Chazia's pov
"Sabihin mo na lang kay Daddy mo ang nangyayari pag wala siya sa bahay niyo. Sabihin mo nagkakampi ang Mommy mo at ang Ate mong peke," inis na sabi ni Jian habang nakatingin sa kabilang table kung saan nakaupo si Ate Janica kasama ang mga kaibigan nito.
"Haha, bakit parang mas apektado ka sa nangyayari sa bahay ni Chazia? Mas inis ka kumpara sa kanya," sabi naman ni Brent na kasama namin ngayon.
"Malamang best friend ko 'yan kaya apektado ako! Makatawa siya wagas ang sarap sampalin ng paulit-ulit," sabi nito Jian kaya napatingin ako kay Ate Janica na masayang nakikipag-usap sa mga kaibigan.
Nasabi ko kay Jian ang nangyari sa bahay kahapon kung saan pinagalitan ko ni Mommy dahil lang sa sumbong ni Ate Janica. Hindi na bago sakin dahil simula nang dumating si Ate lagi na itong kinakampihan ni Mommy, wala akong magawa kundi hayaan si Mommy na pagsalitaan ako. Kaya masaya ako pag nasa bahay si Daddy dahil hindi ako mapagalitan ni Mommy. Siguro kung pati si Daddy kakampihan si Ate Janica tuluyan na akong magrerebelde.
"Ang haba ng pasensya mo sa family mo, Baby. Pero pag dito sa school madaling uminit ang ulo mo," sabi ni Justin sakin.
"Isa pang baby mo sakin maliligo ka ng juice," banta ko kaya napakamot ito ng ulo. "At sa sinasabi niyo naman, dapat lang na umintindi ako at hindi ako magmaldita sa bahay. Dahil unang una si Mommy 'yun at kay Ate naman isya ang nakakatanda kaya dapat ko pa ring igalang kahit papaano."
Minsan nagkakasagutan kami ni Ate Janica lalo na kung ano-ano ang sinusumbong niya kay Mommy pero hindi dumadating sa punto na binabastos ko na siya. Iba ang ugali ko rito sa school at iba rin sa bahay. Nilalawakan ko na lang ang pasensya ko at iniisip ko na hanggang ngayon bumabawi si Mommy sa mga nawalang araw na dapat magkasama sila.
"Kunti na lang iisipin ko na ampon ka beh," sabi ni Jian sakin.
Natawa naman ako sa sinabi niya, iniisip ko rin naman kasi 'yun pero hindi maipagkakailang kamukha ko si Mommy kaya napakaimpossible. Ang unfair lang talaga niya.
"Real daughter here," sagot ko. "Balita ko pumipili na ang mga teachers ng ilalaban sa Mr and Ms Veda."
Iniba ko na ang usapan dahil ayokong sumama lang ang loob ko.
"Yes at ang Ate Janica mo ang nag-volunteer kanina na lalaban. Partner ko siya," sabi ni Justin.
"Really? Ano kaya kung maglaban kayo sa pageant," sabi ni Jian.
"Hindi na pwede kasi hawak niya na ang title at ipapasa na lang," sabi ni Brent na sinang-ayunan namin.
"Kung pwede lang sana, why not? Pero hindi na pwede," sagot ko naman.
"Ako ang bahala," sabi ni Jian.
Alam ko na may gagawin 'yan para makasama ako sa pageant. Kilala ko ang bestfriend ko na kung ano ang maisipan niya ay gagawin niya, nakilala ko na rin ang magulang nito at masasabi kong spoiled ang bestfriend ko. Sobrang bait ni Tita Jade at Tito Harry, alagang-alaga nila si Jian.
Papunta na ako sa room mag-isa dahil sinabi ni Jian na may pupuntahan siya sandali kaya mauna na ako.
"Chazia," tawag sakin ng classmate ko.
"Hmm?"
"Ako nga pala si Mara, pwedeng makipagkaibigan?" Tanong nito.
Tinignan ko siyang mabuti. Ang ibang classmates rin namin ay nakatingin na.
"Ah- ano kasi-"
"Okay," sagot ko.
Nabigla naman ako ng bigla itong yumakap sakin.
"Ang tagal ko ng gustong maging kaibigan kayo ni Jian simula 1st year pa lang ako," masayang sabi nito.
"Errr, layo Mara. Hindi ako makahinga," sabi ko.
Lumayo naman ito at umangkla sa braso ko. Napasabay na lang ako dahil naglakad na ito papunta sa upuan ko at nakipagpalit na pala siya kaya katabi na namin siya ni Jian.
"Are you okay?" Tanong ko kasi nakangiti ito habang nakatitig sakin.
"Masaya lang talaga ako kasi matagal ko ng gustong makausap kayo. Buti na lang nasabi ni Kuya Carl sa akin na mabait ka kaya nagkalakas ng loob akong kausapin ka," sabi nito. "Friends na tayo di ba?"
"Ah, yeah. Carl is your brother?" Tanong ko.
"Kapitbahay ko siya," sagot nito.
Dumating na si Sir kaya natigil sa pagkkwento si Mara. Hindi naman kami nakikipagkaibigan sa iba ni Jian dahil walang nangangahas na makipagkaibigan samin pero kanina ng sinabi 'yun ni Mara umuo na lang ako, okay lang naman sigurong magkaruon ng ibang kaibigan lalo na at huling taon na namin sa high school.
Sa kalagitnaan ng pagtuturo si Sir ay pumasok si Jian.
