Pagkatapos ko pumunta ng powered room ng gabing iyon , ay hindi na nawala sa isipan ko si Ezekel , ang akala ko na madali lang ang pag-sabi sa kanya na may anak kami ay hindi ko akalain na mahirap pala. Lalo na ngayon na nararamdaman kong may galit siya sa akin. Habang tinitingnan ko siya ng gabing iyon ay alam kong pinipigilan niya lang magsalita ng masama laban sa akin, kita ko sa kanyang mga mata ang matalim niyang titig, matapang na mata na parang pagagalitan niya ako . Hindi ko rin mapangalanan anng nararamdaman ko ng magkita kami. Agad akong bumalik sa mga kaibigan ko at nagpaalam na uuwi narin dahil hinihintay na ako ni Ezmael , wala silang alam sa nangyari sa akin at hindi ko pa nasabi kay Janna na nagkita kami ng gabing iyon ni Ezekel . Pagdating ko ng bahay ay nadatnan kong tulo

