Chazia's pov Nasa harap ko ngayon si Mommy kasama si Janica, pinuntahan nila ako rito sa condo. "Ito ba ang bigay ng Daddy mo sayo?" Tanong ni Mommy Emma. Hindi ko nga alam kung ano ang itatawag ko sa kanya lalo na at alam ko na hindi siya ang tunay kong Ina. Hindi ko mapigilang tumitig kay Mommy na parang normal lang ang lahat sa kanya pagkatapos kong umiyak sa harap nila, nasa harapan ko pa siya ngayon at kinakausap ako na parang dati lang. "Ano pong ipinunta niyo rito?" Magalang na tanong ko. Habang tinitignan ko si Mommy ngayon nawala na 'yung dating bigat ng nararamdaman ko. Alam ko na ang rason niya kaya pilit ko siyang iniintindi, kahit ako hindi ako makapaniwala na nanloko nuon si Daddy dahil kita ko ang pagmamahal niya kay Mommy at lagi nitong sinasabi na intindihin na lan

