ZIANNA “I-is that true? M-mahal mo rin ako?” Umismid ako. “Hindi ko na uulitin, Redd.” “Gusto ko ulitin mo, Zianna,” utos niya. I turned to face him with raised eyebrows. “Paano kung ayaw ko? Ano'ng gagawin mo?” Pinaningkitan niya ako ng mata. Nanggigigil na naman siya sa ‘kin. “You—” Akma siyang lalapit sa akin pero napahinto siya ng lumabas si Chantea. “Where are they, mama?” tukoy nito sa apat. Lumapit ako sa anak ko at pumantay sa kanya. “Dadalawin na lang nila tayo sa susunod na araw, anak.” Binalingan ko si Redd. “Aayusin ko lang ang mga gamit namin tapos aalis na tayo,” pagpapaalala ko sa dapat na gagawin namin bago dumating sina Dim. Tumayo ako at binigay sa kanya si Chantea. Pagkakataon na niya para magkasarilinan sila ng anak niya. Iniwan ko sila sa sala. Hinila ko

