Hindi na namalayan ni Celestine, ang bilis ng mga pangyayari. Kung paanong nakarating siya, kasama si Tonyo, sa rancho ng mga Olsen. Nakatulog kasi siya sa hindi malamang dahilan. Ang pananabik niya ay napalitan ng kakaibang kaba ng magmulat siya ng mata at makitang nasa hindi siya pamilyar na lugar. Mas lalo pang nadagdagan iyon nag maramdaman niyang hindi siya makagalaw sa kinauupuan. Nanlumo siya at kinain na ng takot ang buong sistema niya nang makita kung bakit hindi niya maigalaw ang kamay at paa niya. Nakatali iyon sa mismong inuupuan niya. Anong...? Bakit...? Tanong niya pero walang lumabas na tinig. Putragis! Naka-tape ang bibig niya. Naluluha na siya sa takot, pero pinilit niyang labanan ang takot na iyon. Hindi siya pwedeng maging mahina ngayon. "Tanga ka ba ha? Sa dami ng

