Chazia's pov Pauwi na kami sa Manila at ayaw pa rin akong tigilan ni Jian dahil nakita niya na hinalikan ako ni Jayden bago pumunta sa assigned seat nito. Okay na sila ni Mara pagbalik ko sa room nun. Nag-uusap na sila na kunting barahan pa rin, normal na 'yun sa kanilang dalawa kaya hinayaan ko na lang. Napansin na nila ang pagngiti ko nun pero hindi ako nagsalita. Sinabi ko kay Jayden na kung maari itago muna na kami na pero ang loko hinalikan ba naman ako sa labi sa harap mismo ng mga kaibigan ko. Tinignan ko pa nang masama pero isang halik ulit ang ginawad sa akin bago ako iwan kina Jian. "Ano na nga? Kayo na ba? May nangyari na? Kailan pa naging kayo? Paano siya hiningi ang sweetest yes mo?" Sunod-sunod na tanong ni Jian. "Magsalita ka kaya!" Tumawa naman ako at sinuot ang earph

