CHAPTER 23

1257 Words

Hindi lumabas ng kwarto niya si Celestine. Tanghali na, at gutom na siya pero mas pinili niyang tiisin ang gutom kaysa makaharap ulit ang binata. Hanggang ngayon kasi nakakaramdam pa rin siya ng inis dito. Hindi niya maintindihan kung ano ba ang gusto nito at palagi na lang nauudlot ang bagay na dapat ay matagal nang naganap sa kanila. O, baka naman ayaw lang talaga ng binata na magkaroon ito ng responsibilidad sa ka'nya. O, kaya naman ay may nobya na talaga ito na hindi niya nalalaman. Nasa ga'nong pag-iisip siya nang makarinig siya ng katok at boses mula sa labas. Si Aling Denang iyon at pinalalabas siya upang kumain na. Ibinalita rin nito sa ka'nya na umalis na ang binata. Pinilit niya ang sarili niyang tumayo dahil nahiya siya sa matanda. Tamad na naglakad siya patungong pintuan at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD