Sa wakas ay makikita kona rin ang aking anak . Mas lumapit siya sa akin, at sumunod din sina tita , tito,at troy sa kanyang lukuran . Annie – tawag ni ms. Franklin at dahan –dahan na ibinigay sa akin ang sanggol. Nang nahawakan kona si baby ay bumuhus na ang aking mga luha ang kaninang pinipigilan ay nagwala na ,Gising siya at nakatingin sa akin at hindi ko mapigilan mangiti habang nakatingin sa kanya Salamat Lord. Si tita ay lumapit sa akin at hinagod ang aking likuran .. Pinunasan ko ang aking mga mata sa pamamagitan ng isang kamay ko , at pagkatapos ay tingingnan ng mabuti ang aking anak , matangos na ilong , may makapal na kilay , mabilog na mata halos lahat ng katangian ay nakuha niya sa ama , maliban lang sa maputing kulay niya na sa tingin ko ay iyon lang ang namana niya sa kin..

