KABANATA 20

4585 Words
Annie please, I love you . Pinagsisihan ko anng nangyari ng gabing iyon. Sana ay patawarin mo ako .. I cannot live without you annie ----- nagmamakaawang niyang sabi .. nakita kong tumulo ang kanyang mga luha , yinakap niya ako ng mahigpit pero nag pumiglas muli ako , at lalo ko siyang sinu-suntok sa dibdib ... Ayoko kona Ezekel, ang sakit-sakit malaman na ang boyfriend ko ay may kahalikan na ibang babae. Kaya pala ayaw mong pag-usapan ang tungkol sa party niyo dahil may ibang nangyari . At ito yon Ezekel.. --- hindi ko napigilan umiyak dahil sa tension, hindi siya natinag sa aking pagpumiligtas , kahit buong lakas kona siyang tinutulak .Kaya muli akong nag ipon ng lakas ng loob para masabi sa kanya ang magic word ko para tumigil na siya ..... Tumingin ako ng direstso sa kanya at nakikita ko rin na hindi tumitigil ang pagtulo ng kanyang mga luha . Please Ezekel ayoko kona .. I don't love you anymore ... -- dagdag ko pa , Buong lakas ko siyang tinulak at nagpasalamat dahil nakawala sa kanya, Tumalikod ako at mabilis na tumakbo patungong sasakyan ... Paanong hindi niya alam , eh siya yung nasa litrato , sinungalin siya ... He make my heart stone because of what he do .. I hate you Ezekel John Rodriquez ... Nagmaneho ako papuntang bahay , at gusto kona ipaalam sa kanila ang lahat ng nangyari sa amin ni ezekel . Pag dating ay dumiretso ako sa kuwarto at nag bihis pagkatapos mag bihis ay biglang may kumatok sa pintuan . Binuksan ko ang pintuan at nakita si ate at kuya na malungkot na nakatingin sa akin. Pinapasok ko silang dalawa at sinerado ang pintuan . Ate Kuya , break na kami ni ezekel .. – bumuhus ang aking mga luha, na parang hindi pa nauubos simula kagabi , Yinakap ako ni ate , at si kuya naman ay tinahan ang aking likod .. Umupo kami ni ate sa kama at si kuya ay nanantiling nakatayo . Malungkot nila akong tiningnan, at makikita sa kanilang reaksyon ang pagtataka at , kong bakit anong nangyari ... Ikinuwento ko sa kanila lahat .. Pinakita ko ang litrato , at sinabi ko rin ang pinag-usapan namin ni Ezekel kanina . Annie, baka wala ngang alam si Doc. Ezekel ? sana pinakinggan mo siya mona ? --- si ate na nag aalinlangan . Wala nang dapat pag usapan Isabel dahil kita na sa litrato ang lahat, hindi na kailangan ng paliwanag.. – si kuya na hindi mapigilan magalit .. OO nga kuya kita sa litrato pero alam naman natin diba na may gusto si Dra Alejandro kay Doc. Ezekel baka that time ay lasing si Doc. Ezekel at si Dra. Alejandro ay nagtake advantage kay Doc. Ezekel dahil lasing ito ... ----- paliwanag naman ni ate . Isabel huwag kana ngang magbulag –bulagan dahil kita na sa litrato . mabuti Annie at nag break na kayo , nalaman natin ng maaga at hindi natin alam baka may relasyon din sila ngayon ni Dra., ---si kuya .. Kami na ang bahalang magsabi kay mama at papa ... ---- dagdag ni kuya . Pagkatapos namin mag usap ay agad silang bumaba , at siguro na sabi narin nila kina mama at papa , nagpahinga ako , at nag isip kong ano ang susunod kong plano , kailangan konang mag move-on kay ezekel , gusto kona siyang kalimutan , pero hindi ko to magagawa kong araw-araw ay nagkikita kami , Napagdesisyonan kong kailangan siguro na mag passa ako ng resignation sa HR , Naalala na baka pwede pa yung offer ni tita , nag chat siya ng nakaraan na kong gusto ko magtrabaho sa US ay matutulongan niya ako .Kapatid siya ni mama last year ay may conversation kami na gusto niya akong pumunta sa US dahi