HER POV
Yehey, ate, totoo makakapag-aral na ako sa private school?" excited na sabi sa kanya ng bunsong kapatid na si Angel.
"Oo naman gel, kapag nakapagradweyt na si ate sa susunod na linggo ay maghahanap agad ng trabaho si ate at kapag may magandang trabaho na ako, makakalipat ka na sa private school, gusto mo ba iyon?" turan niya sa bunsong kapatid.
"Eh, si bunso lang ba ate, paano naman ako?" angal naman ni Jerry ang sumunod naman niyang kapatid.
"Naku, si kuya naman nagtatampo agad, siyempre ikaw rin, pababayaan ba kita? Kung saan mag-aaral si bunso doon ka rin, lab na lab kaya kayo ni ate Margo," baling niya sa kapatid na lalake.
"Ay sus, si kuya Jerry, eh, alam mo ate, hindi naman pag-aaral ang inaatupag niyan, puro porma lang ang ginagawa sa school sa mga babae," pahayag pa ng bunso niyang kapatid.
"Hindi ah, hindi iyan totoo ate, sadyang gwapo lang talaga ako kaya lapitin ako ng mga babae, kasalanan ko bang sila ang lapit ng lapit sa akin," turan pa ni Jerry.
"Oo nga kuya pero pinapatulan mo rin, tapos pinapaggawa mo sa kanila mga assignments at projects mo, hindi ka na nahiya, tse, ang bad kaya niyan di ba ate!" hirit naman ni Angel.
"Sila naman ang may gusto kaya pinagbibigyan ko lang!" ganti naman ni Jerry.
"Kahit na kuya, hindi pa rin mainam na pinaglalaruan mo ang mga babaeng nahuhumaling sa iyo, respeto naman sa amin mga kalahi," sabat naman ni Angel.
"Wala naman akong hiniling na gawin nila kusa nilang ginaggawa iyon para sa akin kaya sa tingin ko wala akong ginaggawang mali," pagtatanggol naman ni Jerry sa sarili.
"Hep.... hep... tigilan ninyo na ang diskusyon ninyo dahil pareho kayong mali, mabuti pa kumain na lang kayo mahuhuli kayo niyan sa klase," awat niya sa mga kapatid.
"Eh, ikaw ate, hindi ka ba kakain?" sabi ni Jerry.
"Mamaya na ako, hihintayin ko pa si inay at tiyo, sasabay na kami, sige na kain na kayo," imbita niya sa mga kapatid at siya na mismo ang naglagay ng sinangag at toyo sa mga plato nito.
"Hindi pa pala sila nakauwi hanggang ngayon ate?" bglang sabat ni Angel.
"Baka pauwi na iyon sila, may dinaraanan lang, huwag na kayong mag-alala, kain lang ng kain, pasensiyahan n'yo na ang ulam natin, hayaan n'yo baka mamayang hapunan masarap na maluluto ko sa inyo," kalmadong sabi niya pa sa mga kapatid.
Panganay siya sa tatlo nilang magkakapatid kaya't siya ang nagiging inatay kapag wala ang kanyang ina at tiyuhin sa bahay. Anak siya sa pagkadalaga ng ina niya sa kasintahan nitong bigla na lang nawala at hindi na nagpakita. Ang sabi ng ina niya ay tinakasan ng tunay niyang ama ang responsibilidad nito ng malaman nito na nagdadalantao ang ina niya sa kanya.
Apat na taon gulang siya ng mag-asawa ang ina niya sa tiyo Berting niya.Nagkaroon ito ng dalawang anak na si Jerry at Angel.Tinuring naman siyang anak ng tiyo Berting niya.Ayos naman ang pamumuhay nila dahil may sapat na kita ang tiyuhin niya, isa itong guwardiya at ina niya ay may sideline din na pagluluto ng kakanin.
Kaya't naitatawid lang sa araw-araw ang kanilang pangangailangan at nairaraos din ang hirap ng buhay dahil may hanap-buhay ang kanyang ina at tiyuhin. Ngunit nang nakalipas na mga buwan ay tila palagi na lang inuumaga na ng uwi ang kanyang tiyuhin at ina sa hindi niya naman alam kung ano ang dahilan.
Bilang masinop at matulungin anak na panganay ay siya ang madalas na umaasikaso sa mga bunsong kapatid sa mga pangangailangan ng mga ito.Gusto niy naman ang kanyang ginagawa dahil mahal na mahal niya ang mga kapatid kahit pa hindi siya tunay na anak ng tiyuhin niya.Tinuring naman siya nitong anak at pinag-aral.
Ngunit minsan ramdam niya ang mas mainit na pagmamahal at pag-asikaso ng tiyuhin sa mga bunsong kapatid dahil siguro nanalaytay ang dugo nito kila Angel at Jerry pero hindi niya na lang binibigyan ng iba pang kahulugan at mas nanaig pa rin sa kanyang isipan ang pagiging mabuting anak.
Two year course nga lang ang kanyang kinuhang kurso dahil iyon lang din ang kaya ng ina at tiyuhin niya.Kahit gusto niya pa sana ang kursong medisina pero imposible naman iyong mangyari dahil kahit nga sa kinuha niyang secretarial course ay hirap na maigapang siya ng mga magulang sa kanyang pag-aaral.
Pagkatapos ng unang taon niya sa kinuhang kurso ay pinaghihinto na siya ng pag-aaral ng tiyuhin niya dahil hindi na daw kaya nitong tustusan ang kanyang matrikula at pasahe sa araw-araw ngunit pinaglaban niyang tatapusin niya ang pag-aaral at hahanap ng trabaho habang nag-aaral.
Nagworking student siya. Mabuti na lang mabait ang isa niyang professor at ginawa siya nitong student assistant sa learning center nila sa college at naging libre na nga ang kanyang matrikula.Ang pasahe naman sa araw-araw ay kinukuha niya sa kanyang kita sa pagbebenta ng kakanin at paglalabada.Lahat ay ginawa niya upang makapagtapos ng pag-aaral ng hindi na inaasa sa kanyang ina at tiyuhin ang mga gastusin.
Sa awa ng Diyos, sa susunod na linggo na nga ang kanyang inaasam asam na pagtatapos.Plano niyang mag-apply agad sa mga kumpanyang inirekomenda ng kanilang professor na ayon pa dito ay malaki ang bigay na pasahod.Excited na siyang kumita ng mas malaki laki upang makatulong sa pagpapaaral sa mga kapatid sa magandang paaralan.
Si Jerry ay grade 9 samantalang si Angel ay nasa grade 7 na.Gusto niya sana mailipat ang mga kapatid sa pribadong paaralan dahil isa sa simple niyang pangrapg ay mabigyan ang mga kapatid ng kalidad na edukasyon.
Mas tutok kasi sa paghubog ng talino ng isang mag-aaral sa private school samantalang sa publiko ay ang daming estudyante sa loob ng isang klase tuloy siksikan ang mga mag-aaral at hindi na masyadong nabibigyan ang bawat isa ng ibayong atensyon sa paglinang ng karunungan.
"Ate, tapos na kaming kumain ni kuya, mauuna na kami sa iyo, wala ka bang pasok ngayon ate?" sabi pa ni Angel.
"Ate, iyon baon namin, sinong magbibigay?" sabat naman ni Jerry.
"Heto baon mo Angel, heto naman sa iyo, Jerry!" abot niya ng tigsingkwenta pesos sa dalawa niyang kapatid.
"The best ka talaga ate! Thank you ate Margo!" bungat naman ni Angel na umakap at halik pa sa kanya.
"Naku, gel, ang baho ko na kaya,huwag mong idikit ang uniporme mo sa akin, mangangamoy asim ka rin tulad ko," agad niyang saway sa kapatid.
"Hindi bale ate mangamoy asim ako basta maparamdam ko sa iyo na masayang masaya akong naging ate ka namin, salamat talaga ha!" turan pa ni Angel na nagpasikdo sa kanyang damdamin.
"Naku, gel, pinaiyak muna na naman si ate niyan!Pero ate Margo baka gusto lang magpadqgdag ng baon niyan si Angel kaya't nagpapalakas sa iyon!" hirit naman ni Jerry.
"Hindi ah! Baka ikaw diyan!" tanggi naman ni Angel.
"O siya tigil na at baka mahuli pa kayo sa klase ninyo, hayaan n'yo na akong magligpit ng mga ito, wala naman akong klase na at mamaya pa ang punta ko sa school para sa clearance signing," sabi niya sa dalawa.
"Bye ate!" sabay na paalam ng dalawa niyang mga kapatid.
Naiwan siyang mag-isa sa loob ng munti nilang tahanan na yari sa kahoy ngunit marami ng sira-sira.Ang yerong atip nila nq kapag malakas na malakas ang ulan ay tumatagas na ang tulo ng tubig dahil sa mga butas nito, ang dingding nila na yari sa plywood ay may mga butas na rin.
Tatlo ang mga silid ng bahay.Isa sa mga magulang at dalawa naman sila sa silid ni Angel at ang maliit na silid ay kay Jerry.Inuna niya ng linisin ang hapag kainan at sinunod ang paghuhugas ng plato.Kahit na may sira-sira na ang kanilang bahay ay pinapanatili niya naman itong laging maayos at malinis.
Katatapos niya lang linisin ang kusina ng makarinig siya ng mga ingay na nagmumula sa sala. Sa tingin niya ay dumating na ang mga gulang.Tiyak niyang gutom na ang mga ito.Tutunguhin niya na sana ang mga ito sa sala upang imbitahang kumain ng agahan ng marinig niya ang mga ito na nagtatalo.
"Ang tanga tanga mo kasi Salve pera na naging bato pa!" matinis na boses ng tiyuhin niya.
"Eh, anong tanga, paano kasi nagbabasakali lang naman ako para manalo, malay ko bang mas malaki ang baraha ng kalaban, lintik lang talaga, buwesit!" mura naman ng ina niya.
"Hindi ka kasi nag-iisip, nawala lang ako para magbanyo, ano ano na ang pinaggagawa mo, ayan tuloy talo na naman tayo!" turan pa ng tiyuhin niya.
"Eh, malay ko ba matagal kang dumating eh kahit ikaw pa ang humawak ng baraha kung malas talaga, eh malas talaga,buwesit!" rinig niyang singhal ng ina niya sa tiyuhin niya.
"Pambihirang buhay to, paano na tayo ngayon? lubog na tayo sa utang, galit na galit na si boss kapag hindi ako makapagbayad ng utang ipapakulong niya ako Salve, mag-isip ka naman ng paraan paano natin ito malulusutan," wika pa ng tiyuhin niya.
"Eh, kung hindi ka nalulong ng sugal sana ay wala tayong problema ngayon, tinulungan na nga kita, naubos na nga pati ipon ko para sa graduation ni Margo, sagad na sagad na rin ako Manuel," pahayag pa ng ina niya.
"Isa lang ang naiisip ko Salve upang masolusyunan ang lahat ng problema natin Salve!" turan pa ng tiyuhin niya.
"Ano na naman ang naiisip mo Manuel? utang na loob sana ay makaisip ka ng wastong solusyon!" sabat naman ng ina niya.
"Ipambabayad utang natin ang anak mo Salve sa boss ko, panahon na rin upang gantihan niya ang mga sakripisyo ko sa kanya mula noon hanggang ngayon!" sabi pa ng tiyuhin na ikinapantig ng taenga niya dahil tiyak niya na siya ang tinutukoy nito.
Dali-dali siyang lumabas sa kusina at hinarap ang ina at tiyuhin niya.Kailangan niyang makialam sa usapan ng mga ito dahil siya ang tinutukoy nitong solusyon na pambayad utang sa boss nito.
"Tiyo Manuel mawalang galang na po, tama po ba ang narinig kong ipambabayad ninyo ako ng pagkakautang ninyo? Ano ang palagay ninyo sa akin kasangkapan na ilalako ninyo na lang ng basta-basta upang masolusyunan iyang problema ninyo sa pera na kayo naman ang may dahilan kung bakit nabaon kayo sa utang," akusa niya sa ama-amahan.
"Mabuti na rin at narinig muna Margo ng sa gayon hindi na kami mahihirapan pa ng ina mong ipaalam sa iyo, hindi ba Salve?" baling nito sa ina niya.
"Totoo ba inay? Pumapayag kayo na gawin akong pambayad utang ni Tiyo Manuel?" naiiyak niyang pagkukumpirma sa ina.
"Ah..ehhhh.. Margo, makukulong ang tiyong Manuel mo kung hindi tayo makapagbayad sa boss niya, paano na ang mga kapatid mo anak? sinong magtataguyod sa pag-aaral nila at sa pamilya natin," pahayag pa ng ina niya na tila sumasang-ayon din sa hangal na desisyon ng amain niya palibhasa'y sunod-sunuran ito palagi sa asawa nito.
"Nay, tiyo, marami pong paraan upang makapagbayad tayo ng utang sa boss ninyo, isa pa gagradweyt na ako sa susunod na linggo, makakahanap na ako ng trabaho at makakabayad na tayo ng utang, hindi naman siguro kalakihan ang utang ninyo tiyong," positibo niyang sabi sa mga ito.
"Three hundred thousand ang utang ko sa boss ko Margo, kaya mo ba iyon bayaran ngayon din dahil sa susunod na araw na ang binigay na palugit ng boss ko, kung hindi ko kayang bayaran ang halagang iyon ay sa kulungan ang bagsak ko," siwalat pa ng tiyo Manuel niya na ikinagulat niya.
"Saan mo naman ako papahagilapin ng ganyan kalaking halaga tiyo? Diyos ko, saan ninyo nawaldas ang perang iyan at paanong nakahiram kayo ng ganyan kalaking halaga sa boss ninyo?" usisa niya.
"Inutusan kasi ako ni boss na ideposito ang pera sa bangko dahil absent ang sekretarya niya pero hindi ko iyon naggawa dahil nasilaw ako sa pera at dahil na rin sa suhestiyon ni pareng Fred na ipusta ang pera sa sugal baka kasing domoble ang halaga at magkakapera tayo, ayon sunod sunod ang talo ko at hindi ko na nabawi ang three hundred thousand," malungkot na paliwanag ng tiyuhin niya sa kanya.
"Pati nga ang konti kong natabi para sa graduation mo anak ay naipusta ko rin sa sugal dahil gusto ko rin manalo para makatulong man lang sa tiyo Manuel mo anak pero bigo pa rin kami," pag-amin ng ina niya.
"Bakit ngayon n'yo lang sinabi sa akin ang lahat ng ito, sana sa umpisa pa lang upang masugpo ko iyang pagkalulong n'yo sa sugal, kahit kailan walang maidudulot na maganda sa ating buhay iyang bisyo n'yong ganyan!" ganting bulyaw niya sa mga ito dahil sa pagkabigla at pagkainis sa sitwasyon kinasasangkutan ng pamilya niya ngayon.
"Kahit pa magalit ka sa amin Margo, wala ng silbi kahit sisihin mo pa kami ang mabuti mong gawin ay tulungan mo ang tiyuhin mong malagpasan ang unos na ito, parang awa muna anak pagbigyan muna ang tiyo Manuel mo na ikaw ang gagawin naming pambayad utang," pakiusap pa ng inay Salve niya.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Inay, hindi ka ba naaawa sa akin at paano naman kayong nasisiguro na papayag ang boss mo tiyo na ako ang magiging pambayad utang ninyo sa kanya," angal niya pa na gusto niya na lang mawala na parang bula sa mga ito upang matakasan ang ginagawang pambubugaw ng mga ito sa kanya.
"Tiyak kong magugustuhan ka ng boss ko Margo dahil mahilig iyon sa mga chicks na tulad mo," malisyosong tugon pa sa kanya ng tiyo Manuel niya.
"Nahihibang ka na talaga tiyong, inay, huwag naman kayong pumayag, maawa naman kayo sa akin, magtatapos na ako ng pag-aaral, hindi ko inaasahan na dahil din sa inyo mayuyurakan ang aking pagkatao na kayo pa sana ang taong magtatanggol at magproprotekta sa akin laban sa kapamahakan," hindi niya na talaga napigilan umiyak at ipakita ang kanyang pagkadismaya sa desisyon ng mga ito.
"Anak, patawarin mo kami ng tiyo Manuel mo pero iyon lang ang naiisip naming paraan upang hindi tuluyang makulong ang tiyo mo, sana pumayag kana anak," umiiyak na rin sabi ng inay Salve niya.
"Pag-iisipan ko nay dahil mahirap ito para sa akin sana naiintindihan n'yo rin ako.
"Bibigyan ka namin ng panahon upang makapagdesisyon Margo, kailangan sa susunod na araw ay sana buo na ang desisyon mo dahil iyon ang araw na ang bigay na palugit sa akin ni boss, hindi nagbibiro si boss sa banta niya Margo sa katunayan ay naisampa niya na ang kaso sa akin sa pulisya pero napigilan ko at nakahingi pa ako ng huling palugit, sana pag-isipan mong mabuti ana," mahabang sabi ng tiyo Manuel niya na hindi niya tinapos pakinggan dahil dali-dali na siyang tumakbo sa kanyang silid upang doon ibuhos lahat ng hinanakit at desperasyon sa kinasasadlakang sitwasyon.