Sasagot na sana siya sa sinabi nito nang marinig niyang magmura ito ng malutong. "f**k!" Pagkatapos ay nagmadali itong kinuha ang cellphone sa bulsa ng suot na pantalon. "What? It's better be good or else—" Kunot na kunot ang noo nito pagkatapos ay bigla itong nagbago ng expression. Mula sa pagkakakunot ng noo ay nagliwanag ang mukha nito. Hindi nakatakas sa paningin niya ang ngiting sumilay sa mga labi nito. "That's enough. Ok ok, I'll be there. Thanks bud, I owe you this one. Nah, whatever! Bye." "Sino 'yong kausap mo?" tanong niya nang lumapit ito sa kanya at umupo sa hospital bed niya. "Mukhang importante at aalis ka ulit?" hindi niya maitago ang iritasyong nararamdaman na malamang aalis ulit ito at iiwan siya. Tsked, ano bang nangyayari sa kanya at nagiging maarte na yata siya nga