may vacant na position ang Emergency Department sa Hospital pinagta-trabahuhan niya , isa rin siyang rejistered nurse , at citizen na sa US . May isa siyang anak na lalaki .. Si Troy , at Minsan nag ba-bakasayon sila ditto sa pinas , pero ngayong year lang na hindi sila natuloy dahil busy daw sila . Siguro mas mabuti kong try ko mag trabaho ng ibang bansa, para mas matutunan ng pansin ang sarili at para makalimutan si ezekel. Hinanap ko muli ang aking phone , at message si Tita.. Hi tita Good pm kamusta ? – makalipas ng ilang minuto ay biglang nag ring ang phone ko at nakitang si tita ang tumatawag , umupo ako ng matuwid at sinagot .. Hi Annie .. –masaya nitong bati . Hello tita, kamusta po ? off niyo po ba? baka nakakaistorbo po ako ? --- nag aalinlangan kong tanong . Yes off ko Annie.. okie lang ako . kaw kamusta ?—sagot niya . Okie naman po tita, si troy po kamusta at tito? – mag kasing edad rin kami ni troy , at kasalukuyan nag aaral siya ng medicines ... Si troy iyon palaging nag kukulong sa kwarto dahil busy sa pag-aaral , si tito mo naman nasa trabaho ngayon . Sina isabel at edward kamusta ? si ate at kuya kamusta rin ? --- Okie naman po sila . Tita may tatanong po sana ako. =-- kailangan konang sabihin para malaman kong may chance ba or wala para makaisip muli ako ng paraan kong saan ako mag ta-trabaho .. What is it Annie? – nag aabang niyang tanong . Tita ang offer po ninyo , about sa trabaho dyan ? available pa po ? – nahihiyang sabi ko . Narinig kong ngumiti siya at parang masaya sa tanong ko .. Iha of course available pa .. Bakit gusto mona bang magtrabaho ditto ? – excited niyang tanong. Ngumiti ako ng mairinig ang sinabi ni tita, Yes po tita . – agad kong sabi . Okie, I will email you all the requirement and you should start processing it . – dagdag nito .. Thank you tita .. – nakangiti kong sabi , parang nabawasan ang sakit na nararamdaman ko . Pero pag kababa ko lang ng phone at nagulat ako ng makitang tumatawag si ezekel . Galit kong tiningnan iyon , at sinantabi ang phone inilagay ko sa ilalim ng unan ko at natulog ... Nagising ako dahil sa may humahawak sa akin buhok , minulat ko ang aking mata at nakita si mama .. Annie, - Tawag niya , nakangiti siyang nakatingin saa kin,pero may bakas ng lungkot ang kanyang ekspresyon. Mama. -- umupo ako at niyakap siya ,at muling tumulo ang aking luha. Shhhh...Alam na namin Annie sinabi ng kuya at ate mo...---malungkot nitong tugon, humiwalay ako sa pagyakap at diretsong nakatingin sa kanya.. Break na po kami ..Ang sakit-sakit po ---Napahawak ako sa aking dibdib at muling bumuhus ang luha . Shhhhh .. I know the pain you feel, na experience ko rin ang sakit na nararamdaman mo ngayon ....Kaya okie lang yan Annie. You can conquer it .—naiiyak na sabi ni mama.. Mama gusto kona matapos ito , gusto ko na maubos lahat ng sakit . At Bakit nangyari ito sa akin? .---dagdag kopa.. Annie,lahat ng mga nangyayari sa atin ay may rason ang Diyos ,hindi man natin alam ngayon kong ano ang rason pero sa huli ay malalaman din natin.. Ang mga pagsubok na may kaagibat na matutuhan natin sa buhay . Kaya mas pinakamabuting gawin mo ay magtiwala sa kanya at magdasal. –paliwanag ni mama . Ano ba ang matutuhan ko Mama ang masaktan ..? --baling ko sa kanya.. Annie ito ang tatandaan mo minsan sa buhay natin ay kailangan natin masaktan para malaman natin nabubuhay tayo sa mundong ito.- Araw ng merkules ay napag desisyunan kong pumasok ,.Naligo ako ,nag-ayos sa sarili ,sinuot ang uniporme.Tumingin ako sa salamin at nakitang hindi na masyado halata ang mga mata. Annie Marrie Marquez ,kaya mo to..kaya mo siyang harapin. Dapat ipakita ko na hindi na ako nasasaktan.Na hindi siyang malaking kawalan sa buhay ko...magpapaalam na ako kay Mrs.diaz sa plano kong mag resign .Susunod kona lang ang aking resignation letter. Bumaba ako at nakahanda na ang meryenda,kompleto narin sila sa hapag siguro ako nalang ang hinhintay nila.Nakatingin sila lahat sa akin na parang tinatansya kong anong mood ko. I give them a fake smile , at sila ay pilit ding ngumiti sa akin . Umupo ako sa upuan at kumuha ng kanin , at pritong hotdog . Mama , Papa, nag usap po kami ni Tita ng nakaraang araw nangangamusta po ..—baling ko sa kanila, deretso silang nakatitig sa akin na parang nag aabang sa sasabihin ko. Ahh oo tumawag rin siya sa akin.. – sabat nman ni mama . Na kwento niya sa amin ang tungkol sa trabaho na gusto mo daw mag work doon – si papa naman ang nagsalita. nakita kong nagulat sina ate at kuya, siguro ngayon lang nila nalaman . Really annie? you want to work abroad? --- si ate naparang nag hestical ng malaman niya. Yes ate, for good ,for new environment .. –tipid kong sagot. Good Annie -si kuya naman na suportado ako sa desisyon . Yep, kaya magpapaalam po ako sa inyo... -- diretso kong sabi .may pagkakailangan sina Mama at Papa na pumayag , si Kuya naman ay halatang gusto niya ang desisyon ko , si Ate naman ay hindi matago ang pagtataka at hindi sang ayon sa akin. Kong saan ka masaya Annie, susuporthan ka namin --- si Mama at sabay tingin sa aming lahat . So, magre-resign kana sa St. Lukes ? – si Ate naman ang tanong. Yes po, magpapaalam na ako mamaya, at nextweek papasa ko na ang aking resignation letter .. --- diretso kong sagot. Binigyan nila ako ng halong emosyon meron nalulungkot, nagtataka dahil siguro hindi nila inaasahan na may ganito akong desisyon, na may bakas rin saya sa kanilang ekspresyon dahil natatandaan kong gusto rin nila na mag work ako sa abroad, ako tong ayaw na ayaw. Pagkatapos kumain, ay nag ready kaming lahat nag paalam kay mama at papa , at umalis. Nasa likod ako umupo , tahimik sina ate at kuya , habang ako ay nasa labas ang paningin. Napapansin kong tinitingnan nila ako sa salamin pero hindi ko sila pinansin sa halip ay nakatuon ang aking atensyon sa labas ng kotse, tanaw ang mga naglalakihan puno , mga sasakyan nakakasabay namin, at nag iisip kong paano ko sasabihin sa mga kaibigan ang desisyon mag resign at mag abroad, tiningnan ko ang aking cellphone, at kita ang mga mensahe .. isa isa ko iyon binasa. Mae –ann . Hi annie labas tayo .. Janna . How are you babae? sana okey kana? Leo. Hi annie na balitaan ko , lagot yang gagong ezekel na yan pag nakita ko . laha sila ay nagaalala sa akin, gusto ko na bago ako umalis ay magkita kami , at makapag paalam sa kanilang lahat .. Napapikit ako ng mariin at nakitang may mensahe si ezekel, Ezekel, Baby, Im so sorry .. I love you ... - dinelete ko agad, at nakita kong nandito na pala kami sa hospital. Salamat kuya , at ate aalis na ako – binuksan ko ang pintuan at naalalang. Kuya huwag niyo na akong sunduin dahil magpapahatid ako kay Leo mamaya . Saktong mag alas-syeete palang ng umaga, at napasya akong dumiretso sa Human Resource Department, Maaga pa naman at gusto konang kausapin si Mrs. Diaz ... Napatingin ako sa OPD at bukas na ang pintuan siguro nasa loob na sina Jeffrey at Mia , nagmadali akong lumakad .Pagdating sa HR ay kumatok ako sa pintuan at narinig kong nagsalita si Ms. Diaz. Pasok -- sigaw niya .Agad akong pumasok at ngumiti habang nakatingin sa kanya .. Hi Ms. Diaz good morning po .. – bati ko .binigyan niya ako ng nagtatakang ekspresyon. Ang aga mo naman ata Ms. Annie, Kamusta ? – nakangiting sabi niya. Okie naman po Ms. pumunta po ako ditto para po makapag paalam ng mabuti .. – mahinahon kong sabi .. Ano yon Ms. Annie ? – takang tanong niya . Ms. Diaz mag re-resign na po ako .