Jian's pov Minessage ko si Chazia kung okay lang siya o kung ibang kailangan pa siya para maihanda ko pag dinalaw ko. Wala siya sa Manila at pinili na lumayo sandali, gusto ko sana siyang samahan pero sinabi niya na gusto niyang mapag-isa kahit ilang linggo lang kaya hinayaan namin siya ni Mara. Isang linggo na simula nuong kumalat ang litrato at madami ng nangyari. Nagalit si Jayden at sinuntok si Justin. Pinatawag ang grupo nila Janica at tinanong kung may kinalaman sa litrato na kumalat. Nilinis ni Justin ang pangalan ni Chazia at ang pinaka-importante ay napatunayan na edited lang ang picture sa tulong na rin ni Daddy. Sinabi ko na ang magandang balita kay Chazia pero hindi man lang ito nasiyahan at sinabing wala ng mababago dahil hinusgahan na siya ng lahat lalo na ng kanyang Ama.

