Tatlong sasakyan ang tanaw ni Celestine mula sa bintana ng kinalalagyan n’ya. Pumarada iyon sa malawak na garahe sa harap ng masyon. Kakatapos lang niyang tulungan si Aling Denang sa pagluluto sa kusina. Medyo nadumihan ang suot n’ya kaya’t sinabihan s’ya nitong magpalit na bago pa makita ng kanilang amo na napakadumi niya. At hayun nga siya at katatapos lang maligo at magpalit ng damit. Pinili n’yang isuot ay iyong bestida n’yang puti na mukha pa rin namang presentable kahit may kalumaan na. Regalo iyon ng kanyang lola sa kanya noong ikalabing-pitong kaarawan niya, kaya medyo umurong na ata ang tela nito na ngayon ay hanggang itaas na lamang ng kanyang tuhod. Pagkatapos ay sinuklay n’ya ang mahabang buhok na medyo basa pa. Pagkatapos ay patakbong bumalik sa kusina upang tulungan ulit si