--- ay salamat nasabi ko rin. Huh? bakit? --- mas lalo siyang nagtaka ... Ngumiti ako , Pasensya na po Maam, Kung hindi ko agad na sabi sayo . Nakausap ko kasi ang tita ko po at pinapapunta ako sa US dahil may bakanting posisyon doon . Ako naman po ay agad na pumayag dahil is the best opportunity to me . Hmmm. Okie hindi kana naman namin mapipigilan dahil big opportunity rin yan , at tapos na naman ang contrata mo ditto . Kaya we will support you ..—paliwanag niya .. Salamat po Ms. Diaz, Salamat dahil biningyan niyo po ako ng chance para mag trabaho ditto, marami po akong learnings and experience na hindi ko po malilimutan .. Salmat po sa lahat –lahat .– nakangiti kong sabi. Salamat din sa serbisyo mo Ms. Annie .. marami rin ang inambag mo ditto sa hospital , at hindi ka rin namin makakalimutan . At pasa mo nalang ang resignation letter mo nextweek ... - tugon niya . Okie po maam Salamat po ulit . Pumunta ako ng Emergency Room at nakitang konti lang ang pasyente ngumiti ako habang naglalakad at dumiretso ako ng locker para ilagay ang aking mga gamit. Good morning – bati ni doc.kim Goodmorning po doc.-tugon ko naman .Agad akong nag ayos at lumapit ang iilang kasama ko.Lahat sila ay nangamusta sa akin, kong bakit daw absent ako ng nakaraan , ikinuwento ko sa kanila na masama nga ang aking pakiramdan . At kinuwento kona rin sa kanila ang plano kong pagresign ..at gaya ng inaasahan ko ay nagulat sila sinabi ko . So hindi kana na namin makikita Annie –malungkot na tugon ni john . Nakita ko ang expression nila ay malungkot. Uuwi naman ako ditto , gusto ko lang e-try mag work in abroad --- sabat ko sa kanila . Okie, basta Annie , huwag mo kaming kalimutan huh -si ina ang bagong nurse sa ER.. Okie po ...-- tugon ko . Annie, Goodluck sayo --- si doc. kim naman ang nagsalita.. Salamat sa inyong lahat , marami akong natutunan at hindi ko kayo makakalimutan. Yinakap ko sila isa-isa at nakitaan ko sila ng naluluhang mata, kaya di ko naman mapigilan ang umiyak din , pagkalipas ng ilang sandali ay nagsimulang kaming mag trabaho muli. Nag text ako kay Leo at magpapasundo ako sa kanya , saktong alas cincco na at hinintay ko siya sa labasan . Nagulat ako ng mamataan si Ezekel, diretso siyang nakatingin sa akin, nag iwas ako ng tingin sa kanya , at papalapit na siya sa akin.. Annie please Im sorry . ---nagmamakaawang sabi niya . Sorry , nagawa mona Ezekel, sinaktan mona ako , wala nang magagawa ang sorry mo .. --- buong tapang kong sabi . Hindi na ba talaga to maayos? --- malungkot niyang sabi , napansin kong bakas sa kanyang mga mata na umiyak siya ng magdamag dahil pareho sa akin ng nakaraan , mapula , at parang lumaki ... Pinilit ang sarili na hindi ipakita na malungkot rin ako sa nangyari sa amin. Yes , Ezekel, hindi na to maaayos , mas mabuting mag hiwalay na lang tayo kaysa magkasakitan tayo. ... --- buong tapang kong sagot, nilalabanan ang kanyang mga titig. Kong iyan ang makakapagpasaya sayo . Pipilitin ko na makalimutan ka . --- at tinalikuran ako , parang gusto ko siyang habulin at pigilan na sabihin niya sa akin na mahal na mahal niya pa rin ako pero huli na ang lahat dahil tuluyan na siyang umalis . diba ito naman ang gusto mo Annie maghiwalay kayo ? so pumayag na siya .Bakit malungkot pa rin ako ? Bakit mas lalong sumakit ang puso ko ng mapagtantong pumayag siya at its official break na kami . at muling bumuhus ang aking mga luha . Bumalik mona ako ng Hospital at pumunta ng banyo , ayokong makita ako ni Leo na pulang-pula ang aking mga mata , at pati ang aking ilong . Naglagay muli ako ng make-up , at lipsticks , para matago ang naglukmo kong itsura . Bumalik ako sa parking area, pero bago pa ako makadating ay muli kong nasulyapan ang OPD Room , nag flashback lahat ng nangyari ng nakaraan , ang una kong pasok na napagalitan ako ni Ezekel dahil muntik na akong ma late , ang mga maliliit na bagay na parati niyang sinisita sa akin , ang mga bonding namin nina mia , at jeffrey , ang mga pasyenteng mababait , at masusungit , lahat ng mga pangyayari dito sa Hospital ay hindi ko makakalimutan .. Pagkalampas ay agad kong na kita si Leo nakatayo sa labasan , at kumaway ito sa akin.Nakangiti akong lumapit sa kanya , at ianaalala na dapat hindi ko ipahalata na umiyak ako at malungkot ako ngayon . Nag beso kaming dalawa , at kinuha niya ang bag ... Hi Leonardo --- nakangiti kong sabi. Hello Annie . Kamusta ? --- masaya nitong bati . Im fine ,.. Ikaw kamusta ? more girls ?--- panunuya kong sabi . Okie rin .. Not so many ... --- nakangiti rin niyang sabi . Ginaya niya ako sa kanyang kotse , at pinagbuksan ng pintuan , ibinigay niya sa akin ang bag ko . at umikot para makaupo rin siya . Labas tayo sa weekend .. – panimula ko . Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko at , ngumiti narin ng maproseso s isip. Allright ...Where ?—excited nitong sabi .. Kayo na ang pumili kong saan .. --- sagot ko naman , alam ko kasing marami silang alam na club kesa sa akin, at paminsan-minsan na lang ako lumalabas dahil sa pinagbabawalan ako ni ezekel noon. Okie, I will ask janna too – tugon niya . Tanaw ang malawak na dagat , nagliliparan ibon , mga alon na nagsasayaw , ang maliwang na sikat ng araw na naka lahad sa aking mga balat , nandito ako ngayon sa dagat , gusto ko muling balikan ang mga masasayang araw namin ni ezekel, sisikapin kong ito na ang pinakahuli kong pag aalala sa kanya . Ang mga roadtrips naming dalawa, na habang nag di-drive siya ay ako naman abala sa pagsusubo sa kanya ng pagkain , ang mga bagong restaurant na pinupuntahan namin at ti-try ang lahat ng mga best selling , mga resort na siya lang ang dala sa sakin at nagpasyal sa mga magandang tanawin , ang mga lugar na first time kong makita , na hindi ko ine-expect na may ganun palang lugar. Ang first kiss namin na nag pabaliw sa akin na hindi ko alam na unit-unti na akong nahuhulog sa kanya , ang mga malilit na bagay na pinag aawayan namin dahil minsan nag seselos siya , ang mga tampuhan namin na mas lalong nag patibay sa aming relasyon . Huminga ako ng malalim at hindi napigilan ang aking luha , pilit na pinpunasan ang aking mata pero , parang hindi na uubos ang luha ko , dahil nag hihinayang talaga ako , kong bakit nangyari sa amin ito? , Ang tanga mo Annie Marrie Marquez, ang tanga-tanga mo . Akala ko alam kona ang lahat tungkol sa mga relasyon , akala ko varsity na ako sa buhay pag –ibig pero hindi pa pala , marami pa akong walang alam .. Ang