Mabilis na naglakad si Sabrina sa hallway ng mansyon patungo sa kanyang kwarto, pinaghalong nerbiyos at takot ang lumalamon sa kanya. Gayunpaman, bigla siyang huminto sa kanyang paglalakad nang makita ang isa sa mga tauhan ni Hunter na naglalakad palapit sa kanya, binabati siya. "Good evening, Ms. Brina," bati nito sa kanya, dahilan para mapalunok ng kaba si Sabrina, hindi sigurado kung ano ang sasabihin sa lalaking nakatayo sa kanyang harapan. "Nandito ba si Hunter?" diretsong tanong niya, at umiling ang lalaki bago sumagot, "Si Boss? Wala siya dito; may mahalagang nilakad. “Good, that’s fine,” bulong niya sa sarili, “Oh, by the way, here’s the money for you,” sabi ni Sabrina sabay abot ng cash sa lalaki. "Para saan ito, Ms. Brina?" nagtatakang tanong ng lalaki. "Oh! I have a favor

