Tana Mula ng malaman namin na buntis ako ay hindi na ako pinayagan ni Hendrix na pumasok sa school nag homeschooling na lang ako na mas lalo kong ikinabagot. Napapadalas na rin ang pagsusuka ko at kung ano-anong pagkain ang hinahanap ko’, madalas din ay pabago-bago ang ugali ko lalo na kapag wala si Hendrix sa tabi ko. Kaya madalas ay sumasama ako sa kanyang trabaho dahil gusto ko na lagi kong nalalanghap ang amoy nito lalo na ang mukha niya na nagagalit tuwang-tuwa talaga ako. Minsan isinama niya ako sa kanyang opisina kung ano-anong kalokohan ang ginawa ko hanggang sa nagalit na siya sa akin. Nakikita ko ang sobrang pagtitimpi nito para lang huwag siyang mapikon sa akin pero ang mukha naman niya ay halos hindi na maipinta. Katulad na lang ngayong araw gusto kong sumama pero ayaw n

