-YVAN JAMES- I don't know what to do. Nararamdaman ko 'yong sakit at galit sa mga salitang binibitawan niya. Parang pinipiga ang puso ko habang nakikita ko siyang ganoon. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong alisin lahat ng sakit at bigat na nararamdaman niya pero paano ko 'yon gagawin? Naramdaman kong may humawak sa balikat ko. Itinaas ko ang tingin ko at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Tito Greg. "I'm sorry, Tito. Hindi ko po alam na ganoon ang magiging reaksiyon niya." "It's okay! Simula ng iwan kami ng mommy niya ay nagbago na siya. Mas lumala iyon ng lumaki na siya. Akala ko sapat na 'yong pagmamahal na binibigay ko sa kaniya pero nagkamali ako. Iba pa rin talaga ang pagmamahal ng isang ina..." Napayuko si Tito at hindi na magawang ituloy ang sasabihin niya. "Tito

