“Anu? Aba’y hindi ka lang pala mayabang, may sapak ka rin pala sa utak!” Sa sobrang inis nya’y parang gusto n’yang ibuhos dito ang kapeng nakapatong sa lamesa nito. Halos umakyat ang lahat ng dugo n’ya sa ulo dahil sa gusto nitong mangyari. S’ya? Si Celestine Castro, isang dalagat mayuming pilipina. Gusto nitong gawing comport woman. Kung anong malalim nitong kahulugan ay wala s’yang pakialam basta para sa kanya ay masama iyong pakinggan. Parang mga babaeng bayaran lang nung pahanong ng hapon. Ganun? Aba’y pakunswelo di bobo na nga lang din ata ‘yung sinabi nitong ang kapalit ng pagtulong nito sa kanya ay ang maging personal alalay, maid muchacha s’ya nito. Kasama at kabilang na ang pagsilbihan ito sa lahat ng aspetong nais nito. “I’m not forcing you, Ms. Castro… but you have to give my

