Pagkagising, agad siyang bumangon sa kama at nagsuot ng tsinelas na nasa tabi nito, ngunit huminto siya at pinagmasdan ang buong silid, naalala si Brina. "Sweetheart, I miss you," naisip niya habang inilipat ang tingin sa kama, iniisip ang mga oras na nasa tabi niya ito. "Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na bigla kang nawala sa isang iglap," aniya. Mabilis siyang tumayo, lumapit sa maliit na cabinet, at kinuha ang larawan nito, tinitigan ito at marahang hinaplos ang litratong nasa kamay niya. "Alam mo, napakatuso mo. Hindi mo ako binigyan ng pagkakataon na sabihin sa'yo ang totoo tungkol sa akin o malaman kung sino ako, Brina. Kung nasaan ka man, sana maintindihan mo ang ginagawa ko. Alam kong hindi magiging madali para sa iyo na tanggapin ako kapag nalaman mo ang katotohan

