Chapter 12

923 Words
Bigla na lang siyang sumulpot sa likuran ko. Kanina pa kaya niya ako pinagmasdan dito sa hardin? Nakapamulsa siyang naglakad papalapit sa akin. Hinawi niya ang aking buhok at marahan itong isinuksok sa likod ng tenga ko. “Aalis ka na ba sa mansyon?” seryosong tanong niya, ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Malalim akong napabuntong-hininga bago sumagot. “Kapag natapos na ang kontrata ko sa’yo, saka ako aalis sa mansyon,” diretso kong tugon. “No, please stay with me! You're not allowed to leave me,” baritonong wika niya. Napakaselfish niya. Ayokong maging kabit. Kaya’t kailangan kong mag-let go at ipaubaya siya sa babaeng tunay niyang minahal—ang TOTGA niya na posibleng magbalik sa buhay niya. Ayokong maging hadlang sa pagmamahalan nila at maging kontrabida. Sa ayaw at sa gusto niya, pagkatapos ng kontrata ay aalis ako sa mansyon. Napagdesisyunan kong magpakalayo-layo na lamang. Ako rin ang mahihirapan at masasaktan sa huli kung susundin ko ang kagustuhan niyang manatili ako sa tabi niya. Ayokong agawan ng karapatan si Beatrice sa buhay niya, lalo na’t may anak sila. Hindi ako ganoong klaseng tao. “Hindi mo ako iiwan, you stay with me!” pag-uulit niya pa sabay na inangkin ang aking labi. --- He kissed me passionately, at hinayaan ko lamang siya. Ibinuka ko ang aking bibig. “A-Alice, ugh! I can't bear to lose you!” Pagsapit ng tanghali, inabala ko ang sarili sa pagrerecycle ng mga plastic bottle—ang minsang nakapagligtas sa buhay ng tatay ko nang saksakin siya ng isang estranghero noon sa siyudad. Napaangat ako ng tingin nang may kumatok. Paniguradong si Tandang Sergio iyon. Bumukas ang pinto, hindi ko kasi na-lock. Pumasok siya, may dala-dalang tray ng pagkain. Kaniya itong inilapag. Umiwas ako ng tingin at ipinagpatuloy ang pagdidisenyo sa nagawa ko. “What are you doing? Ang ganda niyan ah?” umupo siya sa tabi ko, nakatitig sa nirecycle kong bote. “Recycling?” patanong kong sagot, kaya’t napakamot siya ng batok. Ano ba kasi ang iniisip niya at ganoon siya mag-react? “Marunong ka pala niyan?” Tumango lamang ako. Ngayon lang niya kasi ako nakitang nagrerecycle. Ito lang ang paraan ko upang aliwin ang sarili. At saka pwede ko itong i-display sa mansyon, lalo na sa hardin. “I really like it! Pwede ding idisenyo, right?” Tumango-tango lamang ako sa bawat tanong niya. “May problema ba tayo?” muling tanong niya. Mas pinili kong mapag-isa at tumahimik sa loob ng aking kwarto. “Kasi may nagbago sa’yo,” dagdag pa niya. Nasanay kasi siya na palagi akong masigla at makulit, laging inaasar siya sa pagtawag ng Tandang Sergio. Saglit akong huminto at nag-angat ng tingin. “May tayo ba?” kunot-noo kong tanong. Napabuntong-hininga siya bago sumagot. “Wala ba? We're living together at we're doing s*x everyday.” Mas lalong kumunot ang noo ko. Siyempre, parausan niya lang ako. At sa kontratang pinirmahan ko, malinaw ang nakasaad roon. Parausan lamang niya ako at wala nang iba pa. Nag-expect ba siya na mag-nobya’t nobyo kami? Nakalimutan niya siguro ang sinabi niya noon sa akin. Malinaw iyon sa akin hanggang ngayon. “Kung may nagawa man akong mali o nasabing hindi maganda, I'm so sorry. Please, assure me na hindi mo ako iiwan at hindi ka aalis sa mansyong ito.” “Napakaselfish mo, tanda! May plano ka bang gawin akong third party sa buhay niyo ni Beatrice? Hinding-hindi ako magiging kabit, Tanda!” Napalunok siya sa aking sinabi, tila hindi niya ito inasahan. Naguguluhan siyang nakatingin. “What do you mean?” “Alam kong may impormasyon ka na kay Beatrice—ang TOTGA mo. At anumang oras ay babalik siya sa buhay mo.” Bahagya siyang napahilamos ng mukha at tumango-tango. “Kaya ba nag-iba ang pakikitungo mo sa akin? Naging malamig ka dahil nalaman mo ang tungkol sa pagpapahanap ko kay Beatrice?” Hindi ako sumagot. Biglang gumuhit ang ngiti sa labi niya. “Nagseselos ka ba?” “Bakit ako magseselos? May karapatan ba akong magselos? Wala, diba?” pagtataray ko. Nakakabwisit talaga ang asungot na matanda na ito. Umiling-iling pa siya. “Nagseselos ka eh, ramdam ko.” Pang-aasar niya pa sabay sundot sa tagiliran ko. Walangya talaga si Tandang Sergio! Napagtripan na naman niya ako. “Wala ako sa mood makipagharutan sa’yo, tanda. Tumigil ka, baka mahampas kita nitong hawak kong bote!” Namula na ang mukha ko sa inis. “Okay lang, basta manatili ka lang sa tabi ko anumang mangyari.” “About the contract, i-extend ko iyon ng habambuhay. I just want you to stay with me until my last breath,” dagdag pa niya. Talagang napakaselfish niya. Paano naman ang anak niya? Gusto niya akong gawing kabit. “You eat your lunch na, baby. Ayokong magkasakit ka,” aniya sabay dampot ng kutsara. Sinubuan niya ako ngunit nanatili akong nakatikom ang bibig. Ayokong kumain, busog pa ako. “I cooked it for you. Hindi ba’t paborito mo itong pritong galunggong?” “Sinong may sabi?” malamig kong tugon. “I’ve heard it from Manang. Kaya nagpabili ako sa kaniya ng galunggong sa palengke para sa’yo. I am willing to give you everything you want, basta manatili ka lang sa tabi ko.” “Ibalik mo, ayokong kumain. Busog pa ako.” Lumungkot ang mga mata niya. “Kuntento na ako sa anumang mayroon ako, Tandang Sergio. Hindi ko kailangan ng mga materyal na bagay.” Kuntento na ako sa anak ko—ang buhay na nasa sinapupunan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD