Thank you guyz --- nakangiti kong sabi , alam kong pinapalakas lang nila ang loob ko . Mabuti nalang meron akong friends na supportive.
Pagkatapos ng diinner ay inihatid ako ni Leo sa bahay , at nag text rin ako kay Ezekel na kadating na ako sa bahay , hindi siya na reply siguro , busy parin sila . kaya piniling kong matulog nalang ...
Kinaumagahan ay nagpatulong ako kay ate maghanap ng pwede kong maisuot sa dinner kasama ang parents ni Ezekel ..
Ate , ano ang pwede kong suotin ? -- hindi mapakaling sabi ko , kanina pa ako nag hahanap pero para wala talaga akong gusto , mauubos kona ang mgs damit ko sa closet , pero wala parin akong mahanap . Lumapit si ate sa akin at hinawakan ang aking balikat at diretsong tumingin sa akin .
Annie, Relax .. -- nakangiting sabi nito . Nakikita ko ang sarili ko sayo noong first meeting rin ng mga magulang ni alex, kaya huwag kang mag alala just relax – paliwanag niya .
Kinakabahan ako ate , baka hindi nila ako magustuhan – malungkot na sabi ko ,
Tsk annie, don't over think okie ? wala pa ngang nangyayari , nagaganito kana .. – pag alalalang sabi niya
Okie ate .. -- isa isa niyang tintingnan ang mga damit ko , at ako naman ay nakaupo lang naghihintay sa recommended niyang damit.
How bout this black dress ? – nakangiting sabi niya , isang black dress hanggang tuhod ang laba , simple but elegant siyang damit . Hindi ko pa to na sususot binili ko iyon last year at ngayon ko rin siyang napansin dahil nakatambak siya sa pina kailalim ng closet ko .. Bakit kaya hindi ko siya kanina na pansin?
May I try --- kinuha ko iyon at sinukat ,
Its perfect it fitted to you , yan nalang ang isuot mo --- pagmamalaking sabi niya . Parang ngayon lang yata ako nakaramdaman ng unconfident sa sarili , alam ko naman na bagay nga ito sa akin pero ang nasa isip ko ay magugustuhan kaya ako nina tita at tito , ? okie lang ba sa kanila ang magiging damit ko .....
Talaga ate ?? – sigurado ko ..
Yep , and itim na takong ang bagay dyan .. --- dagdag niya pa .
Thank you ate – yumakap ako sa kanya .
You're always welcome Annie ---- malambing nitong sabi . Huwag kang masyadong mag isip okie ....? just enjoy the moment . –dagdag niya pa,.
Dumating ang araw na sabado , habang nag aayos ay hindi ko parin maiwasan kabahan . nakaharap ako sa salamin at tintingnan kong okie na ang kulay pink na shade sa mata ko , naglagay din ako ng pink lipstick , para light lang ... Bumuntong hininga ako . At inaalam kong may kulang pang recoleti sa akin... Pinag pa-practice ko rin kong paano ngumiti ng maayos ... Para akong baliw na nakatunghay sa salamin...
Okie annie , relax... just enjoy the moment Okie ? nothing bad happen.. – nakangiting sabi ko sa salamin . nag selfie mona ako pang pakuha ng stress at biglang may kumatok ...
Pasok – sigaw ko nagulat ako ng bumungkad si ezekel wearing a black long sleeve na pinagtiklop hanggang siko , he look so handsome , at sa black jeans niya na tamang tama rin sa kanya , he likes a braver man .
Hi baby – nakangiting sabi niya .
Hello – nakangiting sabi ko rin, pinipilit na hindi ipadama ang kaba sa dibdib ko .
Are you ready ? – lumapit siya sa akin.
Yep Im ready , lets go – sabat ko naman ..
Nagpaalam kami , at dumiretso na sa kanilang bahay , hindi pa kami nakakarating at nag huhumirado na ang puso ko sa kaba, parang may mga daga na naghahabulan sa dibdib ko ... Pinaglalaro kona ang aking mg daliri para ma ibsan ang kaba na nararamdaman .
Baby , relax – nagulat ako ng bigla siyang magsalita . at pinagsiklob ang aming kamay... tuminingin ako sa kanya .
Yehh -- pilit kong ngiti
I know your nervous but just relax Okie ? --- sabi nito.
Im sorry Ezekel , hindi ko maiwasan kabahan , you know ? first time .—nakangiting sbi ko .
Mabait sina Mommy at Daddy , Huwag kang mag aalala nandito ako // -- dagddg niya pa .ngumiti ako sa kanya , at kinalma ang aking sarili para hindi kabahan .. Pagdating namin ay agad na pinagbuksan ako ni ezekel ng pintuan , ngumiti ako at siya naman ay pilit na pinapalakas ang loob ko .
Relax, I love you – bulong niya .
Tsk , I love you too – baling ko ulit . Pagkapasok ng bahay ay pinaupo niya ako sa sala , at muling naalala ang nangyari sa aming ng nakaraan , napangiti ako at , bumalik ang huwesyo ko ng biglang marinig ang mga yapak ng takong ng tao, tumingin ako sa may hagdanan at nakita ang isang babaeng makinis ang kotis, maputi , mga 5’4 ang height , halatang maganda siya noong kapanahonan niya dahil ngayon na medyo may edad na ay lumalntad parin ang ganda niya suot ang isang puting dress , na meron kwentas na gold sa leeg , at mga alahas sa kamay ay halatang ito na nga ang kanyang mommy , masasabing mga early 50's ang kanyang edad , hindi maglalayo sa edad ni mama ,, bumaba siya na diretsong nakatitig sa akin, napatayo naman ako at ngumiti , pero wala akong natanggap na ngiti galing sa kanya , sinuyod niya ang aking suot , at medyo may katapangan ang mata, siguro sa kanya na mana ni ezekel ang tapang na pagka titig, sumunod na bumaba ay ang isang lalake na hindi rin maglalayo sa edad ni papa , gwapo , matangkad tulad rin ni Ezekel, matipuno rin , sigurado akong ditto rin na mana ni ezekel ang hubog ng kanyang katawan , ngumiti ako , at nagulat ako ng binigyan niya rin ako ng ngiti .
Good evening , Sir and Maam – nakangiting sabi ko .
Good evening iha – sagot ng kanyang daddy , lumapit ako sa kanya at nag beso , at si ezekel naman ay nasa tabi ko lang . Pagkatapos ay diretsong pumaroon sa dinning room ang kanyang mommy,
Let 's eat – ika ni ezekel, sumunod naman kami sa kanya .
Merong hamonado , beefsteak , vegetable salad, at cake na inihanda sa mesa, merong din mga pastries na alam kong galling pa ito sa US , dahil kakaiba ito sa pastries ng pinas. , .. Binigyan ako ni ezekel ng kanin, siya ang naglagay sa plato ko , tumingin naman sina tita , at tito sa amin ..
Thank you – sabi ko .
Ito beefsteak alam kong favorite mo to //. --- dagdag pa ni Ezekel.
Anong pinag aabalahan mo sa buhay ? – panimula ni Tita. napasulyap ako kanya at diretso siyang nakatitig sa akin . . at inaabang ang sagot ko .
Isa po akong nurse sa St. Lukes Hospital -- mahinahong sabi ko .
Huwag mo na kaminng tawagin na Maam At Sir , iha . parang ang formal naman yata, Tito at Tita nalang – pabirong sabi ng kanyang papa .. hindi ko maiwasan ngumiti ng marinig ang sabi ni tito . Ito yatang ugali na hindi na mana ni ezekel sa kanyang ama , ang mapagbirong asal .
Okie po tito --- sabat ko naman .
Saang department ka na assign ? -- tanong naman ni tita,
Una po sa OPD asst nurse po ako ni ezekel , tapos po ngayon in-assign naman ako sa Emergency Department – paliwanag ko , matapang parin ang tingin ni Tita , pero pinipilit kong ngumiti ng casual para hindi maramdaman ni ezekel ang tension .
Ooh , magkapareho pala kayo ng bunsong anak namin, nurse din siya – sagot naman ni tito ,
So you're the long time girlfriend of my son ? – baling ulit ni tita ,
Yes po – sagot ko naman .
Akala ko Doctor ang girlfriend mo Ezekel ? – naramdaman ko ang panghihinayang ni itita sa kanyang tono ng boses , agad na karamdaman ako ng hiya , naramdaman kong hinawakan ni ezekel ang aking kamay nasa ilalim ng mesa, nag iwwas ako ng tingin sa kay tita, at si tito naman ay parang kinakalma si tita.
Mom ! – baritong boses nito .
Elizabeth – sita ni tito .
I m sorry , I think Dra. Alejandro ang tinutokoy ko son . – baling niya sa anak , nag sisimula nang mainis si ezekel , kaya mas hinigpitan ko ang paghawak sa kanyang kamay para makalma siya ..
She’s my friend mom , at nag ta-trabaho rin siya sa St . Lukes Hospital -- paliwang ni ezekel ,.
Good for her , we can catch up ---- nakangiting sabi nito .
Hindi ko maiwasan malungkot ng marinig ang mga sinabi ni tita, nararamdaman kong hindi niya ako gusto , at ang gusto niya ay si Dra. Alejandro , masakit pero totoo.
Mom, my girlfriend is Annie Marie, not Alejandro – mariing sabi ni ezekel , parang ayoko kona humarap , pero dapat ay maiparamdam ko kay ezekel na okie lang ako ...
Ezekel stop. -- saway ko sa kanya, at bumaling kay tita na matalim na ang titig niya sa akin, nagpatuloy kami sa pag kain, at para na kamming gagamutin sa aming kinauupuan dahil naman ang tahimik namin lahat .
So kamusta ang mga magulang mo Annie ? – napa-angat ako ng tingin kay tito , at nakangiti siya .
Okie naman po sila , may small pastries store po kami at sila ang nag ma-manage -- nakangiti ko rin sabi , napasulyap si tita sa akin,,
Good –baling ni tita, May mga kapatid ka ba ? -- tanong ni tita
Yes po , tita ako po ang bunso sa amin, Si kuya po ay isang accountant sa isang bangko , at si ate naman po ay isang teacher.– tugon ko .
Wala ka bang planong mag proceed sa pagiging docktor ?- madilim parin ang mga titig ni tita pero pinilit kong hindi ipahalat na naapektuhan ako .. si ezekel naman ay panay ang buntong hininga niya , na parang ayaw na ayaw niya ang ginagawa ni tita.
As of now po wala pa , nag ga-gain pa po ako ng experience sa pagiging nurse po . – sagot ko . nakikinig lang si ezekel sa amin pag uusap. may ilang pa silang tinanong sa akin, at mabuti nalang ay nasasagot ko ito at laking papasalamat ko na natapos din ..Para akong criminal na pinag i-imbestiga ng mga katas-taasang hukom . Inihatid ako ni ezekel sa bahay.
Are you okey Baby? – pag-aalalang sabi nito. Kanina niya pa ako tinitingnan habang nag di-drive siya pero , abala ako sa pagtingin sa labas , dahil ayoko naman na pag usapan namin ang nangyari sa meeting w/ the famjily niya ,
Yes im okey – nakangiting sabi ko .
Sorry Baby kong strict si Mom– sensirong sabi nito .
No , ezekel its okey , natural lang sa mga magulang na sinusuri ang karelasyon ng kanilang anak – paliwanag ko .
Sorry Babe,– pag-aalalang sabi niya .
Ezekel its okey – I assured him na dapat wala siyang ipag-alala dahil okie lang ako ..
Pilit na ngumiti siya sa akin, at ako din , pagkatapos ay umuwi na rin siya . Nag-aabangs si ate sa kuwarto ko . Sina mama at papa naman ay maagang natulog si kuya naman ay busy dahil may mga paper works siyang gagawin , so si ate naman ay dumiretso na sa kwarto ng makita ako , nakangiti siya , at nag ababang na sa ibabalita ko tungkol sa magulang ni ezekel .
Kamusta Annie ?—excited niyang sabi .
Okie naman ate. --- nakangiti ko ring sabi
Pero nanoot ang kanyang noo nakantingin sa akin, parang hindi naniniwala sa sinabi ko
Anong nangyari annie, kilala kita ? – naninitang sabi nito . , hindi ako sumagot at nag isip akong mabuti kong sasabihin ko ba sa kanya , pero parang hindi ako tatantanan kong hindi ko sasabihin kaya siguro mas mabuti nalang na sabihin at makakuha pa ako ng advise.
Bumuntong hininga ako at umupo sa tabi niya ,
Ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari . Habang nag ku-kwento ay nagsisimula na magsalubong ang kanyang mga kilay habang kaharap ako .
Talaga Annie ? Ginawa niya iyun sayo ?--- naiinis niyang sabi
Yes ate. Mukhang stricto yung mommy niya , buti nalang si Tito mabait – sabat ko naman .
At talagang pinamukha niya sayo na mas gusto niya si Dra. Alejandro kaysa sayo —naiinis niyang sabi .
Hindi niya naman Ate sinabi na gusto niya si Dra. Alejandro para kay Ezekel, ang akala niya lang daw ang girlfriend ni ezekel ay si Dra . – lininaw ko kay ate , pero mukhang mas lalo siyang na inis sa sinabi ko
Hmmmmft. – marriing sabi niya .
Tsk ate , huwag kang mag alala, si baby baka mastress.. --nag aalalang sabi ko . Sana pala hindi kona lang sinabi sayo ei, baka mapano pa yan si babay dahil sa kin. – kinakabahang sabi ko
Okie lang ako Annie, at si baby, buti nga sinabi mo para nalaman namin ni baby – paliwanag niya .
Naiintindihan ko naman ate na may mga strict talagang parents, kaya huwag ka nag mag alala dahil yakang -0yaka ko to – nakangangiting sabi ko.
Okie .... basta tell me kong kailangan mo ng tulong huh --- nakangiti niyang sabi.
Yes po – yumakap ako sa kanya , at nagtawanan kaming dalawa , naalala ko noon ng mga bata pa kami, palagi kaming naglalaro nina Ate at Kuya .Naalala ko rin na minsan may nakaaway akong ka –klase ko , at pinaghahabul nila iyon at pinagalitan.
Papasok ako ng Emergency Room ng makita si Dra. Alejandro nakangiti habang may kausap tintingnan ko ng mabuti kong sino ang kanyang kausap at laking gulat ko ng makita sina Tita Elizabeth at Tito . Bigla naman akong kinabahan , patuloy silang nag-uusap at nagtatawanan parang enjoy na enjoy si Tita habang kausap si Dra . nagpatuloy rin ako sa paglalakad ng napasulyap ulit ako sa bahagi nila at namataan na nakatingin na sina Tita at Tito , at Dra sa akin . Ngumiti naman ako at bumati .
Good morning Dra . , - bumaling ako kay tito at tita , Good morning po – nakangiti kong sabi ,
Ngumiti rin si Dra .
Hi Annie Marrie – si tito .
Papasok na po ako -- paalam ko sa kanila . Alam kong napilitan lang si tita na ngumiti sa akin, pero si tito naman ay sadyang palangiti si Dra . Alejandro naman ay tinatansya ang reaksyon namin tatlo . Nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang ER na dala –dala ang kaba sa dibdib..
Good morning ..—bati ko sa mga kasama ko , kinakalama ang sarili .. pero nagulat ako ng napansin na maraming na palang pasyente ,
HI Annie good morning – bati ni john. At agad na bumalik sa pasyente
Pumaroon ako kay Lea at hindi na siya nag kakaungagada sa ginagawa niya.
Anong nangyayari ?- isang batang lalaki na ang edad siguro ay pitong taong gulang , meron siyang mga sugat sa paa, at umiiyak siya sa sakit .
Aksidente , nabangga siya ng kotse ..-- paliwnag niya , kumuha siya ng thermometer at inilagay sa kilili ng bata , Ikaw na mona ang bahala sa kanya pupuntahan ko lang si Lola – paalam niya .
Okie – sabat ko naman , kumuha ako ng cotton at alcohol para linisin ang kanyang sugat .
Hi , anong pangalan mo ? – nakangiti kong sabi .. panay ang iyak ng bata , nakakaawa siyang tingnan .. patuloy ang pag agos ng luha sa kanyang mata .
Prince po – umiiyak na sabi niya .
Saan ba ang masakit ? --- nagaalang sabi ko.
Ang mga sugat ko po masakit --- tinuro niya ang bahagi ng kayagng paa na masakit , malaking sugat sa may tuhod , at may maliliit na na sugat sa kanang bahagi ng paa niya .
SShhhhhSS, huwag ka nang umiyak gagamutin natin to huh – paliwanag ko , tinahan ko siya , at kinuha ang thermometer sa kanyang kilili .. tinginan ko iyon at wala naman siyang lagnat ...
Naglagay ako ng alcohol sa cotton at sinumulang linisin ang kanyang sugat ..
Masakit po Maam Nurse , -- naiiyak niyang sabi , hinipan ko iyon habang linalagyan ng alcohol .
Okie, dahan –dahanin nalang natin huh ... isipin mo nalang na kunyari nag lalaro ka ng habul-habulan kasama ang mga kaibigan mo , o kayay kumakainn kayo ng ice cream , chocolates, mag –isip ka ng mga masasaayang nangyayari sa buhay mo para ma ibsan ang sakit na nararamdaman mo okey Prince– nakitang kong napaisip si prince, at dinadahan ko uit linisin ang kanyang sugat , tumahan siya sa pag –iyak pero nandoon parin ang sakit sa kanyang mukha ..
Good prince lagyan na natin to ng gamot huh – sabi ko
Okie po Maam nurse. – napipilitan niyang ngiti ... Ahh Maam Nurse naalala ko po na naglalaro kami ng mga kaibigan ko sa dagat po --- napasulyap ako sa kanya at ngumiti dahil sinunod niya ang sinabi ko ,..
Wow, sino ang taya sa inyo ? – nakangiti kong tanong.
Ako po yong taya pero dahil mabilis po ako tumakbo , nahabul ko po si Nonoy ... --- sabat niya ..
Pagkalaan ng ilang minuto ay may dumatting ..
Prince , diba sabi ko sayo huwag kang maglaro sa kalsada , iyan tuloy . – nagaalang sabi ng isang babae , mga early 30's ang edad, at kong hindi ako magkakamali siya ang mama ng bata . Hindi sumagot si prince sa halip ay tumahimik lang siya at makikita sa kanyang mukha ang pagsisi sa nagawa .
Bumaling siya sa akin. Hi Maam ako po si Linda , ang mother ni prince , kamusta po ang lagay niya ?- nag aaalang sabi nito .
Maam , hintayin po natin si doc . at siya po ang magpapaliwanag sa inyo. Tatawagin kolang siya po – umupo ang mama niya sa upuan malapit kay prince, at nag-aalaang pa rin siyang nakantinngin dito .
Pumaoroon ako sa room ni Doc. Kim , siya parin ang IN House Physician namin , pinaliwnaag ko ang nangyari at sabay kaming pumunta sa pasyente .
Hi Maam , Im doc. Kim po – bati nito kay mam linda
Hello doc, kamusta po ang anak ko ? - nagaalang sbi nito ,
Chineck ni doc ang kanyang mga sugat , pati ang ang braso at paa , Kailangan po natin ma pa X-Ray ang kanyang paa para malaman natin kong may nabali bang buto , at para din malaman natin kong anong dahilan ng pamamaga ng kanyang paa – paliwanag ni doc. Kim
Okie po doc, gawin niyo po ang lahat – naiiyak na Sabi nito , napatingin ako sa bata na ngayon ay umiiyak na din dahil nakita niya ang kanyang mama na umiiyak .
Mama, huwak na po kayong umiyak , gagaling po ako – naiiyak at nangingiting sabi ng bata , nagkatingin kaming dalawa ni doc. At napangiti dahil sa bata . sa murang edad maruno na siyang magplakas ng loob ng kanyang ina ...
Okie Maam , prepare nalang po kayo Maam at maya-maya dadalhin na si prince sa Radiology para ma x-ray siya ..
Thank you doc, at Mam nurse .. – sagot ni Mam Linda ..
Pagkatapos ay pumarroon kami sa Doctor's room –
Grabe doc noh, ang bait ng bata , -- nakangiting sabi ko
Yep , pitong taong gulang palang siya , pero he's brave enough to face the problem in his life – pangsang ayon ni doc.
Sasagot pa sa na ako ng bglang ng ring ang phone ko .
Excuse doc. – paalama ko ..
Si ezekel ang tumatawag . sinagot ko iyon at .
Hello – nakangiting sabi ko
Hi baby , busy ka ba ?— agad nito tanong.
Medyo , bakit napatawag ka ?0—takang tanong ko , pero abot tenga ang ngiti ko hehehe.... Parang na miss ko bigla boses niya.
Are you free tonight ?— mas lumapad ang ngiti sa labi ko ng marinig ang sinabi niya , parang mas na excite ako hehehhe ...
Hmmmf..... yes . Why ?—diretso kong sagot
We have a dinner party tonight ,, babalik na kasi sina Dad at Mom next two days , so kong free ka sana.? –
Yep , I can make it tonight – suporta kong sagot .
Thank you baby , -- malambing niyang boses.
Welcome – nakangiting sabi ko .
Natapos ang buong araw, ay dumiretso na akong umuwi , hindi kona hinintay si ezekel , text ko nalang siya na uuwi na rin ako , at sabi niya ay susunduin niya nalang daw ako .. Kahit na kinakabahan parin sa kanyang mga magulang sisikapin ko na suportahan siya sa lahat ng bagay at maging ma pasyensyosa sa pag intindi sa kay Tita at Tito , alam ko naman na gusto lang nila mapunta si ezekel sa mabuting babae . nag patulong ako kay ate sa pag pili ng pwedeng isuot .
Ate kamusta na pala , naka process kana ba ng maternity leave mo ? --- bumaling ako sa kanya dahil hindi pa namin na kukwentuhan ang tungkol sa mga papers na dapat niyang i-process.
Nakapag submit na ako Annie , pero hinhintay ko pa ang kanilang response --- tugon nyiya .
Ilang months na nga si baby ate ? – tanong ko ulit
Mag 4-months na Annie, excited na ako --- nakangiting sabi niya .
Excited na rin ako Ate , pero teka ate nakapag check-up na kayo about sa gender ni baby ? –na eexcited k0oong sabi .
Hmmmf yes. And its a boy Annie --- nakangiting sabi nito .
Wow, Boy , sigurado akong gwapo rin yan tulad ni kuya alex, hehehehe – nakngiting sabi ko .
Yehhh . i like that blue lace dress features half sleeves, a round neckline -baling nito sa blue lace dress .
Tsk ate naman pwede mona na sabihin na blue lace dress lang , ang dami mo pang sinabi hehehe – pabirong sabi ,
Tsk , mas maganda ang complete , sukatin mona , at paresan mo ng isang itim na takon --- utos niya,
Sinukat ko iyon , at sakto nga ang sukat sa akin, at mas lalong lumantad ang kurba ng katawan ko , hindi naman sa pagmamalaki , bagay talaga ang blue dress na ito ,
Annie your pretty – nakangising sabi niya.
Matagal na akong pretty ate – kunyaring irap ko .
Tsk hehehe , oooyeh at mas lalong pretty ka sa suot mo -proud niyang sabi.
Sinundo ako ni ezekel, nagpaalam kami kina mama at papa, umabot ng isang oras ang byahe papuntang bahay nina ezekel , habang nag ba-byahe ay inabala ko ang sarili sa pagtanaw ng mga ilaw sa daan , mga taong busy sa kani—kanilang buhay , pagdating namin ay saktong kukunin ko ang seatbealt ko at nagulat ako ng hinawakan ni ezekel ang kamay ko . . madilim ang kanyang mga titig , at he's handsome in that way .
Ngumiti ako , - why ?—baling ko a kanya , at kinuha kona ang kamay ko sa seatbealt dahil nakahawak na siya sa seatbelt
Nothing , your always pretty Baby--- seryoso niyang sabi .
Tsk , yehh I am , hindi ka ba nasanay ?- pabirong sabi ko .
Tumikhim siya , at kinuha niya ang setbealt na , pagkatapos ay lumapit pa siya sa akin, parang nakakulong na ako sa sariling setbealt ko at pati siya ay naka dungaw sa akin – ngumiti naman ako dahil alam kona ang ibig niyang sabihin, hinawakan ko siya sa kanyang neck tie at at mas lalong ngumiti sa kanya , soot ang isang formal suit ay tunay na gwapo siya , wala ng ibang makakatalo sa kanyang alindog na p*********i , tunay na swerte ako sa taong ito .. mas dumilim ang titig niya sa akin, nag iwas naman ako ng tingnin at tumingin sa paligid , baka may taong makakita sa amin ..
Ginaya nniya ang aking mukha na para magsalubong ang aming mga mata . --- look at me baby ... –barito nitong boses. At tsaka niya hinuli ang aking labi mas lalo ko siyang hinawakan sa neck tie , at siya naman ay ginalugod na ang aking beywang , hinalikan niya ako sa paraang alam niyang maggustuhan ko , siniil ko rin ang kanyang labi , at hindi ko maiwasan umugol sa paraan ng kanyang halik , na parang malalasing ka .
Ezekel – I call his name like a true woman ,
Ezekel – mas lumalim ang kanyang halik, at ngayon ang aking kamay ay nakahawak na sa kanyang dibdib .
I Like the way you all my name babe – he whisper to my ear , at nakaramdamn ako ng kiliti , at ibang emotion sa katawan ko . he kiss me again , at pagjkatapos ay tumigil ako ,
Why ?- nanoot ang kanyang ulo.
Tsk , baka nag sa-start na ang party nina Tita at Tito – sita ko . At baka may makakita sa atin .. – dagdag ko
Tumango siya at naalala na meron ngang party. Kumuha naman ako ng salamin sa bag at tiningnan ang aking labi , at tama nga ang hinala ko naubos na ang lipstick na nilagay ko kanina, kaya naman kinuha ko ang lipsick ko . at naglagay ulit . Habang nakatingin si ezekel sa akin ay nakaramdam naman ako ng hiya ng maalala ang aming paghahalikan ,
Ikaw kassi , inubos mo ang lippstick ko ---- pabirong sabi ko . hindi siya sumagot kundi sa halip ay nakatitig pa rin sa akin, tapos na akong mag lipstick at kinuha kona ang setbealt ko .
Wait, here the tissue , may lipstick kaya ang lips mo . Pahiran mo mona..- sabi ko ng makitang nag red ang lips niya.
Kinuha niya iyon, Thanks..- ngumiti siya na parang may kalokuhan iniisip.
Kumunot naman ang noo ko . What are you smilling ? – takang tanong ko .
Nothing – agad niya naman na sabi .. At nag iwas ng tingin.
Let's go – yaya ko .
Okie. -- Lumabas kami ng kotse at dumiretso na sa garden area nila .
Isang malawak na garden area sa likuran ng kanilang bahay , hindi pa ako nakakapunta dito dahil ang unang bisita ko ay dinala ako ni ezekel sa loob ng bahay nila . Hindi niya pa ako napapasyal sa buong bahay nila papalapit sa garden ay nagulat ako ng maramdaman na ipalupot niya ang kanyang braso sa aking beywang , ngumiti ako sa kilig at tumingin sa kanya pero diretso siyang nakatingin sa dindaaann naming dalawa , sa paglalakad ay nakatingin na sa aming dalawa ang mga bisita nila, nakaramdaman tuloy ako ng hiya , habang paparating kami , makikita rin na hango sa isang engrandeng party ang meron sa gabing ito . , meron malaking lamesa sa gitna ng area at meron nakahain na pagkain. Tapos mukhang bigatin ang mga bisita , may natanaw akong familiar na lalaki pero hindi ko masyado maaaninag dahil medyo madilim ang bahagi niya ,Habang papalapit ay mas lalong naghuhumirado sa kaba ang ko , nakatingin na sa amin sina tito at tita , suot ang isang formal suit ni tito bagay sa kanya ang kanyang kasuotan kahitt na medyo may edad na lumalabas parin ang taglay nitong kagwapuhan , tapos si tita naman suot ang white dress na merong gold na kwentas sa kanyang leeg lumantad ang kanyang kagandahan , pares ang isang puti rin takon . Nakangiti na si tito sa amin at si tita naman ay tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa , buti nalang talaga nagpatulong ako kay ate sa pagahahanap ng maiisuot ko ngayon gabi ..., si tita naman nakangiti rin pero nararamdaman kong my bahid na inis sa mukha ng makita niya ako . iwan ko pa kong feeling kulang iyon or talaganng matapang lang ang kanyang mga titig .
Good evening tito at tita --- bati ko sa kanila , nag beso ako at si ezekel naman ay nararamdaman kong mas humigpit ang kanyang pagkahawak sa akin .
Good evening Annie, mabuti at naka dalo ka – baling ni tito .
Thank you po tito for inviting – sabta ko naman ,
Nag iwas ng tingin si tita sa akin . Ezekel , nandito si Dra. Alejandro – baling nito kay ezekel.
Yeh mom, I know nag text siya sa akin – sagot namann ni ezekel , saktong aalis na kami ng biglang dumating si Dra. Alejandro.
Kanina pa siya dito .. – dagdag ni tita .
Hi Ezekel - bati ni Dra. Kay ezekel sabay halik sa pisngi , nag iwas naman ako ng tingin sa kanila .Napatingin si Dra sa bahagi ko at ngayon lang napagtanto na nandito rin ako .
Hi Annie, nandito ka pala ? – bakas ang pagkagulat niya ng makiita ako ,
Yes Dra. – pilit na ngiti ko.
Tayo na at umupo na tayo – baling ni tito sa amin .