Chapter 15

838 Words
Ilang araw kaming nanatili sa resort na pagmamay-ari niya. Isang umaga, nagising ako at wala na siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung nasaan si Tandang Sergio. Nasa penthouse ako, nakatayo sa terrace habang nakatanaw sa maalon na dagat. Dumagsa ang mga turista, lahat ay mga bagong mukha. Luminga-linga ako ngunit hindi ko siya makita. Biglang nagkagulo ang mga staff. “Miss Alice, may bumaril kay Sir Sergio!” hingal na hingal na sigaw ng isa sa kanila, sumulpot sa harap ng penthouse. Nanginginig ang tuhod niya, at agad kong napansin ang kamay na may bahid ng dugo. Nanlumo ako sa narinig, hindi makapaniwala. “Ano?! Nasaan siya?” gulat kong tanong, nanginginig ang aking mga tuhod. “H-hindi ko po alam, Miss Alice… bigla na lang ho siyang bumulagta!” Dali-dali akong bumaba. “Dalhin mo ako sa kinaroroonan niya!” utos ko, at agad niya akong inakay. Habang naglalakad, ramdam ko ang matinding takot. Hindi siya puwedeng mawala sa amin ng anak niya. “Tangina! Kilala niyo ba ang bumaril sa kaniya?” garalgal ang boses ko. “Masyado pong mabilis ang pangyayari, Ma’am Alice. Hinabol na ng mga bodyguards ni Sir Sergio ang salarin.” Naikuyom ko ang kamao. Hanggang sa natanaw ko siya—nakahiga sa buhangin, duguan. Kumaripas ako ng takbo. “Tumawag kayo ng ambulansya, bilis!” Nasa bisig ko si Tanda, lumuluwa ng dugo. Paulit-ulit akong napamura sa isip. “Hoy Tanda, kumapit ka lang! Huwag kang pipikit, parang awa mo na!” Bumuhos ang luha sa aking mga mata. Bigla siyang ngumiti, hinawakan ang magkabila kong pisngi. “Takot ka ba na mamatay ako, Alice?” Mas lalo akong napahagulhol. “Ano ba?! Iyong ambulansya!” sigaw ko. “Wag… kang magsalita ng ganyan, Tanda! Hindi ka pa mamamatay! Masamang damo ka, ‘di ba?” “A-Alice… ang lahat ng kayamanan ko, iiwan ko sa’yo. Huwag mong pababayaan, lalo na ang kumpanya.” “Wag ka nga pumikit!” halos pakiusap ko, habang dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata. Ang tagal dumating ng ambulansya. Kailangan siyang madala agad sa ospital. “Bago ako mawala, Alice… minahal mo ba ako kahit kaunti?” Tumango ako, luha ang sagot. “Ibig sabihin… papayag ka na bang maikasal sa akin?” dagdag niya. Ano ba itong pinagsasabi niya? Nasa bingit na nga ng kamatayan, kasal pa ang nasa isip! Tangina kang matanda ka! “Kung pipikit ka, hinding-hindi kita pakakasalan!” Malapad siyang ngumisi, pilit nilalabanan ang paghina ng katawan. “Tangina, wag kang pipikit, Tanda!” May natanaw akong kotse na kakarating lamang. Dali-dali akong tumayo at sinalubong iyon. “Pakiusap, tulungan niyo po ako! Kailangan pong madala sa ospital ang lalaking mahal ko!” Bumukas ang bintana. Napakunot ang noo ko nang bumungad ang isa sa mga tauhan ni Tanda. Agad itong lumabas ng kotse. Pagbalik ko sa kinaroroonan ni Sergio, wala na siya roon. Biglang nagsitilian ang mga turista, kasabay ng hiyawan ng mga staff. “Nasaan si Sir Sergio niyo?!” sigaw ko, halos mabaliw sa kaba. Sabay silang ngumuso sa isang direksyon. Dahan-dahan akong lumingon. Mula sa kung saan, nagsulputan ang mga bodyguards ni Tanda. Naguguluhan akong nakatingin, panay ang punas ng luha sa aking mga mata. Maya-maya, nakita ko siya. Nakatuxedo, may dalang bulaklak, at wala ni isang bahid ng dugo. Napaatras ang luha ko, napakuyom ang kamao sa galit. Pinagtritripan nila ako. Pinagtritripan ako ni Tandang Sergio. May dumaan pang chopper sa ibabaw, at sabay siyang sumigaw: “Will you marry me, Alice?” Lumakas ang hiyawan ng mga tao. Paglingon ko, nakaluhod na siya, may hawak na diamond ring. “Ano’ng ibig sabihin nito, ha Tanda?! Pinaglalaruan mo ba ako? Sa tingin mo ba nakakatuwa ang ginawa mo?” halos umusok ang ilong ko sa galit. “Will you marry me, Alice?” ulit niya. Lumipad ang kamao ko sa mukha niya, ikinagulantang ng lahat. “Pinagmukha mo akong tanga, Tanda! Niloko mo ako! Akala ko mamamatay ka na! Akala ko mawawala ka! Pero pinaglalaruan mo lang ako! Napakasama mo!” Pinagsusuntok ko ang dibdib niya. “I’m really sorry, Alice! I just wanted to propose… gusto ko lang na unique ang proposal ko sa’yo.” Tangina! Halos mahimatay na ako sa kakaiyak, sa takot na mawala siya, na mawalan ng ama ang anak ko. “Sa tingin mo ba nakakatuwa ha?! At kayo?! sinakyan niyo ang kalokohan ng amo niyo!” yumuko ang mga staff at bodyguards, walang ni isa ang nagsalita. Pinaniwala nila akong nabaril siya, halos mabaliw ako sa pagmamakaawa na huwag siyang pumikit. Kinontiyaba niya pa ang lahat para lokohin ako, para gawing tanga sa harap ng lahat. “When I met you, I fell in love with you. So please, marry me!” bulong niya. “Marry mo mukha mo, Tanda!” galit kong sigaw, sabay walk-out. Kumaripas ako ng takbo palayo sa resort. “A-Alice!” tawag niya, pero hindi ko siya nilingon. Patuloy lang ako sa pagtakbo. Hanggang sa napaupo ako, yakap-yakap ang tuhod, at napahagulhol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD