Trivor McCain Ang tagal namang makabalik ni Reena. Sana pala nagpumilit na lang akong sumama sa kanya at hindi siya hinayaang umalis na mag-isa. Paano kapag nakilala siya ni Agustin? Tapos kinidnap siya. Tinorture. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nagkataon. "Pwede bang maupo ka, Kams? Nahihilo na kami pareng Tim kakapanood sa'yo." Reklamo ni Travis na nakaupo sa sofa habang kandong-kandong ang anak kong lalaki. "Ang tagal naman kasing bumalik ni Reena. Baka may nangyari na sa kanyang masama." "Ang OA mo rin, e, no. Tatlong oras pa namang magmula nong umalis si Reena." aniya. "Marami na ang mangyayari sa loob ng tatlong oras." "Ewan ko sa'yo. Tara na pareng Tim mababawasan ang s*x appeal natin d'yan sa tatay mo." aniya. "'Wag ka ng mag-alala kay Reena. Nand'yan lang naman