sakit-sakit ng puso ko , parang napupuyos na sa sakit na nararamdaman , Parang ito ang pinakamasakit na naramdaman ko buong buhay ko Bakit tayo nag ka ganito ezekel? Akala ko marami kanang plano sa future natin , but why?? What happen to us? Kinuha ko ang aking cellphone at nakitang marami na palang tawag, na e-silent ko iyon kanina dahil ayoko may storbo sa akin , kaya pagtingin ko ay meron sampung mensahe at limang Tawag, binuksan ko ang mga nag missed call at nakita ang mga pangalan nina janna, mae ann , leo, mama at ate. Sasamahan sana ako ni ate pero hindi ako pumayag gusto ko rin kasi mag –isa, at ayaw ko na nag aalala pa sila sa akin, Then binasa ko ang mga mensahe, at sina janna rin, nag tatanong kong tuloy nga kami mamaya, at si kuya hinahanap na ako ... Ang huling mensahe ay nakit ko ang pangalan ni ezekel, huminga ako ng malalim at nagkalakas loob para basahin.. Ezekel! Im sorry annie, its all about misunderstanding, Im sorry because Im the one who ruin our relationship, but I swear hindi ko iyon sinasadya, nalasing ako ng gabing iyon at hindi ko alam ang buong nangyari . hindi ko alam kong paano na gawa yon ni alejndrio , mahal na mahal kita Annie...sana patawarin mo ako. Naiiyak ko iyon binasa, at agad kong ine-exit ang phone ko at binura sa contacts ang number ni Ezekel. Ito na ang huling mensahe na babasahin ko at ito na rin ang huling araw na iiyak ako dahil sayo ezekel . Ayoko kona sisikapin kong patibayin ang aking puso , at damdamin para hindi na masaktan muli. Nagtagal pa ako ng isang oras sa pag tanaw ng dagat , Ine-enjoy ko ang tanawin at sinasaulo ang bawat sulok ng dagat para hind ko makalimutan dahil baka ito narin ang huling bisita ko sa dagat dahil baka next month aalis na akong papuntang US , mabuti naman dahil nakapasa na ako ng resignation letter kay Ms. Diaz, at ngayong week na to ay magpapa-perma nalang ako ng clearance sa lahat ng department at sa pagsasagawa ng proper transition, mabuti nalang at naka hired na rin sila ng bagong nurse sa ER na papalit sa akin, hindi ako nahirapan mag re-signed agad dahil my papalit na . Iniisip ko na inakala kong magtatagal na ako dito , dahil sa tootoo lang enjoy naman ako sa simpleng buhay dito sa pinas, wala namang problema sa sahod dahil malaki naman , at nakakasama kopa sina mama at papa, ate at kuya , at kung gusto mo puntahan ang mga naggagandahan tanawin ng pinas ay madali lang puntahan basta may pera ka lang , tapos makakasama ko rin ang aking mga matalik na kaibigan . Kontento na ako sana pero dahil sa nangyari sa amin ni ezekel parang nagbago ang lahat . Gusto kong pumunta ng ibang bansa para makalimutan siya , para maibsan ang lungkot na dinulot niya .Huminga ako ng malalim at pinalis ang mga luha sa akin mata at pilit na ngumiti dahil sa sakit na dulot niya na parang nag palakas pa sa akin. Kaya mo to Annie Marrie Marquez makakaya mo to ... God Has a Plan .. Dumaan mona ako sa store at bumili ng ice cream , at pagkatapos bumili ay agad akong umuwi , pinark ko ang sasakyan ni kuya , at dumiretso na sa loob, Nakita ko sila agad na naghihintay sa akin, nagaalalalng ekpresyon ang binigay sa akin, pero ngumiti ako at nilagay anng ice cream sa lamesa , at kumuha ng mga tasa at kutsara. Hi , dumaan ako sa ice cream store bumili ng paborito nating cookies and cream ice cream --- umupo agad ako sa upuan , at sila ay nanatiling nakatingin sa akin, na parang inaalam na okie na ba talaga ako , dahil buong ngiti akong nakatingin sa kanila .. agad na umupo si kuya para suportahan ako . Isabel tara kain na tayo – si kuya ang nagkalakas loob na magsalita . nakakonot ang noo ni ate at kumuha ng ice cream, sina mama at papa naman ay bakas parin ang pag aalala . Mama papa.. Okie na po ako , nasabi ko na lahat sa dagat ang sakit nararamdaman ko . Kahit na may sakit paring natira , sisikapin kong maka move –on talaga ako kay ezekel Okie ? huwag na kayong mag aalala ---parang kailangan kong ipaliwanag sa kanila ang aking nararamdman para malaman nila na sinisikap korin mag move –on at kakayanin ang pagsubok nato ,,, Ayan naman pala ei , kapatid ko yan ---- nakangiting sabi ni kuya na parang kinukumbinsi sina mama na okey na ako .. nakita kong pilit silang ngumiti , at agad na kumuha ng ice cream. Makaka move-on din ako , --- nakangiti kong sabi , at muli silang tumingin sa akin, ubos kona ang ice cream na kinuha sa tasa ko, kaya agad akong tumayo at pumunta ng lababo .. alam kong nag aalala parin sila sa akin, dahil ramdam-na ramdamn ko ang pagkailang nila , ahh, ma pa aalis pala ako mamaya, mag kikita lang kami nina janna, my friends - Okie annie, -- si papa. Farewell party na bayan annie? – si ate na ngayon ay normal na ang kanyang mga titig .. na parang nabalik na sa huwesyo ang kanyang sarili. Parang ganun ate , aalis na kasi ako next month ?? --- tugon ko at muling bumaling sa kanila . Nakita ko agad ang kanilang reaksyon na muling nalungkot dahil aalis na ako . Ay oo nga annie , ang bilis ng mga araw , next month kana pala aalis --- si mama na parang nakalimutan niya na aalis na ako. Yep , mabuti nalang at na process kona lahat ng papers ko , at ang kulang kona lang ay ang aking clearance , gagawin ko ngayon week na to , bali sa Friday ang last duty ko sa st. Lukes --- paliwnag ko naman . Aalis kana talaga annie, ma –mi-miss ka namin – si ate na ngayon ay parang iiyak na ... Tch , ate naman parang walang internet , parang walang messenger . – irap ko sa kanya . Kahit na annie hindi parin maiiwasan na malungkot dahil wala ka sa tabi naminn.. – si mama naman na ngayon ay nai-inpluwensyahan ni ate. Ikaw kaya ang pina ka makulit, at pinaka matigas ang ulo . – si papa na parang nag me-mesa sa akin sa kasalan kong nagawa noon. At tsaka hindi mo man lang hihintayin na makalabas si baby .. – naiinis niyang sabi . next 2 month nalang ang due ni ate, at ako ay aalis next month , si tita kasi tumawag kahapon at gusto niyang bilisan kona daw ang pag-poprocess para makapunta na ako doon, baka daw kasi may umagaw ng bakanteng posisyon .. Sorry ate , kong hindi lang tumawag si tita kahapon na kailangan konang lumipad papuntang US dahil baka maagawan ako ng posisyon doon , ehh hindi pa ako aalis. Babawi nalang ako ate . --- sabat ko naman , tumango-tango silang lahat naparang sang ayon sila sa akin ... At kong sakaling maayos na ako doon, baka gusto niyo pumunta, or mag migrate diba?- nakangiti kong sabi , at lumaki ang mata ni ate sa gulat at buong ngiti ang ginawad niya . Ay oo nga annie noh hehehe , bat hindi ko yun naisip ? – takang tanong niya . See ! maraming paraan , at ano ba kayo , babalik naman ako dito , at kahit makakalayo man tayo , hinding –hindi magbabago na kayo ang pamilya ko .. --- buong puso kong sabi . at tsaka , hindi pa naman ako aalis ngayon, next month pa ... --- dagdag ko pa . Yehh , so marami tayong time. --- si kuya na parang proud na proud sa akin...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD