kita. Madami akong kwento para sayo bukas," nakangiting sabi ko kahit alam ko na hindi naman niya ako nakikita. "Whatever, chao!" Ang bastos talaga pinatay ang tawag ko. Sinabi ko naman na hindi mabait ang bestfriend ko pero sanay na ako parehas lang naman kami. Umidlip muna ako hanggang sa magising ako ng alas tres ng hapon. Napagdesisyunan ko na aayain si Mommy at Ate Janica na pumasyal sa mall para makapag-bonding kaming tatlo, anong oras naman na at sigurado ako na tapos na silang mag-usap. "Nasaan sila?" Tanong ko kay Yaya. "Kaka-alis lang po nila," sagot nito sakin. "Saan sila pupunta?" "Ang narinig ko po magsho-shopping sila," sagot nito sakin. Tumalikod ako at pumunta ako sa kwarto para magpakalma. "Okay lang 'yan, self. Bumabawi lang sila sa mga oras na nasayang," pagpapakalma ko sa sarili ko. "Maging masaya na lang ako dahil nakikita ko ng ngumiti si Mommy at bumalik na si Ate. Bawal malungkot." Kailangan ko lang intindihin si Mommy dahil alam ko na magiging okay rin kami, kailangan lang nito na bumawi kay Ate Janica dahil matagal itong nawala at idagdag pa ang mga pinagdaanan nito mula nuong mawalay samin. Magsisinungaling ako pagsasabihin kong hindi ako naiinggit lalo na pagnakikita ko silang masayang nag-uusap. Nakaramdam din ako ng inggit kanina habang kumakain kami dahil pinagsilbihan niya si Ate Janica na never niyang ginawa sakin mula ng mawala si Ate. Nang mawala si Ate Janica ay nawala rin si Mommy sakin, wala itong ginawa kundi sisihin ako at hanapin si Ate Janica. Nagpapasalamat na lang ako kay Daddy dahil pinupunan niya ang mga pagkukulang ni Mommy sa sakin. Lagi rin akong sinasabihan ni Daddy na intindihin ko si Mommy dahil masakit para rito na mawalan ng anak. Wala akong ginawa kundi intindihin siya, at yun pa rin ang gagawin ko ngayon. Gusto kong mapasaya sila kaya pumunta ako sa kusina para magpatulong sa pagluluto para sa dinner. Tinawagan ko rin si Daddy kung makakauwi siya ng maaga at ang sabi nito ay hindi kaya pangtatlohan lang ang niluto ko. Excited na ako na matikman nila ang inihanda ko. Sigurado ako na magugulat si Mommy dahil hindi nito alam na marunong na akong magluto. Kinagabihan ay ako na rin ang nag-ayos ng lamesa para maganda tignan. Alas siete pa lang ay tapos na lahat at hinihintay ko na lang ang pagdating nila. "Iha, kumain ka na baka mamaya pa sila darating o kaya naman ay kumain na sila sa labas. Kanina ka pa dyan," sabi ni Yaya Josey. Tumingin ako sa orasan at alas-nueve na pala ng gabi. Bakit kaya hindi pa sila umuuwi? Matamlay akong tumayo at aakyat na sana sa kwarto ko nang marinig ko ang tawa ni Mommy kaya bumalik ang sigla ko at lumapit sa kanila. "Mommy, Ate tara kain na tayo-" "Tapos na kaming kumain. Pagod na ako kaya aakyat na ako," sabi ni Mommy at humalik muna kay Ate bago kami talikuran. "Ah, sige po. Good night," nakangiti pa ring sabi ko. "Ang dami naming pinamili ni Mommy na mga bagong gamit ko. Sabi niya bukas ay ipapasyal niya ulit ako," kwento ni Ate Janica. "Ah ganun ba. Hmmm, gusto mong kumain muna Ate? Nagluto kasi ako," aya ko. "Oo naman, tara sabayan kitang kumain. Gutom pa ako," sabi nito kaya mas napangiti ako. Sabay kaming dalawang kumain at nagkwentuhan rin kami. "Alam mo Chazia ang swerte mo," biglang sabi ni Ate na sumeryoso na ang tono. "Bakit naman Ate?" Tanong ko. "Kasi naiwan ka kasama si Daddy at Mommy. Hindi mo naranasan ang mga paghihirap na naranasan ko," sabi nito. "Sana ayusin mo ang pag-aaral mo at 'wag mo silang bigyang ng stress. Nasabi sakin ni Mommy na mababa ang mga grades mo kahit binibigay na nila lahat ng kailangan at gusto mo. " Natigil ako sa pagsubo dahil sa sinabi nito. Ganun ba ang tingin ni Mommy sakin? Nagbibigay lang ng stress sa kanya. "Mababa? Wala naman ako 80 pababa," sagot ko. "Siguro ang gusto ni Mommy ay mag-top ka sa klase niyo at mas galingan mo pa sa pag-aaral," sabi nito bago tumayo. " Ang sarap ng luto mo. Mauna na ako, Sis. Napagod rin kasi ako at gusto ko nang matulog dahil bukas ay magbo-bonding ulit kami ni Mommy." Umakyat na rin ako at pabagsak na nahiga sa kama ko. "Anong magagawa ko ang biyaya lang sakin ay sobrang ganda ko at hindi kasama ang talino! Haitz, the important thing is that she is back, Pretty Chazia! Don't stress yourself," bulong ko sa sarili ko. "Be happy and stay pretty. Don't overthink!" Kinabukasan ay si Daddy ang nanggising sakin. Tahimik lang ako na kumakain at hindi nakikisali sa usapan nila. Ang tingin ko ay nasa pagkain ko lang, ayokong tumingin kay Mommy na sobra kung pagsilbihan si Ate. Mapapa sana-all na lang ako pag nakikita si Ate Janica na nasa sa kanya lahat ng attention na matagal ko ng gustong makuha. "Anak hindi ka ba sasama kina Mommy at Ate mo na mamasyal nagyong araw?" Tanong ni Daddy. "May pasok siya at hindi siya pwede um-absent sa klase," singit ni Mommy. Tumingin sakin si Daddy kaya ngumiti ako. "Tama po si Mommy," sagot ko at binalik sa pagkain ang tingin ko. Pagkatapos ong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila na papasok na ako. Tumango lang si Mommy sa akin, si Ate naman ay niyakap pa ako at si Daddy na nakatingin kay Mommy. "Dad, alis na ako. Okay lang," bulong ko at humalik sa kanya. Ayoko na pag-awayan nila ni Mommy ang maliit na bagay. Totoo naman ang sinabi ko na okay lang. Sanay na ako kaya hidni na ako masasaktan sa simpleng pambabaliwala ni Mommy sakin. "Hatid na kita-" "Hindi na po, nasa labas na si Jian. Tinawagan ko siya para sunduin ako at sabay na kaming papasok," magalang na sabi ko bago sila iniwan. Paglabas ko ng gate ay nakita ko ang kotse ni Jian kaya agad akong pumasok. "Kanina ka pa?" Tanong ko. "Yeah, 10 minutes na. Ang tagal mo talaga," sabi nito at pinaharurot na ang kotse. "Bakit kasi hindi mo ako tinawagan o kaya pumasok ka na lang sana sa loob," saad ko. "I don't want to see your Mom," baliwalang sabi nito. "Bakit? Mommy ko 'yun umayos ka," natatawang sabi ko. "Naiinis ako pag nakikita siya. Ang layo ng ugali niya kay Mommy ko na pantay ang pagmamahal saming magkakapatid," seryosong sabi nito. Alam ni Jian ang pinagdadaanan ko sa bahay dahil nagkkwento ako sa kanya lagi. "Magbabago na si Mommy," mahinang sabi ko. "Magbabago lang ang pakikitungo sayo ng Mommy mo pag nahanap niya na ang paborito niyang anak," makatotohanang sabi ni Jian. "Ang