HER POV
"Araaaay," agad niyang bungat ng maggising siya mula sa malalim na pagtulog.
Tila binibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit.Nang bigla niyang ginalaw ang kanyang likod upang bumalikwas ng bangon ay tila naman may matigas na pader na humaharang sa kanya upang makabangon ng maayos.
Napahiyaw siya sa sobrang sakit at hapdi ng gitnang bahagi ng kanyang katawan na tila binibiyak at bugbog na bugbog.Gusto niya mang bumangon ngunit tila hilong hilo pa rin siya.Pumikit muli siya at huminga ng malalim saka muling binuksan ang kanyang mga mata.
Una niya nasilayan ang puting sementong kisame .Pilit niyang inalala ang ganapan ng nagdaang oras at kung saan siya ngayon.Inilibot niya ang kanyang paningin sa buong palibot kung nasaan siya ngayon.
Natatabunan ng makakapal na kurtina ang salamin na bintana kung kaya't hindi niya tiyak kung anong oras na.Nakasindi ang built-in wall lights sa bandang paanan niya kung kaya't hindi masyado madilim ang palibot.
Ibinaba niya ang paningin sa tila bakal na bagay na nakapulupot sa kanya. Gayon na lang ang gulat niya na hindi pala bagay ang katabi niya kung hindi isang tao, isang lalake na hubo't hubad na nakapulupot ang braso nito sa kanyang dibdib at ang isa nitong hita ay nakadagan sa kanyang binti.
Dahil sa labis na gulat ay biglang nagflash back sa kanyang alaala ang mga pinaggagawa niya sa nagdaang oras.Nakipag one-stand night stand lang naman siya sa taong hindi niya kilala at ang hindi niya matatanggap sa kanyang sarili ay pumatol siya sa paanyaya nitong makipag-inuman kahit na hindi niya ito kilala.
Hindi naman siya ignorante sa posibleng mangyari sa kanya kapag nalasing siya ngunit nagpatangay pa rin siya sa bugso ng damdamin at tukso ng init ng laman.Hinayaan niya lang malagay sa peligro ang kanyang sarili and the worst naisuko niya ang kanyang pagkakababae sa isang iglap lamang at ang mas masaklap pa sa isang estranghero.
Kailangan niya na agad na makaalis sa lugar na pinagdalhan sa kanya ng estranghero habang tulog pa ito dahil baka kung ano pa ang gawin nito sa kanya.Ngayon na wala na ang epekto ng esperitu ng alak sa kanyang sistema ay napupuno ng kaba at hiya ang puso't isipan niya sa kanyang pinaggagawa sa kanyang sarili at sa lalakeng kaulayaw sa nakalipas na oras.
Kahit masakit ang buong katawan niya pati na rin ng ulo niya ay kailangan niyang bumangon at makawala sa tabi ng estrangero. Hindi niya alam kung paano pakikiharapan ang estranghero kung tuluyan na itong maggising. Hindi niya na nanaisin na maulit pa muli ang kanyang katangahan at pagpapakawala ng kanyang sarili.
Huminga siya ng malalim at buong lakas at ingat na inalsa pakawala sa kanya ang braso ng estranghero.Mabuti na lang ay hindi ito naggising.Sinunod niya naman ang hita nito na nakadagan sa kanyang binti.Buong ingat niyang hinila paakyat ang kanyang binti upang makawala sa pagkahugpong sa hita nito.
Butil butil na pawis ang tumulo sa kanyang noo ng matapos siyang makawala sa estranghero. Dahan-dahan siyang bumalikwas ng bangon.Ininda niya ang sobrang sakit ng kanyang p**e kahit na tila maiihi siya sa sobrang kirot ng pagitan niya.
Nang makatayo siya ay napabalik siya ng upo sa higaan dahil ng ihahakbang niya na sana ang isang paa upang pulutin ang kanyang nagkalat na mga damit sa sahig ay parang kutsilyong tumarak sa kanyang p**e ang sorang sakit na nadarama.Parang hindi niya kayang maglakad dahil tila nanginginig at nangangatog ang kanyang dalawang binti.
"Aray...," hiyaw niya ngunit mabuti na lang ay maagap niyang natakpan ang kanyang bibig kaya't hindi nakadistorbo ang boses niyang upang maggising ang himbing na himbing pa rin na estranghero.
Napalingon siya sa gawi nito na prenteng nakahiga sa kama na tanging ang pagkalalake lang nito ang natatabunan ng puting kumot.Ngayon niya lang napagtanto na isa palang napakagwapong nilalang ang napag-alayan niya ng kanyang sarili.
Mas natitigan niya ito ng maige ngayon na tila isang anghel na bumaba sa langit.May makakapal at maiitim na pilik mata, matangos ang ilong, mapupulang labi na tila kay sarap halikan, at ang mga kilay nitong siksik sa buhok.
Naalala niya ang nagdaang oras na kaulayaw ang estranghero kung saan ang mapupulang labi nito ay nilasap, ninamnam at nilawayan ang bawat parte ng kanyang katawan.Wala itong pinaglapas at ang pinakagusto niyang ginawa nito ay ang pagsamba at pagsibasib nito sa kanyang p**e.
Sa naiisip ay bigla na namang nag-init ang kanyang pakiramdam ngunit agad niyang pinagalitan ang kanyang sarili.Hindi na siya lasing kung kaya't kaya niya ng kontrahin ang kabaliwan niya sa estrangherong nasa likuran niya.Hindi makakabuti sa kanya ang panghinaan at lalong magpalugmok sa tawag ng laman.
"Ang tanga tanga mo Margo, umayos ka!!!" sita niya sa isip.
Humugot muli siya ng lakas bago muling bumangon patayo at dahan-dahan na humakbang. May pag-iingat niyang pinulot ang kanyang mga damit na nagkalat. Hindi niya na nakita ang kanyang damit pang-loob tanging tube top at mini-skirt lang ang naroroon.
Dali-dali niyang isinuot ang mga ito. May nakita siyang leather jacket sa sofa couch sa gilid kaya't kinuha niya ito at isinuot sa kanyang katawan.Malaki sa kanya ang jacket kung kaya't halos natatakpan ang buo niyang katawan mula sa dibdib at hita niya.
Mas kumportable siyang maglakad palabas ng silid na ito kung saan siya dinala ng estranghero dahil hindi na siya makakatawag ng pansin sa seksing pananamit niya.Matapos maisuot ang jacket ay tangka na sana niyang lumabas ng pinto ngunit may nakalimutan siya.
Wala pala siyang pamasahe pauwi.Hindi niya alam kung nasaan na ang lumang sling bag niya na bitbit niya kagabi kung kaya't hinagilap niya ito sa buong silid.Mabuti na lang ay natagpuan niya ito sa ibabaw ng side table ng kama. May nakita rin siyang wallet sa tabi nito.
Natitiyak niya na pag-aari ito ng estranghero. Nagdadalawang-isip man na pakialaman at buksan ito ay tila naman may bumubulong sa kanya na pag-interesan na alamin ang totoong pagkatao kahit pagkakakilanlan man lang ng estrangherong pinag-alayan niya ng kanyang pagkakababae.
Buong tapang niyang binuklat ang wallet nito at binusisi ang laman nito. May iilang lilibuhing pera ang laman nito. May gold at black cards din. Hindi siya interesado sa pera nito dahil alam niya naman na hindi ordinaryong tao ang nakaulayaw niya kagabi.
Ang mas nakapukaw pansin sa kanyang kuryusidad ay ang makita ang tarheta nito kung saan nakalagay ang pangalan nito 'MARCO SULLIVAN' , - CEO, THE HORIZON.Hindi niya mapaliwanag ang biglang pagtahip ng kanyang dibdib.
Pamilyar na pamilyar sa kanya ang pangalan ng kumpanya.Hindi niya mawari sa isip kung saan niya narinig ang pangalan nito.Basta't bigla na lang niyang nabitawan ang tarheta at inilapag ang wallet sa side table.
Walang ano ano ay nagmadali na siyang umalis sa loob ng silid. Pagbukas niya ng pinto ay ganoon na lang ang gulat niya ng nasa pinakamataas na bahagi pala siya ng building.Dali-dali niyang hinanap ang elevator at sumakay dito.
Walang lingon-lingon na nilakad niya paika-ika palabas ng condominium building ng makababa siya sa ground floor.Mabuti na lang ay may dumaan na taxi at agad niya itong pinara.Nagpasalamat siya sa isipan na sa wakas ay nakawala na siya sa kamay ng estrangherong tumangay ng kanyang pagkadalisay.
Huli na upang sisihin niya ang kanyang sarili sa nangyari sa kanya.Nangyari na ang nangyari.Nawala na ang pinaka-iingatang puri niya.Hindi niya na maibabalik ang nakaraan.Kahit maglulupasay siya sa iyak ay wala na ring mangyayari pa.
Pinagdarasal niya na lang sa Diyos ngayon ay sana hindi magbunga ang minsang katangahan niya.Hindi pala katangahan ang naggawa niya kung hindi kalandian.Tanga siya kung isang beses lang na may mangyari sa kanila ngunit hindi dahil maraming beses at paulit-ulit siyang bumigay at nagpaangkin sa estranghero.
Hindi lang basta bastang nagpaangkin siya dahil sa kalandian kung hindi buong puso at isipan niya ay nasarapan sa nangyari sa kanila ng estranghero.Epokrita siya kung itatanggi niya sa sarili na hindi niya nagustuhan ang mga haplos, halik at bawat bayo nito sa kanyang pagkakababae.
Gustong-gusto niya. Marupok siya at mahina. Ganunpaman, kailangan niya ng maggising sa katotohanan na isang gabi lang iyon ng lubos ng kasiyahan at hindi na maaaring maulit pa.Pinikit niya ang kanyang mga mata ng nasa loob na siya ng taxi at nagpahatid sa lugar kung saan kaya niyang magpakatotoo at matatanggap siya sa kanyang kalagayan ngayon.