ZIANNA Hindi ako nakahuma sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa lalaking naglalakad palapit sa akin. Nakangisi ito habang pumapalakpak na akala mo ay nanood siya ng palabas at nagustuhan ang kanyang nakita. I fearlessly met his cold stares at me when he stopped in front of me. “You always amazed me, Z. Akalain mo ‘yon, nagawa mong makalabas at makarating dito?” sarkastiko niyang sabi. Tumagos ang tingin ko sa likuran nito, hawak ng tauhan niya ang mama ko na bakas na ang takot sa mukha. “Leave my mother alone, G,” I said without emotion. “I will, Z if you agree to what I want to happen.” Lumapit pa siya sa akin pero umatras ako. Hindi ako natatakot sa pagsulpot niya, natatakot ako na hindi ko na mabalikan ang mag-ama ko. Kumunot ang noo nito. Hinawakan niya ang baba ko at

