Kinaumagahan ay pagod akong gumising , at batid kong mag-isa na naman ako sa kama, napatingin ako sa orasan at nakitang mag –alas otso na ng umaga , napangiti ako dahil muling naalala ang kagaabi , pagod ako pero masaya sa nangyari . Pumunta ako ng banyo para mag-hilamos , at mag sipilyo .... Napatingin ako sa aking suot at naka pantulog na pala ako , hindi ko maiwasan mangiti dahil gaya ng nakaraan ay binihisan naman ako ni Ezekel . Napapangiti ako tuwing maiisip na hinuhubaran niya ako at binibihisan din kapag natapos na ang aming operasyon dalawa. Pagkatapos mag-ayos ay bumaba ako , at nakita ang mag-ama na nag-aalmusal na sa hapag . Napabaling sila sa akin ng marinig ang mga yapak ng aking paglakad.. Good morning . – nakangiting bati ko sa kanilang dalawa . Nagtagal ang aking paningi