"Saan ka galing? Late ka na sa klase ko," Tanong ni Sir.
"Sir, I have good news and I know you will like it."
"Ano 'yun?"
"Pwede ulit lumaban ang bestfriend ko sa Ms Veda this year," nakangiting sabi nito.
Hindi pa naniwala si Sir at umalis para raw alamin kung totoo ang sinasabi ni Jian.
"Hi Jian," bati ni Mara.
"Hello," baliwalang bati ni Jian at hinarap ako. " I can't wait to see you beat your sister."
"Lakas ng tiwala mo na mananalo ako," natatawang sabi ko sa kanya.
"Oo naman, mananalo ka. Ako na ang bahala sa gown mo dahil designer si Mommy," singit ni Mara.
Natatawa ako dahil nainis si Jian sa kakasingit ni Mara sa usapan namin kaya pinakilala ko na ito na bagong kaibigan. Natanggap naman siya ni Jian at sinabing ayaw niya ng pekeng kaibigan kaya si Mara ay todo kombinsi na totoong pagkakaibigan ang habol nito samin.
Sa buong araw ay kasama namin si Mara at madali naman ako nasanay dahil makulit ito at hindi napapagod magsalita.
"Hatid na kita Chazia," sabi ni Mara.
"May kotse ka na rin?" Tanong ko.
"Wala pero susunduin ako ni Kuya ko. Baka magustuhan mo siya," sabi nito kaya natawa ako.
"Loko," sagot ko. "Susunduin ako ng driver namin."
Nauna ng umalis si Mara habang si Jian naman ay kasama kong naghihintay dahil ayaw umalis hangga't wala pa ang sundo ko.
"Ang kulit niya at ang ingay," sabi ni Jian. " Pero mukhang mabait kaya okay na."
"Yeah, nag-enjoy ka ngang makipagbangayan sa kanya-"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil dumating si Ate Janica kasama si Gel at Sandra. Alam ko na hinihintay ni Ate Janica si Mommy. Sanay naman na ko na lagi itong sinusundo habang ako naman ay nakatago lang. Ang pagkakaiba lang ngayon ay hindi ako nakatago at makikita ako ni Mommy.
"Una na kayo, girls. Parating na rin ang Mommy ko," sabi ni Ate Janica.
"Ang swerte mo talaga kay Tita Emma kasi may time siyang sunduin ka habang ang isa dyan," pagpaparinig ni Gel kaya tumayo ako.
"Habang ako maganda pa rin," nakangiting sabi ko.
Natahimik naman sila. Nakita ko na ang kotse ni Mommy kaya ngumisi sakin si Ate Janica na ginantihan ko naman.
"Sasabay ka?" Tanong niya sakin.
Tumingin ako kay Mommy na nakangiti na rin sakin pero hindi ako ngumiti at umiling sa offer.
"No thanks," sagot ko.
Napatingin kaming lahat ng may isa pang kotse ang pumarada sa harap namin, kotse ni Daddy. Natigil rin si Ate Janica sa pagsakay sa kotse ni Mommy at tumingin pa sa kotse.
Bumaba pa si daddy at humalik sakin at kay Ate Janica. Lumapit rin ito kay Jian.
"How are you po, Tito?" Bati ni Jian.
"Good, sinundo ko lang ang anak ko. Sasabay ka?" Tanong ni Dad.
"Hindi na po. Mauuna na rin ako," paalam ni Jian.
Tinanong ni Daddy kung sasabay si Ate Janica pero pumasok agad ito sa kotse ni Mommy kaya pumasok na rin ako sa kotse ni daddy.
"Buti nasundo mo ako Daddy," sabi ko.
"Malakas ka sakin eh," biro nito kaya natawa ako.
Pagdating namin sa bahay ay tinignan pa ako nang masama ni Ate pero nginisihan ko lang siya. Kung sa kanya si Mommy, akin naman si daddy.
Sa Dinner sabay-sabay kaming kumain.
"Mommy, Daddy ako pala ang napili ng teacher namin na lumabas sa Ms Veda this year dahil beauty with brain ako," balita ni Ate.
"Wow, I'm proud of you. Sigurado ako na mananalo ka," sabi naman ni Mommy.
"Ang kapatid mo ang nanalong Ms Veda last year kaya siya ang-"
"And this year Daddy dahil sisiguraduhin ko na ako ang mananalo. Pumayag ang school na lumaban ulit ako since it's my last year," sabi ko.
Walang nakapagsalita sa kanilang tatlo. Si Ate Janica na tinignan ako nang masama katulad ni Mommy. Wala akong paki basta mananalo ako.
Natapos ang dinner na tahimik si Mommy at Ate habang si Daddy naman ay nagkkwento kaya halos kami lang ang maingay.
Pagkatapos namin kumain ay agad akong pumasok sa kwarto ko at sumabay si Ate.
"Nananadya ka ba?!" Galit na bungad ni Ate Janica.
"Ate Janica, takot ka ba na matalo kita? Bakit galit na galit ka dahil lang maglalaban tayo?" Hamon ko. "Bakit hindi mo sabihan si Mommy na paatrasin ako para hindi mo ako makalaban? Total naman kampi siya sayo."
"Ako ang mananalo, Chazia. Mas magiging proud sakin si Mommy at mas lalo siyang madi-disappoint sayo! Tandaan mo 'yan," gigil na sabi nito.
"You can't take the crown from me, Ate!"