ZIANNA Bago pa ako mawala sa katinuan ay nilayo ko na ang labi ko. Gusto pa niyang habulin ang labi ko pero sinabunutan ko siya. "What the? Bakit mo ako sinabunutan?" takang tanong niya. Nanatili pa rin niyang hapit ang baywang ko. "Mas mabuti na iyan kaysa sa makatikim ka na naman ng suntok." Tinanggal ko ang kamay niya sa baywang ko at bahagyang lumayo sa kanya. "Baka may makakita sa atin. Ayoko ng tsismis." He smirked. "Iyon ba ang iniisip mo?" "Of course. Gusto ko ng tahimik na buhay," mataray kong sagot. "Madali naman gawan ng paraan 'yan." Hinila niya ako ng akma akong lalabas na sa lift ng bumukas ito. Hindi ko na nagawang lumabas dahil hindi niya ako binitiwan hanggang sa magsara na lang ang elevator. "See, your problem is solved," pagmamayabang niya pa. Tinabig ko ang

