Alas-kwatro ng madaling araw eksakto, nang marinig niya ang pagbukas ng gate sa labas. Nagmadali siyang bumaba para salubungin ito matapos niyang tanawin iyon mula sa bintana ng kwarto niya. Nang makababa ay agad niyang binuksan ang main door. Hinintay niyang bumukas ang sasakyan nito at nang bumukas iyon at iba ang umibis mula roon at napatakbo siya palapit. "Nasaan si Rondelle?" nag-aalalang tanong niya nang makalapit kay Malco. Ito kasi ang lumabas mula sa driver seat ng kotse ng binata. "Anong nangyari?" "Hey beautiful, relax, nothing to worry about," ani nito sa kanya pag-ikot nito patungo sa pinto ng backseat at binuksan iyon. "Tadah! There he is, safe and sound. Thanks to me!" "Anong nangyari sa kanya?" tanong niya rito, puno ng pag-aalala ang boses niya. "We drink, and thi