tagal ko ng sinasabi sayo na mag give up ka na sa Mommy mo." "Ngayon pa ba na nahanap na nila si Ate-AHHHH! ANO BA JIAN?!" Gulat na sabi ko dahil bigla nitong inihinto ang kotse. Muntik na akong mauntog dahil hindi ako nakasuot ng seatbelt. "Tama ba ang narinig ko? You sister is back?" Hindi makapaniwalang tanong nito. Inayos ko ang sarili ko at sumandal. "Ang oa ng reaction mo, nakabalik na nga siya. Drive na at baka ma-late pa tayo, mamayang lunch na ako magkkwento sayo." "I'm happy for you," nakangiting sabi sakin ni Jian. And I'm happy for my Mom. "Miss Chazia Crutez, are you with us?" "Po?" Tanong ko kay Ma'am Ana na nasa harap ko na. Tumingin ako kay Jian na natatawa. "Mukha atang nasa ibang mundo ka," sabi nito sakin. "I'm sorry," sabi ko. Sa sobrang pag-iisip ko kung kamusta ang pamamasyal ni Mommy at Ate, nakalimutan ko na nasa klase pala ako. Tinalikuran ako ni Ma'am Ana. "Mag-aral kayong mabuti dahil ang mahal ng tuition na binabayaran ng mga magulang niyo rito para matuto kayo. Walang silbi ang ganda kung walang laman ang utak niyo," pasaring nito. "Naiintindihan mo ba, Miss Crutez? " Hindi ako sumagot at umirap na lang ako, hindi ko alam bakit ang galit 'yan lagi sakin. Wala naman akong maalala na binastos ko siya. "Miss Lopez," tawag niya kay Jian dahil nagtaas ng kamay ang bestfriend ko. "Does your job description as a teacher also include insulting your student, Ma'am?" Seryosong tanong ni Jian kaya napatingin ako rito. Hinawakan ko ang kamay ni Jian para ipahiwatig na mag relax. "Wait, what?" Gulat na tanong ni Ma'am. "You are right that our parents pay a lot of money for us to go to a good school. But we are here to learn and not to be insulted by a teacher unless it is included in your work," maanghang na sabi ni Jian. "Kung ano ang na-compute mong grades namin o ng kaibigan ko 'yun ang ilagay mo, walang problema kahit i-bagsak mo pa. Pero ang paulit-ulit na pang-iinsulto? It’s no longer okay because you have no rights." Natahimik ang lahat pagkatapos magsalita si Jian. Napatingin ako kay Ma'am Ana na parang hindi makapaniwala na may isang studyante na nangahas na pahiyain siya. Umalis si Ma'am at hindi na bumalik. Ang mga classmates namin ay nagsilapitan kay Jian para sabihin na sang-ayon sila sa ginawa at sinabi ng bestfriend ko. "Anong nangyari?" Tanong ko kay Jian pagdating namin sa Cafeteria. "Nagbingo na siya sakin," tipid na sagot nito. " Kwento na tungkol sa pagbabalik ng Ate mo." "Pag-uwi ko nuong saturday nadatnan ko na siya sa bahay. Sabi ni Mommy na siya si Ate Janica," sabi ko. "Are you happy?" Tanong nito. "Oo naman, sino ang hindi sasaya pag nakita na ang taong matagal na naming hinahanap? Sawakas talaga at nakabalik na siya samin," nakangiting sabi ko. "Kamusta ang trato ng Mommy mo sayo? Nagbago na ba?" Tanong nito habang nakatitig sa mga mata ko. Hindi ako nagsalita, ngumisi siya sakin habang naiiling. "Not yet? Tsk, what else can I expect from your Mommy? Subukan mo ring lumayas o mawala sa buhay niya baka sakaling ma-realize niya na may isa pa siyang anak," sabi nito. "I'm still hoping..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD